* * Gianna's POV * *
"Hi, Mom! How are you? Kamusta ang Pilipinas?" masayang tanong ko sa aking mommy habang kausap ko siya sa video call sa laptop ko. Nasa Pilipinas siya, mag-iisang linggo na, habang ako at si Dad ay nandito pa sa Macau.
Dito na ako ipinanganak at dito na rin ako lumaki. Nandito kasi ang negosyo ni Mom at Dad, kaya dito na rin nila naisipang manirahan. Kahit dito ako lumaki, alam ko rin kung paano mag-Tagalog. Sa bahay kasi, ang gamit naming lenggwahe ay Tagalog, kaya natutunan ko ito at bihasa ako sa wikang ito.
Sa Macau, karamihan sa mga tao ay gumagamit ng Cantonese at Portuguese na language pero ang iba naman ay nagsasalita rin ng wikang English. Dahil dito ako lumaki, kaya kong makipag-usap sa wikang Cantonese at Portuguese. Noong una, nahirapan akong matutunan ang mga wika nila, ngunit sa kalaunan, natutunan ko na rin ang salita nila ng magsimula akong mag aral dito.
Habang kausap ko si Mom, tumayo ako at kinuha ang pitcher na may laman na malamig na tubig mula sa ref sa likod ko. Nagsalin ako ng tubig sa may baso at ininom ko ito.
"Okay naman ako dito, anak. Sobrang saya na makita ko ang mga kaibigan ko dito at ang mga kamag-anak natin. Pero, syempre, namimiss ko na kayong dalawa ng dad mo," sagot ni Mommy, ang kanyang boses ay puno ng saya. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha, at alam kong nag-enjoy siya sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ngunit ramdam ko rin ang pangungulila niya sa amin ni Dad, lalo pa’t ito ang unang beses na mahiwalay siya sa amin ng matagal. Well, susunod naman kami sa kanya, 'yun nga lang pareho kami ni Dad na may inaayos pa tungkol sa business, kaya nauna si Mom na umuwi sa Pilipinas.
Actually, may mahalagang bagay si Mom na kailangang gawin, na dapat ay noon pa niya ginawa. Kaya napagdesisyunan namin na umuwi muna kami ng Pilipinas para ayusin iyon. Alam kong mahalaga iyon sa kanya, kaya naman sinusuportahan namin siya ni Dad.
"Namimiss ka na rin namin, Mom! Lalo na si Dad, lagi na Iang Ikaw ang bukang bibig niya," sagot ko, kasabay ng pag-upo sa harap ng laptop kung saan ko siya kausap.
"Nasaan ba ang dad mo? Nag-almusal na ba kayo?" Mom asked me.
"Maagang umalis si Dad, Mom. Doon na daw siya magbe-breakfast sa office niya at may importante daw siyang ka-meeting mamaya," I answered.
"How about you, Mom? Nag-breakfast ka na ba?" balik-tanong ko sa kanya. It's already 8:00 in the morning at dahil wala namang time difference sa Macau at Pilipinas, nakakapag-usap kami ni Mom ng ganito ka-aga. Isa pa, sanay kaming gumising ng maaga, lalo na ako, dahil routine ko nang mag-jogging pagsapit ng seven o'clock ng umaga.
"Yes, hija, kakatapos ko lang. And you?" Mom asked me again.
"Sim, mamãe, já terminei o café da manhã," sagot ko sa kanya sa wikang Portuguese na ang ibig sabihin ay; 'Oo mommy tapos na ako mag breakfast'
"Anyway, Mom, kamusta po pala ang paghahanap niyo sa kanya? Did you find him?" seryoso kong tanong kay Mommy, na ang tinutukoy ko ay ang dahilan kung bakit siya nasa Pilipinas ngayon.
Ang pinaka-dahilan kung bakit nagpasya si Mom na bumalik sa Pilipinas ay para hanapin ang half-brother ko. Yes, hindi ako nag-iisang anak ni Mom, and I have a half-brother mula kay Mom, and Daddy knows all about this. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy kaya kahit alam niyang may naging asawa si Mom at may anak ito rito, tinanggap pa rin niya si Mom. I know na hindi tama na ngayon lang gumagawa ng paraan si Mommy para hanapin si Kuya Gabby, gayong matagal na niya itong iniwan sa kanyang dating asawa. Yes, his name is Gabby, and I have never met him. I don’t even know kung ano ang itsura niya dahil kahit sa picture ay hindi ko siya nakita. Well, may picture si Mom pero sobrang tagal na at bata pa si Kuya Gabby sa picture na ‘yon. I think tatlong taong gulang pa lang siya sa picture na ‘yon, and now he is 25 years old. So, it's been 22 years since Mommy left him, kaya wala talaga kaming idea kung ano na siya ngayon—kung may pamilya na ba siya or what.
"Hindi ko pa siya nakikita, anak. Pinuntahan ko na rin ang dati naming tinutuluyan kung saan ko sila iniwan ng papa niya, pero ang sabi sa akin ng mga tao doon ay matagal na silang umalis," malungkot na litanya ni Mommy habang pinipigil ang kanyang mga luha.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi ni Mommy. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya sa half-brother ko. Mababakas rin sa tono ng boses niya ang pagsisisi kung bakit niya nagawang iwan ang kanyang anak. Naiintindihan ko si Mommy, lalo na sa point na wala siyang magawa noon for him. Marami ring mahirap na pinagdaanan si Mommy, lalo noong nagkasakit siya. Mommy had breast cancer before kaya hindi niya kaagad nasimulan ang paghahanap kay Kuya Gabby. I remember when I was 15 years old, narinig kong nag-uusap noon si Mommy and Daddy tungkol kay Kuya Gabby. ‘Yun ‘yung panahon na dapat handa na si Mommy para umuwi ng Pilipinas, pero saka naman namin natuklasan ang tungkol sa sakit niya. Also, when I was 10 years old, muling nagplano si Mom and Dad pero nalugi naman ang business namin kaya hindi kami nakauwi ng Pilipinas that time. Sunod-sunod ang naging problema nina Dad and Mom after that, kaya naiintindihan ko si Mommy. Kaya sana, pag dumating man ang araw na makita namin si Kuya Gabby, maintindihan din niya ang naging sitwasyon ni Mommy noon pag nalaman niya ang lahat. I know na hindi magiging madali for him pag nagkita sila ni Mommy, even I'm not sure kung mapaptawad ba niya ang Mommy namin, but I will pray to God na sana maayos ang lahat for my Mom and for my Kuya Gabby.
"How about our relatives there, Mom? Wala ba silang alam kung saan na nakatira si Tito Garry at Kuya Gabby now?" tanong ko kay Mommy. Tito Garry is her ex-husband, ang tatay ng half-brother ko.
"Wala rin silang balita, anak. Sa kanila ako unang lumapit at nagtanong, pero maging sila ay wala ring alam kung saan sila lumipat," sagot ni Mom, at tuluyan na siyang naiyak.
"Don't cry, Mom, please. Don't worry, everything will be okay. Soon, I'll be there too, and I'll help you to find him. Not just me—Dad will help as well. Actually, Daddy is already talking to some people about Kuya Gabby. So just relax, okay?" malungkot kong wika. I really want to be with my mom dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. I want to hug her right now, pero malayo siya sa akin. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay magbigay ng positibong advice para palakasin ang loob niya.
"Thanks, honey. I can't wait to see you here and your Dad," sabi niyang mangiyak-ngiyak pa rin.
"Don't worry, Mom. Dad and I will fix our business here as soon as possible para makasunod na kami ka-agad diyan," I said with a sweet smile, trying to make her feel better.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nagpaalam ni Mom sa isa't isa. May lalakarin pa daw kasi siya, at ako naman ay kailangan kong puntahan ang bar business ko. Kailangan kong kaagad ipaalam sa mga employees ko ang pag-uwi ko sa Pilipinas ASAP para makapag-ayos na rin sila sa magiging set-up in my absence. Mabuti na lang, hindi ko naman kailangan bantayan ng 24/7 ang bar dahil may napagkakatiwalaan akong mga tao dito. My manager is highly competent and has been with me for years, so I know the bar will run smoothly even if I’m away. Pero siyempre, gusto ko ring masiguro na lahat ay nasa maayos na kalagayan bago ako umalis, para wala akong alalahanin habang hinahanap namin si Kuya Gabby. It’s a big responsibility, but I’m confident everything will go well with proper planning.