Huling araw niya ngayon bago magpunta sa New Zealand pero ang kanyang ina ay halos ayaw siyang paalisin. "Sobrang mami-miss kita," niyakap siya nito nang mahigpit. "Parang kararating mo lang kahapon eh." Niyakap niya ito pabalik. "Mas mami-miss kita, Mommy," hinalikan niya ito sa ulo. "Aayusin ko na ang visa ninyo pagkadating ko doon, ha. Para anytime na kailanganin ko kayo, makakapunta kayo agad doon." "Sige na nga at para makita ko din ang buhay mo doon. Pumayag na rin naman ang mga kapatid mo," ngumiti ito sa kanya. "Siya nga pala, ang Ate Kits mo, uuwi dito mamaya para maihatid ka sa airport. Isasama din yata ang buong pamilya." "Nakakatuwa talaga na kapag umaalis sila, buong pamilya eh," tinignan niya ang pinapanood nito sa Youtube. "Ano po iyan, Mommy?" "Paggawa ng burnt cheesec

