Tahimik lang kami ni Christian hanggang makadating kami sa kapitolyo. Naglakad lang kamin dahil malapit lang naman ito sa tinitirahan niyang apartement. Pagdating namin ay siya ring pagdating ni Ryan. Hindi siya nag iisa. Halos mapatalon ang puso ko nang makita ko kung sino ang mga kasama niya.
Ang mga kapatid ko…
Sa sobrang saya ko, tumakbo agad ako palapit sakanila. "Ninay! Tonton!" Lumuhod ako sa harapan nila para mayakap ko sila. Si Tonton ay labing isang taong gulang na, habang si Ninay naman ay pitong taong gulang.
"Ate!" Sabay na sabi nila. Niyakap nila ako pabalik. Napaluha ako nang maramdaman ang yakap nila. Mas lalong namuo ang pangungulila sa puso ko. Ang mga kapatid ko ay apektado na rin sa ginagawa ng magaling naming ina.
Bumitiw ako sa yakap. Pinunasan ko ang pisngi ni Ninay dahil umiiyak din siya. Si Tonton naman ay parang pinipigilan ang kanyang mga luha. "K-kamusta na kayo? Ninay... bakit pumayat ka?" Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pag iyak, kaya naman muli ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Huwag ka ng umiyak."
"K-kalian ka uuwi, ate?" Malungkot na tanong naman ni Tonton. Bumitiw ako sa yakap namin ni Ninay para siya naman ang tingnan ko.
"Hindi ko pa alam, p-pero uuwi rin ako..." hinaplos ko ang buhok niya. "Kumusta kayo sa bahay? P-pumupunta ba si nanay dun?" Mas naiintindihan na kasi ni Tonton ang sitwasyon ng pamilya namin.
"Noong nakaraan, pumunta ulit siya. Mabuti na lang nando’n si kuya R-ryan. Binabantayan niya kami kapag nasa bukid si tatay..." aniya.
Tumingin ako kay Ryan. Nginitian ko siya. Tumango naman siya at ngumiti pabalik sa akin.
"Salamat, Ryan..."
Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Ninay. Mabuti na lang at tumigil na siya sa pag iyak. Hinawakan naman ni Ryan sa balikat si Tonton. "Wala yun. Parang kapatid ko na rin naman ang mga kapatid mo..." lumpat ang tingin niya sa likuran ko. Humarap din ako para makita ang tinitingnan niya.
Nakaramdam ako ng hiya nang makita si Christian na tahimik na nakatayo habang nakatingin sa amin. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko nga pala siya."Uhm, Ryan. Si Christian nga pala. S-siya ang tumutulong sa akin ngayon," kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ryan dahil sa sinabi ko, pero agad din naman itong nawala. "Hmm… Christian, si Ryan… kababata ko."
Inilahad ni Ryan ang kanyang kamay, at tinanggap naman ito ni Christian. Tumikhim ako nang matapos ang kamayan nila.
"Ate, pasyal tayo…" ani Ninay sabay hila sa kamay ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Sige. Saan mo ba gustong pumunta?"
"Sa ilog!" Halos sabay na sigaw pa nila ni Tonton. Natawa na lang kami ni Ryan.
"Hapon na, baka gabihin tayo pag pumunta dun…" natatawang sabi ni Ryan. "Ayaw niyo bang kumain na lang?"
"Pero gusto ko dun, eh. Please, kuya! Please, ate!" Pilit ni Ninay.
Nag isip pa kunwari itong si Ryan. Umiiling siya habang nakangisi kay Ninay. "Oh, sige na nga… hindi ko naman matatanggihan ang pagiging cute mo, Ninay," marahan niyang pinisil ang pisngi ng kapatid ko. Nagtatalon at pumalakpak naman si Ninay dahil sa sagot ni Ryan.
Binaling ko ang tingin ko kay Christian. "G-gusto mo bang sumama? O… pwede ka naman nang umuwi kung gusto mo."
"Gusto kong sumama… kung pwede."
"Oo naman.." nginitian ko siya. Nag iwas lang siya ng tingin bago tumango.
Sumakay na kami sa tricycle. Medyo malayo kasi ang byahe papuntang ilog. Malapit ito sa bukid kung saan nagsasaka si tatay. Madalas kami doon nung high school kami ni Ryan. Sinasama namin si Ninay at Tonton tuwing pumupunta kami doon. Dalawang tricycle ang kinailangan namin dahil hindi kami magkakasya. Ang mga kapatid ko ang kasama ko, habang si Ryan at Christian naman, nasa isa pang tricycle.
"Ate, sino yung kasama mo?" Tanong ni Tonton sa akin habang nasa byahe kami.
"Kaibigan ko. Siya ang tumutulong sa akin. Mabait yun…"
"Pero bakit ang tahimik nya? Palagi pang nakatingin sa ‘yo."
"G-ganun lang talaga yun," sabi ko habang pilit na tinatago ang gulat ko.
Tinitingnan ako ni Christian? Hindi ko na 'yun napansin kanina dahil nakatuon lang sa mga kapatid ko ang atensyon ko.
Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Tonton. Si Ninay naman ay nakatulog na sa kandungan ko. Ginising ko lang siya nang makadating na kami sa ilog. Naunang dumating doon si Ryan at Christian. Pareho silang nakatitig sa ‘kin habang papalapit ako sa kanilang dalawa. Ang kaibahan lang, nakangiti si Ryan sa amin. Si Christian naman ay seryoso ang titig sa akin.
"Ang bagal naman ng sinakyan niyong tricycle," tawa ni Ryan. Kinuha niya sa akin si Ninay para siya na ang magkarga sa kapatid ko. Medyo wala pa kasi ito sa kundisyon dahil kagigising lang niya. Nauna na silang maglakad. Si Tonton naman ay tumakbo na para makasunod sa kanila.
"T-tara?" Aya ko kay Christian nang maiwan na lang kaming dalawa.
Tahimik kami habang naglalakad. Ang tawanan nila Ryan at ng mga kapatid ko mula sa ilog ang siyang nagsisilbing ingay sa pagitan namin.
"You look happy," marahang sabi ni Christian. "Ngayon lang kita nakita na ganito kasaya."
"Masaya ako dahil nakita ko na ulit ang mga kapatid ko."
"You really love them, huh?"
"Oo… sobra," tango ko. "Mahal na mahal ko sila. Gagawin ko lahat makita ko lang silang masaya… pati na rin si tatay."
May sasabihin pa sana si Christian ngunit tinawag na ako ni Ninay. Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana niya. Tiningnan ko muna siya bago iwan. Nginitian niya ako at tipid na tumango, sinenyasan na lumapit na ‘ko sa aking kapatid.
"Ang tagal mo naman, ate... reklamo ni Ninay pagdating ko.
"Alam mo kasi, maiksi lang ang binti ng ate mo kaya maliit lang ang mga hakbang na nagagawa niya…" Asar ni Ryan.
"Aba!" Singhal ko sa kanya sabay hawi ng tubig papunta sa kanya. Natatawang pinunasan naman niya ang mukha niyang binasa ko.
Tumingin siya sa mga kapatid ko, pagkatapos sa ‘kin ulit. Ngumisi silang tatlo, na para bang may alam sila na hindi ko alam. Magsasalita pa lang sana ako kaso sabay sabay nilang hinawi ang tubig patungo sa direksyon ko. Napaupo ako dahil sa sobrang gulat. Pinagtawanan lang naman nila ako.
"Ay, grabe! Pinagtutulungan niya na naman ako. Wala akong kakampi!" maktol ko. Kunwari’y nakasimangot pa habang tumatayo. Pinunasan ko ang mukha ko. Ang damit at shorts ko ay basa na rin dahil napaupo ako. Mabuti na lang kulay itimang t-shirt na suot koa kaya hindi masyadong halata na nabasa ako.
"Ano, isa pa?" pang-aasar ulit ni Ryan.
Akmang babasain na naman nila ako, kaya itinakip ko na ang mga kamay ko sa mukha. Hinintay ko ulit ang pagsaboy ng tubig sa akin mula sa ilog pero wala. Hindi ko iyon naramdaman. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha. Wala na pala sila sa harapan ko, nasa may gitna na sila ng ilog. Karga ni Ryan si Ninay habang hinahabol sila ni Tonton.
Nakipagkulitan na rin muna ako sa kanila. Sobrang saya na kasama ko ulit ang mga kapit ko ngayon. Malaki ang pasasalamat ko kay Ryan dahil lagi siyang nand'yan para gabayan sila.
Ilang sandali pa, hinanap ng mga mata ko si Christian. Nakapuo siya sa isang malaking bato na nasa gilid ng ilog. Naisipan kong lumapit muna sa kanya dahil baka naiinip na siya. Tahimik lang siya habang nakamasid sa ilog.
Umupo ako sa tabi niya. "Pasensya na kung hindi kita masyadong nakakausap."
"It's okay. Ang importante ay masaya kang kasama ang mga kapatid mo ngayon," nakatuon ang atensyon niya kina Ryan na kasulukuyang masaya sa paglalaro. "That guy… mukhang may gusto siya sa ‘yo," bumaling ulit siya sa ‘kin. "You like him too?"
"Bilang kaibigan, gusto ko siya. Pero kung higit pa dun… ewan ko. Ayaw kong sirain ang kung anong meron man kami ngayon. Alam naman niya yun, eh."
"Ibig sabihin hindi ka mai-in love sa mga kaibigan mo?"
"Hindi ko alam. Basta importante sa akin ang pagkakaibigan."
Mas sumersyoso ang tingin ni Christian sa akin. Bakit hindi ko magawang tanggihan ang tingin niya ngayon? Nakakalunod. Nakakawala ng katinuan ang mga mata niya. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha, pero bago ko pa man magawa yun ay tinawag na ako ni Ninay. Nag iwas ako ng tingin kay Christian. Pinuntahan ko na lang ulit ang mga kapatid ko.
"Uwi na tayo…" ani Ryan. "Malapit nang dumili."
"Ayaw ko pa. Gusto ko pang kasama si ate." tutol ni Ninay.
Kinarga ulit siya ni Ryan. "Hindi pwede. Magkikita pa naman kayo ulit."
"Kailan naman? G-gusto ko sumama na siya pauwi."
"Ninay, hindi pa pwedeng umuwi si ate ngayon," paliwanag naman ni Tonton.
Lumuhod ako sa harapan ni Ninay. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Malapit nang umuwi si ate…" pangako ko sa kanya. Hinalikan ko pa siya sa noo.
Mabuti na lang at naniwala na si Ninay sa sinabi ko. Nag abang na kami ng tricycle sa may kalsada. Sabay sabay kami nina Ryan habang naglalakad. Hawak ko si Ninay habang si Ryan naman ay si Tonton ang hawak. Tahimik pa rin na nakasunod si Christian sa ‘min.
Habang naghihintay kami ng tricycle na masasakyan ay biglang nagsalita si Ryan. "Kinuhang regular ang banda namin sa isang bar. Kailangan namin ng babaeng bokalista. Gusto sana kitang isali… kung gusto mo."
Napayuko ako. "Hindi ko alam. Matagal na akong hindi kumakanta."
Gusto ko ng kalimutan ang pagkanta ko. Namana ko ang kagandahan ng boses ko kay nanay. Pero simula nang sirain niya ang pamilya namin, gusto ko nang kalimutan ang kung ano mang namana ko sakanya. Alam naman ni Ryan ang rason kong yun.
"K-kung gusto mo lang naman. Hindi kita pipilitin. Tsaka..." may kinuha siya sa likurang bulsa ng kanyang shorts. "Ayan nga pala yung cellphone mo. Kinuha ko kanina sa bahay niyo. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka…" inabot na ito sa ‘kin. "Nakalimutan kong ibigay kanina, mabuti na lang hindi masyadong nabasa."
Ilang sandali pa ay may dumating nang tricycle. Pinauna ko nang sumakay sina Ryan dahil pagod na ang mga kapatid ko. Hindi na rin naman kami natagalan sa pag aabang ni Christian dahil may agad din namang dumaan na tricycle.
"Dyan ka na sa loob. Doon na ako sa likod sasakay…" Sabi niya sa akin.
"Sige."
Pinadiretso ni Christian ang tricycle hanggang sa apartment niya. Pagkatapos niyang ibigay ang bayad sa driver, pumasok na siya sa loob. Sumunod naman ako sa kanya.
Mukhang napagod siya sa lakad naming. Mas lalo tuloy akong nahiya. Sana talaga hindi ko na lang siya hinayaan na sumama. Nainip lang tuloy siya… at mukhang nawala rin sa mood.
"Ayos ka lang ba? Sorry kanina, ha. Uhm, dapat hindi na lang ako pumayag na sumama ka pa. Nainip ka lang tuloy," sabi ko pagpasok namin.
Tumigil siya sa paglalakad, gumalaw ang balikan niya dahil sa malalim na paghinga. "Ayos lang ako, Hazel."
"Pasensya—“
Umikot siya paharap sa ‘kin. Inangat niya ang mukha ko at nilandas ng kanyang mga daliri sa pisngi ko. Parang nanunuyo ang lalamunan ko sa ginagawa at sa titig niya.
"Tell me..." yumuko sya upang mapantayan ang mukha ko. Hawak pa rin niya ang pisngi ko. Sobrang init ng palad niya, na pakiramdam ko’y lumilipat na rin ang init sa mukha ko. "…more about yourself."
Humakbang si Christian ng ilang beses kaya napaurong ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakasandal na ‘ko sa pintuan. Mas inilapit pa niya ang mukha mukha niya sa ‘kin. Halos dumikit na ang dulo ng ilong niya sa ilong ko. Tumingin siya saglit sa labi ko bago ibalik ang tingin sa mga mata ko.
"I want to be a part of your life. Let me enter your world, Hazel…"