Prologue

194 Words
Isang taon hinintay ni Juan Miguel ang pista ng Sanctuario del Sto. Cristo. Alas tres pa lang gising na sila ng mga kapwa taga-bantay upang ihanda ang mga gagamitin sa prusisyong pang-alas sais – karo para sa Nazareno, Imakulda, at Sto. Nino, ang tirikan ng kandila, kamagyan at insenso. Alas kwatro nagsimulang magkalaman ang simbahan – mga aleng nakabelo’t paluhod na nagrorosaryo hanggang makarating sa altar, mga nagno-Novena para sa Inang Imakulada, mga ginoong nakatayo’t kanya-kanyang nananampalataya. Sa mga relihiyosong tulad nila, prusisyon at ang misa sa gabi ang pinakadiwa ng pista. Sa mga ordinaryong tao, ang salu-salo. Sa mga bata, ang palaro. At para sa mga may gusto at bakante ang oras, ang munting pagtatanghal matapos ang misa. Pero wala sa nabanggit ang diwa kung bakit abot-tenga ang ngiti ni Juan Miguel. Ang kanya’y nasa pagitan ng ala una’t alas singko, kung kailan ang mga tiga-San Juan ay nasa kani-kanilang mga tahanan at nagninilay. Sa sobrang sagrado ng oras, wala kang masisilayang tao sa labas ni pati simbahan sinasara. Walang ibang nakakaalam, maliban sa kanya, na sa pagitan ng ala una’t alas singko, naglalakbay siya sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD