NICOLAI X BRIANNA JOY Kinabukasan maaga pa rin ako'ng gumising kahit sobrang bigat ng naramdaman ko. Hindi ako nakatulog ng maayos sa pag-iisip kay Rien. Ilang ulit ko pa kasi siyang tinawagan kahapon hanggang gabi ngunit unavailable talaga. Nagulat din ako nang makita na naka block na ako sa lahat ng mga social accounts niya. Pagdating ko kahapon sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi ko na magawang kumain ng dinner dahil gusto ko nalang humiga at mapag-isa muna Malakas ako'ng bumuntong hininga saka bumangon sa kama at dumiretso sa banyo upang maligo. Baka gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit sa pakiramdam na hindi kami nagkausap ng ilang ni Rien parang nanibago at hindi Ako sanay. Dati bago ako matulog sobrang daming miss calls at message

