bc

When A Man Loves A Woman

book_age16+
608
FOLLOW
6.3K
READ
billionaire
opposites attract
playboy
arrogant
dare to love and hate
bxg
city
virgin
wife
naive
like
intro-logo
Blurb

"You should have made it the cover of your magazine," she closed her eyes and started counting from her mind. "It will definitely be sold in five minutes once it reaches the rack."

She still tries to ignore him. She's praying for the elevator door to open so she can get out and leave the moronic actor there.

Then suddenly the elevator stopped, lights were turned into emergency mode.

"No!" she continued to press the bell button. "Please help us! We are stuck in here!"

Panic started to rise on her body, tears started to build up in her eyes as sweat rolled from her forehead.

"I cannot breathe," she whispered.

Then she felt warm arms wrapped around her body.

"Take a deep breath, Ynah, slowly," his right hand slowly hold her head to caress it. She followed what he said and settled her head on his broad chest. "Yes, that's it. You're doing great, Love."

Her arms curled at his back, finding comfort. She didn't know that he still affects her until now.

"Let's go back to the way we were...."

The lights turned back on and the lift started to move again.

She immediately stepped back to release herself from his embrace.

"We can't because there is nothing to return to in the first place," then she turned around and stepped out of the lift when the door opens.

chap-preview
Free preview
1
"Have you seen your husband, Czarina?" nakangiting liningon niya ang biyenan na babae.   "Not yet, Mommy.  would you like me to look for him?," nang tumango ito ay agad niyang iniwan ang biyenan na babae upang hanapin ang asawa.   Today is their wedding day.  Maliit na gathering lang iyon kasama ang mga pamilya at mga close friends nila.  Sa mansyon ng pamilya ng asawa sa Italya lamang sila ikinasal, walang media na madalas na imbitado sa pagtitipon ng mga ito.  Napaka-taas ng security sa mansyon dahil isang malaking lupain ang nasasakupan ng mga ito.  Kaya sigurado silang walang mga lalabas na mga litrato na hindi pinapahintulutan ng pamilya.  Ayaw pa rin naman nilang mag-asawa ng grand wedding, tsaka na lang siguro kapag nakatapos na sila ng pag-aaral.   Napangiti siya sa naalala.  Wala pa sana sa plano ang kasal kung hindi lang sila nahuli ng ina ng asawa sa isang hindi kaaya ayang posisyon.   Namula siya sa isiping iyon.  Sobra talagang nakakahiya ang nangyari, lalo na nang malaman ng pamilya niya.  Kung ano ang iniyak ng Mommy niya sa naganap, ngayon naman ay sobrang saya naman nito.  Rinig na rinig niya ang halakhak nang ina habang nakikipag-usap sa biyenan niyang lalaki.   Inuna niyang maglakad papunta sa bar upang hanapin ang mister.  Wala ito doon.  Sa pool area, wala din.   Napasimangot siya.  Saan naman kaya pumunta ang lalaking iyon?  Tinawagan na din niya ang mobile nito pero hindi naman sumasagot.     Ipinasya niyang magtanggal ng sapatos.  May takong kasi iyon at sumasakit na ang paa niya.  Masarap din namang maglakad sa garden ng naka-paa dahil alagang alaga sa trim ang mga d**o na nakakalat doon.     Napakunot-noo siya nang makita si Firestorm, ang paboritong stallion ng asawa na nakatigil sa ilalim ng puno sa isang parte ng garden.  Hindi kasi basta basta iniiwan ito sa kung saan lang dahil isa ito sa pinakamahal na breed ng alagang kabayo ng pamilya.   "Firestorm," tawag nya dito.  Agad na lumingon sa kanya ang kabayo at humakbang palapit sa kanya.  Ewan ba niya kung bakit hindi man lang ito nangamuhan sa kanya samantalang sa iba ay sadyang napaka-suplado nito, maliban sa pamilya ng kanyang asawa.   Hinawakan niya ito sa mukha at hinalikan sa ilong.  "What are you doing here, Firestorm?  And why are you alone?"   Dahan dahan itong tumalikod sa kanya na tila inaaya siyang sumakay.  Lumingon siya sa bulwagan na nagkakasiyahan at saglit na nag-isip kung sasakay siya kay Firestorm o babalik sa loob ngunit ipinasya niyang gawin ang una.   Inilapag niya ang sapatos sa damuhan na hindi biro ang presyo.  Kulang kalahating milyong piso ang halaga noon.  Regalo iyon sa kanya ng kanyang biyenan na babae.  Hindi niya gustong masira iyon sa pagsakay niya ng kabayo.   Walang hirap siyang sumakay sa likod ni Firestorm dahil ang suot niya ay bestidang umabot lamang sa kalahatian ng kanyang hita kaya malaya siyang nakagagalaw.   Pumikit, dumilat siya dahil tila mahapdi na ang suot niyang contact lens ngunit siguradong matatagalan pa siya kung babalik siya sa loob upang magpatak lamang ng eye drops.   Tinapik niya nang bahagya si Firestorm at marahan ang ginawa nitong pagtakbo hanggang bumilis na ito kaya napakapit siya nang mahigpit sa renda nito.  Mabuti na lang talaga at naturuan siya ng best friend niya, na kapatid ng mister, na mangabayo dahil kung hindi ay tiyak na titilapon siya sa bilis ng takbo nito.  Inililipad ng hangin ang laylayan ng bestida niya at ang ruffles na nasa may bandang dibdib.   "Hush, Firestorm,"  hinaplos niya ito sa leeg at naramdaman niya ang tila pagbagal ng takbo nito.   Natatanaw niya sa bandang unahan ang stables ng mga kabayo.   "Why do you want to take me there, Firestorm?"  nagtatakang tanong niya dito ngunit bago pa sila makarating doon ay lumiko ito pa-kanan papunta sa batis na may mababang talon.   Tuluyang bumagal ang takbo nito hanggang tumigil sa isang puno na di kalayuan sa batis.  Nagtataka man ay bumaba siya doon at binilinan ang kabayo na huwag siyang iiwan.  Panalangin niya ay maintindihan sana siya nito.   Naglakad sya sa pagitan ng kakahuyan dahil tila may naririnig siyang nagtatawanan na boses, at ang isa doon ay pamilyar sa kaniya.   Nagtago siya sa likuran ng isang maliit na puno na makapal ang dahon upang silipin kung sino sino ang naroroon sa batis na tila naliligo.   Tatlong lalaki at dalawang babae ang naroroon at tama nga siya, masayang naliligo ang mga ito, ang mga damit ay nagkalat sa may batuhan.   "Why did you marry her if you don't love her?"  napasinghap siya nang marinig ang tanong ng isang lalaki.   "I don't want my father to disown me and I can give up everything even my freedom just for me to enjoy this luxurious life!" sabay halakhak nito.  Nangilid ang luha niya sa narinig.  Napaatras siya at hindi niya nakita ang ugat na naka-usli sa bandang likuran niya.   Napahiyaw siya sa sakit nang matapilok siya doon at mapaupo sa mga tuyong lupa.  Huli na ang ginawa niyang pagtatakip sa bibig dahil narinig na siya ng grupo.   "Who's that?" naglingunan ang mga ito sa kinaroroonan niya.  Nakita niya ang gulat sa mga mata nito lalo sa mata ng asawa na nanlalaki sa kaalamang narinig niya ang mga pinag-usapan ng mga ito.   "Czarina...."  agad itong umahon mula sa tubig.   Pinilit niyang tumayo at mabilis na naglakad sa kinaroroonan ni Firestorm kahit na masakit ang paa at nakita niyang nagdudugo ang bandang sakong niya.  Ngunit hindi niya pinansin iyon at mabilis siyang tumakbo lalo na nang marinig niya ang boses ng asawa na humahabol sa kanya.   Hindi niya alam kung paano siya nakasakaya kay Firestorm at mabilis itong umalis sa lugar na iyon.  Masakit ang paa lalo na ang puso niya sa narinig.   Her husband doesn't love her at all!     ***      Nagulat si Ynah sa malakas na tunog ng telepono.  Hindi niya akalain na nakatulog siya sa working table dahil sa dami ng trabaho.   Nag-inat muna siya dahil tila sumakit ang leeg at likod niya mula sa pagkakatalungko sa lamesa bago inabot ang telepono.   "Rhoda," she acknowledged the person who called her.  Rhoda Tolentino is her secretary and the lady called just to check on her.   "You're still there?"  sa tono nito ay tila naka-kunot ang noo nito habang nagtatanong sa kanya.  "Don't you know what time is it now?"   Napasulyap siya sa wall clock at nagulat siya nang makitang alas onse y medya na pala ng gabi!   "I'm...ehem..." she cleared her throat and reached for the bottled water on the table which is almost empty to her dismay.    "You were supposed to be on your bed, sleeping, Madam.  Good thing, I checked on you before I hit the sack!" natawa siya sa sinabi nito.  She's really lucky for having Rhoda as her staff.   They've been working for the past four years already and she's truly glad that Rhoda likes her as well.  They have the same wavelength when it comes to working.  Her secretary kept her sane in her job.   Ynah Montez is the Editor-in-Chief of Chick, Men & Stuff,  the number one lifestyle s***h entertainment magazine in the market.  Since she started to hold the post, the sales of the said magazine soared high. And she's proud of it, to her achievements. Ganoon din ang pamilya niya. Malayo man ang mga ito, alam niya kung gaano ito ka-proud sa kanya.   "I took a nap, don't worry.  Just a few more papers to read and I'm....."   "I will be there in fifteen minutes," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.  Kilala niya ang sekretarya na tototohanin nito ang sinabi dahil ilang beses na nitong ginawa ang bumalik sa opisina para lang hilahin siyang umuwi ng bahay.  At hindi siya papayag na gawin nito iyon ngayon dahil nag-dadalang tao ito at kabuwanan na.   "Okay! Okay! I give up!  I will go home now," narinig niya ang tawa nito dahil sa pagsuko niya.   "Good girl!  Now get your ass and go home.  Grab something to eat at the convenience store next to your house, okay?"  Bilin pa nito sa kanya.  "Make sure to send me a message once you reach home."   "Yes, Ma'm," natatawang sabi niya sabay saludo na tila nakikita nito.  Nag-paalam na siya dito bago tuluyang lumabas ng opisina.   Kinawayan niya ang mga guards na nagbabantay sa labas ng building.  Tory's Publishing is situated at Kahala Ave.,  Honolulu, Hawaii.  Masasabi niyang napakapalad niya na nakapasok siya sa kumpanyang iyon.   Ibinulsa niya ang dalawang kamay sa suot na coat at naglakad.  Malapit lang ang bahay niya mula sa trabaho.  Kaya niyang makarating doon ng twenty minutes sa mabagal na paglalakad kaya hindi na siya nag-aabala pang magdala ng sasakyan.  Parte na din ito ng exercise niya at hindi naman siya natatakot maglakad sa gabi dahil napaka-safe ng lugar.   "Hello, Akela," bati niya sa may-ari ng 24hrs convenience store na binanggit ni Rhoda kanina.  She curled her three middle fingers and extends her thumb and middle finger while greeting the elder woman.   "Oh, hi Ynah,"  Akela greeted her with the same Shaka sign.  "Why so late today, Darling?"     "I fell asleep on my desk," kumuha siya ng coffee drink mula sa fridge ngunit nang makita iyon ng ginang ay umiling ito kaya ibinalik niya sa loob at kumuha ng juice.   "You have to sleep nicely tonight so no caffeine for you, okay?"  She nods at the elderly woman.  The woman really cares for her a lot.  Living alone for how many years is not easy especially in a foreign land.  Akela and her husband, Kaui, have been good to her since she started living there.  They have two children who are both living in the United States and happily married.  The couple goes there twice or thrice a year to be with their children.   Inabutan siya nito ng sandwich.  "I made that for you," ngumiti ito at tinapik siya sa kamay.     Nagpasalamat siya dito at humalik sa pisngi ng ginang bilang pamamaalam.   "Oh, Ynah," liningon niya ito.  "I forgot to give you this,"  inabot nito ang isang box envelope ng FedEx sa kanya.   "Thank you," tumango naman ito at hinarap na ang lumapit na customer.   Hindi pa man niya naibaba ang shoulder bag nang makapasok ng bahay ay agad niyang binuksan ang hawak na envelope na may pagmamadali.   Pinagdadasal talaga niya na sana ay iyon na na ang kanyang inaantay ngunit napasimangot siya nang makita na katulad ng ibang papeles na ipinadala niya, ganoon din ang natanggap niya.   Inis na pinunit niya ang papel at itinapon sa basurahan.  Bago pa siya tuluyang mainis ay ipinasya na niyang maglinis ng katawan at matulog.   Kailangan niyang ipahinga ang isipan dahil marami na naman siyang gagawin kinabukasan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
249.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
45.2K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
94.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
53.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook