ARNEL "Anak iho magpakatatag ka. Lalaban si Jerlyn para sa iyo para sa atin. Kaya lakasan at tibayan mo lang ang loob mo. Malakas at matapang si Jerlyn kaya lalaban siya." Wika ni Mommy. Nandito kaming lahat sa labas ng operating room. Kaagad namin dinala si Jerlyn sa ospital. Dinala rin nang mga pulis si Gwen sa ospital at pareho silang inooperahan sa loob. Pagdating namin kanina sa opistal pareho silang 50/50. Kung hindi lang ako kanina pinigilan ng mga kaibigan ko at mga pulis binaril ko na si Gwen para tuluyan na siyang mamatay. Hayop siya, masama man magsalita pero sana hindi na siya mabuhay. At kung mabuhay man siya. Hinding-hindi ko siya mapatawad. Kahit maubos ang Pera ko. Basta mabulok lang siya sa kulungan. Mabuti nahuli din ang mga sangkot sa pagdukot sa asawa ko. "Oo nga bro

