IVAN'S P O V Hindi na muna ako bumalik sa ospital para mag - trabaho, feeling ko rin naman na hindi ako makakapag - trabaho ng maayos sa estado ng aking puso ngayon at isipan. Baka imbis na gumaling ang aking pasyente ay lumala pa ang kanilang sakit kapag namali ako. Wala talaga sa tamang wisyo ang sarili ko ngayon. Kaya nag - lilibang na lamang ako sa loob ng aking condo, para hindi maka - isip ng kung ano - ano, nanduong palitan ko ang mga kurtina ng bintana sa dalawang kwarto at sala, iniba ko na rin ang ayos ng kama at couch sa aking silid. Pero sa kwarto ni Lola Henia ay hindi ko na iniba, sakto lang kasi ang mga gamit duon para sa paggalaw n'ya. Hindi pa nga nila alam na nakabalik na ako ng Pinas, alam kong tinitikis ako ng aking mga kaibigan kaya hahayaan ko na lamang sila sa k

