Pangatlong araw na nila sa Boracay at bukas uuwi na sila pero parang nakukulangan pa rin siya. Naiistress kasi siya sa asawa. Hindi na rin kasi sila madalas nagkakausap dahil lagi itong nagmamadali na kung hindi nagkakabisa ng linya, nagpa-practice naman ng action scenes o kaya antok na antok na. Wala pa yatang limang minuto sila mag-usap. Ang taas ng anxiety niya nitong mga nakaraang araw dahil doon ngunit hindi niya ipinaaalam sa pamilya dahil alam niyang mag-aalala ang mga ito. Lumabas siya upang maglakad-lakad sa dalampasigan. Dinala niya ang mobile upang matawagan siya ng pamilya kapag nagising ang mga ito. At nabuburyo na din siya dahil hindi siya sanay na matagal na walang ginagawa. Gusto na niyang bumalik sa trabaho. Iniisip na niya ngayon ang gagawin uling vacation

