"Thank you for taking care of me, Lolo, Lola," yumakap siya sa dalawang matandang Villaluz bilang pamamaalam sa mga ito. Ngayong araw na kasi ang lipat nila ni Eric sa Oxfordshire. Dumating ang mag-asawang Aine at Ajerico upang ihatid silang dalawa, kasama ang anak ng mga ito maliban kina Gwain at Louise. Hinawakan ni Isabelita ang mukha niya. "You are one of my apo's now, remember that. Kaya kapag may hindi magandang ginawa itong poging ito," sabay turo kay Eric, "sabihin mo lang sa akin ha? I will scold him right away!" Nakangiting tumango siya. "I will call you po agad-agad!" Please visit us during weekends or school break, okay?" sabi naman ni Roberto. "We will, Lolo. We are going to miss your cooking, so visit us as well, okay?" Niyakap ni Eric ang abuelo. They left

