Nang mga sumunod na araw ay inaabot ng isang oras ang usapan nilang mag-asawa. Minsan nga, naka-on lang ang video habang natutulog sila. Tuwang-tuwa siya sa animated na itsura nito. Sobrang proud ng asawa niya sa ginagawang pelikula. "Babe, I will start working tomorrow," tila nagmamaktol na sabi nito. "Ayoko pa." Ngumiti siya. "Kulang pa ang bakasyon?" Umiling ito. "Eh ano?" "Because I won't be able to talk to you this long," muli siyang napangiti at kinikilig siya. "Eh di balik tayo sa dati. Text lang, ganun," hinaplos niya ang screen. "I will miss our late night talk but I want you to do your job and finish it as well. Para magkasama na ulit tayo." Eric took a deep breath. "You're right. I need to do my job well to be with you," tumitig ito nang matagal sa camera.

