2

1695 Words
"I am inviting you to Lyon's first birthday so you really have to come home, Sis," sabi sa kanya ng nakatatandang kapatid na si Kits na nasa kabilang linya. "You missed his birth as well as the Christening kahit na ikaw pa ang ninang pero ngayon, hindi na talaga kita papayagang hindi pumunta or else, magtatampo na talaga ako."   Natawa siya nang mahina sa sinabi nito. "Okay I'll be there. Isa pa, ilang taon na rin naman akong hindi nakaka-uwi."   "Sure ka diyan ha?" umungol siya bilang assurance dito. "Cool! I will tell Gwain about it and for sure, he'll be so excited!"   "Sa hacienda ba gaganapin?" umoo ang kapatid. "Baka naman tayo tayo lang ang bisita, puro matatanda."   "Hindi naman. Marami naman kaming tauhan sa hacienda na may mga anak na. And don't forget that we have Micah."   Micah is Shanz four year old daughter. Nagawa pa niyang maka-uwi nang manganak ang kapatid at dahil limitado lang ang oras niya, bininyagan din iyon sa loob lang ng dalawang linggo. Kinabukasan din pagkatapos ng binyag ay bumalik na siya ng Hawaii.   "Okay, I'll be there. Kailangan ko lang mag-file ng immediate leave at ayusin lahat ng maiiwan ko dito," sa totoo lang ay marami silang ginagawa ngayon. Kailangan talaga niyang maayos iyon bago siya umalis dahil hindi basta basta ang iiwan niyang pwesto.   "Now that you've said yes, I will not keep you for long. Parating na din kasi ang gwapo kong mister," napangiti siya dahil parang nakikinikinita niya ang kinikilig na itsura ng kapatid. Kirsten have been married with Gwain for seven years and the couple struggled to have Lyon. Alam nilang kay Kits nagkaroon ng problema dahil nagkaroon ito ng cyst sa ovary at kinailangang tanggalan ito ng isang obaryo. Ganoon man ay hindi nawalan ng pag-asa ang mag-asawa at ngayon nga ay isang taon na si Lyon. Napakabait ng bayaw niya. Wala na yata siyang makikitang kasing bait nito sa mundong ibabaw. Namumukod tangi ito sa lahat.   She smirks. Men are assholes. Her father is first on her list, then Micah's father, and then the guy she first gave her heart to.   Hinarap niya ang binabasang article. Papasadahan na lang niya iyon ng tingin tapos ay ilalabas na sa next edition ng magazine. Kailangang makapag-iwan siya kahit pang dalawang edition dahil tingin niya ay kailangan niya ng medyo mahaba habang bakasyon. She wants to be with her family, especially with her Mom. Namimiss na niya ang yakap nito at ang masarap na mga putaheng inihahain sa kanya. For six years, she lived independently and learned to cook on her own but her mom's cooking is different. Tasting her dishes always feel like home.   She heard knocks on her door.   "Come in," she said while keeping her eyes on the paper that she is holding.   "Ms. Ynah,"  nag-angat siya nang tingin at nakita si Johannes, ang kanyang temporary assistant, na isinilip lang ang ulo.  Writer din ito sa kumpanya nila.  "Marukame at three," paalala nito sa kanya.  "It's already half past two."   "Yeah.  More fifteen minutes.  Kindly phone me," tumango ito bago isinara ang pintuan ng opisina niya.   Nilagyan nya ng mga corrections ang hawak na papel upang mabago na iyon ng writer at maipasa sa kanya bago matapos ang araw.  May meeting siya kasama ang mga bosses at babanggitin na din niya sa mga ito ang balak niyang pagbabakasyon sa Pilipinas.     Saktong labing-limang minuto ay tumayo na siya mula sa office chair at inimis ang mga gamit.  Inabot niya ang natapos na mga articles kay Johannes upang ibigay sa mga writers at mabago ang mga iyon.  Nagbilin din siya na ipasa agad sa email niya ngayong araw ang mga iyon.   Mabilis siyang nagpunta sa Marugame kung saan gaganapin ang meeting.  Siya pa lang ang naroroon kahit limang minuto na lang bago mag-alas tres.  Nag-order na siya ng maaari nilang gawing appetizer habang nag-aantay sa mga ka-meeting.  Eksaktong alas tres ay isa isa nang nagdatingan ang mga ito.  Nang matapos ang mga mahalagang usapan tungkol sa trabaho ay lumipat sila sa kalapit na pub.  Hindi man maiwasan ang pag-uusap tungkol sa business ay mas madami silang pinag-uusapan tungkol sa mga nangyayari sa paligid nila, maging sa entertainment industry.  Lahat sila ay may mga tig iisang baso ng alcohol sa kanilang mga harapan.  Minsan lang naman siya uminom at wala namang pasok kinabukasan kaya hinayaan niya ang pang-uudyok ng mga ito na uminom siya.   "Thank you for the ride, Mrs. Greene,"  paalam niya bago isinara ang pintuan ng kotse.  Medyo napainom siya ngayong gabi at laking pasasalamat niya na weekends na bukas kaya hindi niya iisipin ang trabaho.  Gaya ng inaasahan niya ay pinayagan siya ng mga bosses na mag-bakasyon dahil ilang taon na din siyang hindi nakaka-uwi ng Pilipinas.   Hindi muna siya pumasok sa bahay bagkus ay napagpasyahan na muna niyang maglakad lakad.  Hawaii has been her home for six years after she left London when Tory's Publishing accepted her as their writer.  In a matter of two years when she started working, she emerged to the position of Editor-In-Chief and she made sure that she is capable to handle that position by keeping their paper as the leading glossy magazine in the country.   She stretched her arms while walking.  The soft breeze of the night wind gave relaxation to her mind and body.  She sees familiar people on the road who are doing the same as her.  Normally whenever it is weekends, people like to spend time on the road, walking, or biking, some in the pub or some on the beach to swim. The friendly people, the serenity of the place keep her contented.  She can stay here all her life.   "Hey, Ynah!"  napatingin siya sa bumati sa kanya.  Ang mag-nobyong Richie at Norman.  "Wanna join us?"   "Where to?"  inayos niya ang pagkakasabit ng shoulder bag.     "Bevy's," sagot ni Norman sa kanya.  Norman is a soft-spoken Black American who is working as a manager in Safeway.  Richie is a French blonde, on another hand, is a cashier at one of the local restaurants in the area.     "Thanks but I already had a little bit of alcohol in my body that I can handle.  Just wanting to enjoy the moon for a while," sagot niya.   Hindi naman na siya kinulit ng dalawa ngunit sinabayan siya ng paglalakad.  Nabanggit niya sa mga ito na magbabakasyon siya sa Pinas.   "Make sure to be here before the end of August," Richie said to her.  "You're one of our maid of honor don't forget that."   Natawa siya.  Isa kasi siya sa pasimuno nang mag-propose si Norman sa nobya noong nag-birthday ito.  Todo effort silang magkakaibigan para lang ma-surprise talaga si Richie.  Akala ng dalaga ay party lang nito ang gagawin, iyon pala ay may pag-propose na ang nobyo.  Inabot yata ng kalahating oras ang iyak nito dahil hindi ito makapaniwala sa nangyari.   "I will definitely be here before the wedding day.  Send me the details of the gown that I will wear.  I will buy it at home."   Humalik ang dalawa sa pisngi niya nang madaanan nila ang Bevy's.  Sumilip lang siya at kumaway sa mga kaibigan na naroroon bago ipinagpatuloy ang paglalakad.     She used being alone.  May mga nanliligaw naman sa kanya pero agad niyang binabasted ang mga ito.  Hindi dahil walang oras siya na makipagrelasyon, sadyang ayaw lang niya.  Para sa kanya ay hindi kawalan kung wala siyang nobyo.   Matapos ang isang oras na paglalakad, ipinasya na niyang bumalik ng bahay.  Bukas na siya mamimili ng mga iuuwi sa Pilipinas na mga pasalubong.   Kasalukuyan siyang umiinom ng hot chocolate habang nanonood ng tv nang tumunog ang mobile niya.     "Marla," she acknowledged the caller.   "Ms. Ynah, we have an event in L.A. tomorrow," simula nito.  Napakunot siya ng noo dahil tila nag-aalala ang boses nito.   "Yes, I know that," ibinaba niya ang mug sa side table at kumukot ng biscuit na siya mismo ang nag-bake.   "Daisy, who was supposed to do it cannot travel because she was held up for some family emergency."  Tila alam na niya ang kalalabasan ng pag-uusap nilang iyon.  "Will you please cover up for her instead?"   Napakamot siya ng ulo.  "I can't.  I have plans tomorrow," tanggi niya dito.  "Ask Walter instead."   "I already did and you're the last person that I called,"  means to say, there is no one available.   "Can we not go?"  alam niyang imposible iyon.  Ang mag-cover ng Oscars na isa sa pinaka-aantay na event sa buong mundo ay napaka-importante sa katulad nilang journalist.  "Okay.  Just inform the hotel that I will be coming instead of Daisy."   Abot abot ang pasasalamat ni Marla sa kanya.  Sinabi nito na ang photographer na si Casper ay nauna na sa LA.   Tumayo siya mula sa pagkakasampak sa couch at mabilis na inayos ang mga dadalhing damit.  Buti na lang ay may ilang evening dress siya na hindi pa naisusuot.  She chose a sleek navy blue body-hugging dress with a slit midway thigh and crimson laced above the knee dress which will show her whole back from her closet. Maingat niyang inilagay ang mga ito sa maleta at namili ng mga maisusuot na sandalyas.   She will let her long hair down for the rest of the event.  Her hair alone can attract admirers for being naturally silky and soft.  She doesn't want to dress it as it will also take her some of her time.  She's just being her lazy self.   Tinawagan niya si Daisy upang malaman kung ano ang nangyari dito.  Isinugod pala ang lola nito sa ospital at walang ibang titingin dito.  Panay ang hingi nito ng paumanhin sa kanya dahil hindi rin daw nito akalain na may mangyayaring aksidente.  Nadulas daw kasi ang matanda habang nagdidilig ng halaman.  Papunta na sana ang empleyado niya sa airport nang mangyari iyon at late na ding na-inform si Marla.   Ibinilin niya kay Akela ang bahay at sinabi niya kung saan siya papunta.  Agad siyang pumara ng taxi papunta sa airport.     Makalipas ng isang oras at kalahati ay nasa himpapawid na siya papuntang LA.  Minabuti niyang matulog dahil mahigit limang oras din ang biyahe niya.  Sana ay magkaroon sya ng oras upang doon na rin mamimili ng dadalhin pauwi sa Pilipinas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD