Chapter 3

1127 Words
Noon hindi ako naniniwala na magugustuhan mo ang isang tao sa loob lang ng maiksing panahon. Pero nagkamali ako. Walang sukatan pagdating dito. Ang tanging mahirap lang ay ang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo dahil natatakot ka sa magiging sagot niya. Lalong lalo na kung alam mong may mahal siyang iba. Mali ba na magustuhan ko si Kuya Christian? Oo… gusto ko siya. Gustong gusto ko siya. Naamin ko na iyon sa aking sarili. Nagkaroon na ng sagot ang mga tanong ko kung bakit kinakabahan ako tuwing malapit siya sa akin o sa tuwing magkausap kami. Siya lang ang nakakagawa nito sa 'kin. Una, iniisip ko naba ka hindi lang talala ako kumportable dahil bago lang kaming magkakilala. Pero kalaunan, naamin ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit at paano… Ang tanging alam ko lang, gusto ko siyang alagaan at pasayahin. Pero paano ko nga ba gagawin y'un kung hindi naman ako ang kailangan niya? Ayokong maghangad ng mas higit pa sa inaakala ko. Ayokong umasa. Umpisa pa lang naman, alam kong may nag mamay ari na ng puso niya. Idagdag pa ang esdato naming sa buhay. Hindi talaga ako nababagay sa kanya. Talo na ako. Makita ko lang siyang ngumiti ng totoo, kuntento na ‘ko dun. Kahit na hindi ako ang dahilan ng pag ngiti niya, ayos lang. Gano’n naman dapat, ‘diba? Kailangan hilingin mo ang kasiyahan ng taong gusto mo kahit na hindi ka naman parte ng kasiyahan na iyon. "I'm going back to Manila. Pero babalik din ako pagkatapos ng tatlong araw…" ‘yan ang huling sinabi ni Kuya Christian sa akin bago siya umalis. Tatlong araw lang daw… Pero lumipas na ang halos isang linggo ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. Wala akong cellphone para tawagan siya. Ang tanging iniwan lang naman niya sa akin ay pera para may maipang gastos ako. Araw araw ay hinihintay ko ang pagdating niya. Pinikit ko ang mga mata ko. Naiisip din kaya niya ako gaya ng pag-iisip ko sa kanya? Alam ko naman na malabo ‘yun. Imposible... Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mga mata ko ay maliwanag na sa labas. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ang narinig ko, pero parang naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Agad ko 'yung tiningnan. Hindi ako nagkakamali. Kinusot ko pa ng ilang beses ang mga mata ko dahil baka ilusyon lamang ang lahat. Pero totoo. Nandito na si Kuya Christian... Sa wakas…  "Nandito ka na…" masayang sabi ko. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nabitawan pa niya ang maletang dala niya dahil sa ginawa ko. Wala na akong pakialam kung ano ang nasa paligid o ano man ang reksyon niya. Ang gusto ko lang ngayon, malaman niya kung gaano ako kasaya sa pagbalik niya. Nakatulala lang siya sa akin nang bumitiw ako sa yakap. Hindi naman matanggal ang ngiti na nakapinta sa labi ko. Masaya lang talaga ako dahil tapos na ang mga araw ng paghihintay ko. "Hey. U-uhhmm... hi?" Medyo utal na sabi niya. Kinuha nya ulit ang maleta na nabitawan niya. "I'm sorry kung ngayon lang ako."  Mas nilakihan ko pa ang ngiti sa labi ko. "Ayos lang..." ang importante ay nandito ka na. Lumingon siya mula sa likuran niya. Nagkaroon ng ngiti ang kanyang labi nang may makita siya. Tumingin din ako kung saan nakatuon ang mga mata niya. Lahat ng saya na naramdaman ko ay biglang nawala nang makita kung sino nga ba ang tinitingnan niya. Isang babae… Mahaba at kulay tsokolate ang buhok. Maputi. Makinis ang balat. Matangos ang ilong. Hindi ko na alam kung paano pa idi-detalye ang kanyang pisikal na anyo. Maganda sya… Lumapit ang babae kay Kuya Christian. Hinapit naman nito ang kanyang baywang. Napatingin ang babae sa akin at nginitian ako. Ngumiti rin ako ng tipid sa kanya. "Hi! Ikaw siguro si Hazel? Naikwento ka na ni Chris sa akin," masayang sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay. "I'm Bianca. Sa wakas at nakilala na din kita..." lumunok ako ng ilang beses bago ko tanggapin ang kanyang kamay. "Uhm, Hazel. She's my..." "Girlfriend." Pagtuloy naman nito sa sinabi ni Kuya Christian. Nagbitiw kami ng kamay. Tinignan ko silang dalawa. Pinilit kong gawing normal ang reaksyon ko. Ayokong ipahalata ang nararamdaman ko. "Bian, kakausapin ko muna sandali si Hazel," ani kuya Christian. Tumango naman ito at tumuloy na sa pagpasok. Kinuha din niya ang bitbit na maleta ni Kuya Christian. Naglakad palabas si kuya Christian. Sumunod ako sa kanya. "Hazel…" tawag niya nang nasa labas na kami. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang kung ano man ang sasabihin niya. "Titira muna si Bianca sa apartment ko. Hindi naman siya magtatagal. Siguro mga isang linggo lang. Uhhm, kung pwede sana siya muna ang gumamit nung kwarto na tinutulugan mo." Nanlambot ako sa narinig. "Oo n-naman, kuya. Okay lang 'yun. Pwede naman akong matulog kahit saan…" pinilit kong ngumiti, kahit na sa totoo lang, nasaktan ako. "Okay lang talaga?" Tumango ako sa tanong niya. Hinawakan niya ako sa balikat. Inangat niya ang mukha ko dahil nakayuko na ako. "At ‘di ba… sabi ko sa ‘yo huwag mo na akong tawaging kuya?" Binawi ko ang mukha kong hawak niya. Lumayo rin ako ng kaunti para matanggal ang isang kamay niyang nasa balikat ko. "Sorry. Nakalimutan ko kasi…" nililihis ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang mga mata niyang siyang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. "Bakit hindi mo ako matingnan maayos?"  tanong niya na siyang nagpatigil sa akin. "Wala..." "Then, look at me..." utos niya. Huminga ako ng malalim. Binaling ko na ang mga mata ko sa kanya. Gusto kong kumurap ng paulit ulit o pumikit para hindi ko na lang makita ang mga mata niya. Kahit kailan naman, hinding hindi ako makikita ng mga mata niya dahil hindi ako kabilang sa hinahanap niya. "Pasensya na kung naging matagal ang pag uwi ko. May inayos pa kasi ako do’n. At hinintay ko rin ang pagdating ni Bianca. She's the daughter of my father's bestfriend..." paliwanag niya. Ngumiti lang ako at tumango. Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako. "Masaya ka ba para sa akin? Nag uumpisa na ulit akong maniwala na pwede pa akong magmahal. Hindi ba’t ‘yan naman ang sabi mo. Maniwala lang ako?" Maniwala ka kasama ako, hindi kasama ng iba. Sambit ng utak ko. "Masaya ako para sa ‘yo.." nginitian ko siya bago ako tumalikod at maglakad palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD