5

1716 Words
"We will start with your family background," at dahil biglaan nga ang interview na ito, wala man lang siyang dalang sulatan.  Hindi naman niya magamit ang isang cellphone for notes. "You know my family by heart, Ms. Editor," hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa mukha at gusto niyang lamukusin ang mukha nito sa inis.   Hindi na lang niya pinansin ang pasaring nito.  Tumingin siya sa mga naroroong bisita at hinanap ng mga mata si Casper.  Nakahinga siya ngn maluwag nang makita niya itong may kasunod na waiter at papalapit sa kanilang lamesa. "Sorry to keep you waiting," nakangiting bati nito sa kanila.  Sinenyasan nito ang waiter na ilapag sa lamesa ang mga dala.  Nang matapos ay may palihim na isinuksok ito sa bulsa ng serbidor.  "Thank you, handsome," at bago pa man makatalikod ang lalaki ay nakita niya ang pag-kindat ng kanilang photographer. "Flirt," napalingon sa kanya si Casper ngunit hindi man lang nawawala ang ngiti nito.  "Am I going back to the hotel alone?"  Nakataas ang kilay niya nang tanungin ito. "Yes, Ms. Editor," naupo ito sa tabi niya.  "Great catch, right?" "Yeah.  The guy looks good," she complimented. Casper was about to say something, but they heard Hawk clearing his throat while removing some buttons on the upper portion of his top, showing his chiseled chest. Napatulala silang dalawa ni Casper dito ngunit agad din siyang nakabawi.  Buti na lang ay hindi ito nakatingin sa kanila habang ginagawa iyon kundi sa mga taong tumatawag dito at kinakawayan naman agad.   Agad niyang pasimpleng siniko si Casper Nang tila nagising ito mula sa malalim na pagkakatulog ay sinenyasan niya itong ayusin ang lamesa.  "Oh!  Sorry, Hawk," hinging paumanhin nito sa aktor.  "I'll just arrange this so that we can start," agad nitong inayos ang mga nakalapag sa lamesa.   Hawk took the bottle of wine from the tin filled with ice then removed the cork.  He pours it on their glasses with ease. Casper was so fast that he caught Hawk's every move through his camera. 'Everything about him is sexy,' nagulat pa siya sa sarili nang bigla niyang maisip iyon.  Agad niyang kinastigo ang sarili.  Kailangan niyang supilin ang paghanga dito. Hinayaan muna niyang sumimsim ito ng alak at kumain ng ilang pirasong crackers.  At dahil sinusundan na naman ng kanyang mata ang kilos nito, agad siyang tumingin sa mga bisita sa bulwagan.   "Shall we start?" Pagdaka'y sabi niya makalipas ng ilang segundo.  "I want to conduct an interview in your sober state," sabi niya dito. "I'm just waiting for the two of you to finish your chitchat," walang ngiting sagot nito. Inignora niya iyon at umayos ng upo.  "Cas, please use your mobile for back-up," paalala niya dito kahit pa alam naman niya ng ganoon lagi ang ginagawa ni Casper.   Agad naman itong tumalima sa utos niya. "Are you sure that you want to reveal everything about you?" She asked him. Ikiniling nito ang ulo.  "How about you?" Balik tanong nito sa kanya. "Tell me about yourself," she started. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. "Ahhh, Ms. Ynah, you know that they refrain the media in asking him personal info, right?"  Tila kinakabahang tanong ni Casper sa kanya. Nakipag-laban siya ng tingin dito. "I am Hawk Cortez, twenty-six, grew up in London with my grandparents....do you want me to go on?"  Hawk's lips twisted at the corner. Tumango siya. "Okay, I will reveal everything but you have to answer me first..." Titig na titig ito sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya.  "Why I keep on receiving that parcel in my house?" Nanlaki ang mga mata niya dito at bigla ang ginawa niyang paglingon kay Casper na tila naguguluhan sa itinatakbo ng usapan nila. "What parcel?"  Casper asked Hawk, but the latter ignored him. "Bakit kailangan mo akong padalhan ng div..." saglit itong napasulyap kay Casper na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.  "Ng mga dokumentong iyon," pagpapatuloy nito nang ibalik ang tingin sa kanya.  "Halos limang beses sa loob ng walong taon?" Sinadya nitong magsalita ng Filipino para hindi iyon maintindihan ng ibang tao.  "Kapag nasagot mo yan, you can reveal everything about me."  He leaned on the  couch and folded his arms across his chest.  "I want a valid reason, Ms. Editor." "Hindi ba pwedeng gusto ko lang makipag-hiwalay sa iyo?" Ipinahalata niya ang inis dito.  "Wala nang dahilan para matali pa tayo sa isa't isa.  Kaya hindi ko naiintindihan kung bakit bumabalik lang sa akin ang mga papeles na iyon ng walang lagda mo!"  She knows, she's losing her composure and she is hating it.  Casper should not see her like this. "Kalma," tuluyan na itong ngumiti.  "Nakatingin siya sa atin at tumataas na ang boses mo, baka hindi mo napapansin," kunwa ay nag-aalala ito sa kanya.  "Walang dahilan para maghiwalay tayo, Ynah, alam mo yan." "Ang kapal ng mukha mo," bigla siyang tumayo dahil tingin niya ay anumang oras ay tutulo na ang luha niya.  Nalaglag sa upuan ang tuxedo nito na nakapatong sa balikat niya.  "Cas, I will just go to the ladies room," paalam niya dito at mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa banyo. Agad siyang pumasok sa cubicle at sumandal sa pintuan niyon.  Umaalon ang dibdib niya sa galit.  The audacity of the guy!  Sadya yatang wala itong kahihiyan para sabihan siya na walang dahilan upang umayon ito sa pakikipag-hiwalay sa kanya. Oo, kasal siya kay Hawk Cortez, sampung taon na ang nakalilipas.   Pumikit siya at huminga ng malalim.  Kailangang kumalma siya dahil hindi siya puwedeng umalis doon ng hindi nakakausap si Hawk. Ilang minuto pa ang itinagal niya sa cubicle bago lumabas para ayusin ang sarili ngunit laking pagkadismaya niya nang mapagtantong wala siyang dala kahit ano. Naghugas na lang siya ng kamay at agad lumabas ng banyo para lang magulat nang makita si Hawk sa labas ng pintuan na hawak ang purse niya. "You forgot this," nakangiting itinaas nito ang hawak na agad naman niyang hinablot mula dito.   "You shouldn't have come.  Nagtataka na nga si Casper sa takbo ng usapan natin, dinagdagan mo pa," bumuga siya ng hangin. "Let him wonder, I don't care," humakbang ito palapit sa kanya at inipit ang katawan niya sa pagitan ng dahon ng pinto at ng sarili nitong katawan. "What do you think you're doing?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya dito.  "Don't make a scene, please." Naging malikot ang mga mata niya.  Natatakot siyang baka may makakita sa kanila. "I will let you go, but you have to promise me that other than the ones that I told you, no question about my family anymore," sinasabi nito iyon habang nakatitig sa mga mata niya.  "Please." "But the fans are dying to know more about you," sabi niya. "The hell I care!  And besides, my mysteriousness is the one that they love.  Keeping my identity is the only thing that I can do for my family.  I don't want them to be in this world of circus," sabi pa nito.   Nag-aalangan man ay tumango siya.  Agad naman siyang pinakawalan nito.   "Bumalik na tayo bago pa magtaka lalo si Casper," nagpatiuna na siya sa paglalakad at sumunod naman ito sa kanya. "Where is Hawk?" Takang tanong sa kanya ni Casper at napasulyap sa hawak niyang purse. Siya naman ay napalingon para lang makita ito na may ibang kausap na mga aktor.  Malamang ay binabati ito dahil sa kanyang pagkapanalo.   Nakikipag-tawanan ito sa mga kausap.   Sumalampak siya sa couch at sumimsim ng alak.  "Ms. Ynah," napatingin siya kay Casper.  "I don't want to be nosy, but I hope that whatever beef that you have with Hawk, please set it aside.  Having him on our cover means millions." "Sorry about earlier.  I just can't stand a man like him," sabi niya dito.    Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.  "I will not ask you about what happened earlier but please, for our company..." Pinisil niya ang kamay nito.  "Don't worry, I will." Alam niyang marami pa itong tanong sa isip ngunit hindi na ito nagsalita pa.  Inantay nilang lapitang silang muli ni Hawk.   "Sorry for that," agad na humingi ito nang paumanhin at naupo sa inalisan nitong puwesto.  "So where were we?"  "About your family back....." "How did you become an actor?" Putol niya sa iba pang sasabihin ni Casper at nakita niya ang pag-aliwalas ng muha ni Hawk. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Casper ngunit hindi na ito nagsalita. "I was chosen for a cameo role in CSI," sagot nito.  "They killed my character in less than five minutes when the episode started," natatawang kuwento nito.   "Huh?" Sabay pa sila ni Casper.   "You know the CSI series?" Tumango sila.  "I was there in Season Thirteen, episode Thirteen as one of the models who was murdered in a random shooting of a psycho," pagpapatuloy pa nito.  "Then I was scouted after that, undergone some acting workshops and with a lot of will power, I auditioned for the Supporting role as Anthony in The Chosen.  The rest, you know the history." "How come no one knows about your CSI cameo?" Dagdag tanong niya. "Because my scene is so short and the camera hardly shown my face, maybe the director didn't see me as well," natatawa pa din ito.   "But your agent is good to spot you on that moment," sabi pa niya.   "Lara is a gem.  I owe her who I am today," huminga ito ng malalim.  "She already kept my Oscars in my hotel room before she left." "You're lucky for having her," nakangiting tumango naman ito.  Kilala niya ang sinasabi nitong Lara.  She's an American lady on her fifties, a little plump but always has smile for everybody.  "So do you have future projects?" "Yes.  I am going to film in New Zealand for a period drama," sabi pa nito.  "And some endoresements on my plate."   "You're one of the busiest guy right now," muli lang itong ngumiti at pumitas ng ilng pirasong grapes mula sa tangkay nito at ibinato papasok sa bibig.   "Ms. Ynah, ask him," she heard Casper who is speaking in a low voice.   "Ask me what?"  Narinig pala nito ang sinabi ni Casper. Tumikhim siya at inipit ang buhok sa kanyang tainga bato tumingin kay Hawk. "Are you taken right now?"  Tanong niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD