JERLYN "Hello baby, Angel! Kamusta ka dito habang wala si Mommy at Daddy? Baby I Iove you so much. I'm sorry kung hindi ka namin nakasama ng matagal. I'm sorry kung hindi ko alam baby. Sana hindi ka galit kay Mommy. I miss you baby?" Wika ko habang hinahaplos ko ang malaking pangalan ni baby Angel. Kagabi kami dumating ni Arnel mula sa isang linggo na bakasyon namin sa Siargao. Sobrang saya namin sa isang linggo na pamamasyal sa Isla ng Siargao. Sinulit talaga namin araw-araw mag adventure sa Isla. Kaya maaga ako'ng nagising upang puntahan ang puntod ni Baby Angel dito sa gilid ng bahay. Bumili kami ni Arnel ng mga laruan kaya dinala ko dito sa kanyang bahay. Sinadya ni Arnel na parang bahay talaga na pweding matulugan ang bahay ng aming anak. Mahirap at masakit tanggapin ang nangyari sa

