Chapter 40

1752 Words

Pinilit kong bumangon kinaumagahan kahit na sobrang bigat ng aking pakiramdam. Paglabas ko ng kwarto, wala na si Kiel at Calyx. Tanging note na lang ang nakita ko sa mesa. Umalis na kami ni Calyx. Tinawagan kasi ako ng may ari ng restaurant, pinapapunta kami ng maaga. May pagkain d’yan sa mesa, kumain ka ng marami. Dapat 10 AM ay nandun ka na. –Kiel Muli kong inilapag ang kapirasong papel sa mesa. Tiningnan ko kung ano ang pagkain, at halos umikot ang sikmura ko nang maamoy ang mga ito. Napatakbo agad ako sa banyo para magsuka. Kaya lang… wala naman akong naisuka. Laway lang. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi na maganda ‘to. Napagpasyahan kong huwag na munang kumain dahil baka masuka na naman ako. Naligo na lang ako at nag ayos. Naghanap ako ng tamang isisuot, at dahil opening ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD