Wala na sa tabi ko si Christian nang magising ako kinaumagahan. Lumingon ako sa mesang nasa tabi ng kama, may maliit na puting papel na nakalagay dun. Kinuha ko ito at binasa. Good morning, angel! I'm sorry hindi na kita ginising. I know you're really tired. Tatawagan na lang kita kapag nasa Manila na ako. Eat your breakfast. Take care and I love you. – Christian Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kinuha ko na lang ang kanyang t-shirt na nasa gilid ko at isinuot ito, para naman kahit na papaano ay maramdaman ko pa rin ang presensya niya. Nagtext muna ako sa kanya bago tumayo para kumain. Hawak ko ang cellphone ko hanggang sa hapag. Inilapag ko ito sa gilid ko para agad kong mabasa ang kanyang reply, kung sakali man. Kinain ko na ang agahang ini

