"I heard that Ynah came back alone yesterday," napa-angat siya ng tingin sa sinabi ni iyon ni Lolo Roberto. Nang tignan niya ang binata ay nakatungo lang ito. Patuloy itong kumakain. Pagkaalis kasi niya sa cottage house ay nagtanong-tanong siya para makabalik sa Central London. Mabuti na lang at friendly ang mga tao doon kaya naman natagpuan niya ang train station. Nakita niya ang mga tawag at text nito sa kanya. Hindi niya pa rin pinapansin ang binata. Agad siyang umakyat sa kuwarto nang makaratig siya. Nagpaakyat na lang siya ng pagkain sa kuwarto dahil lagpas na ng pananghalian nang makarating siya. Kumatok ang binata sa kuwarto niya ngunit hindi niya ito pinagbuksan. Hinayaan niya itong mapagod. Hindi na rin siya nag-dinner dahil ayaw niyang makita ang binata. Muli si

