JERLYN Nagising kami ni Arnel ng alas sais ng umaga. Ang sarap ng tulog namin dahil siguro napagod kami sa aming byahe kahapon. Sumisilip na ang araw sa aming kubo. Maririnig na ang huni ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon ng niyog. "Good morning Daddy." "Good morning baby." Magkasabay namin na sabi ni Arnel habang malawak ang mga ngiti namin sa labi. Hinalikan ako ni Arnel sa labi at nauna nang bumangon. Pagkatapos binuhat niya ako papunta sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos nagpalit na kami ng damit para pumunta sa malapit na restaurant para kumain muna ng almusal at umpisahan ang unang adventure namin dito sa Isla. Bago niya ako pinasuotan ng damit nilagyan niya muna ng cream ang aking sugat sa tiyan at nilagyan ng binder. "Ang ganda at ang sexy mo baby." Mal

