Nang mga sumunod na araw ay naging regular na tanawin si Eric sa college building ni Ynah. Patuloy ang ginagawang panunuyo nito sa kanya ngunit nagpapatuloy siyang matigas. Pati dorm niya ay nalaman na nito kung saan. "Is he your beau?" tanong ni Suzy sa kanya. Sinundo siya nito sa classroom para kumain sila ng sabay. Nasa kaniya kasi ang packed lunch na niluto pa niya kaninang umaga. Naghanap sila ng bench na puwedeng kainan. Nakita na naman kasi nito si Eric na nag-aabang sa kanya. Nilapitan na siya nito at nag-abot ng bulaklak ngunit dumeretso ang magandang bouquet sa basurahan. Itinaboy na rin niya ito dahil oras pa ng klase nito ngunit nakatambay pa rin sa building niya. "So so," natatawang sagot niya bago ito muling sinulyapan. Kailangan na talagang kausapin ang parents

