IVAN'S P O V
"Birthday ng Tito Ronald Mo Ngayon, Duon daw Tayo magdi - dinner mamaya." paalala ni Lola Kinabukasan habang Kumakain Kami ng Almusal. Kapag Dito Ako natutulog sa Gabi ay Ako na mismo ang nagluluto ng Almusal Namin. Madali lang naman at puro prito ang Kinakain Namin tsaka Kanin s'yempre at prutas.
Pero kapag nagpupunta Kami sa Bar ni Lance ay Dito nga Namin pina - patulog ang Isang Kasambahay Nila Tito. Kaya S'ya na din ang nagluluto ng Almusal Naming mag - lola. Mamaya pa kasi ang dating N'ya para maglinis kapag Dito Ako natulog.
"Kayo na lang po, 'La! Marami po Akong Pasyente Ngayon." magalang Ko namang tanggi para hindi sumama ang loob N'ya sa Akin.
"Kuuh! Ayan Ka na naman sa puro Pasyente!" himutok ng Kanyang Abuela. "'Di bale sana kung meron Ka nang nagugustuhan sa Kanila!" dagdag pa N'yang sermon, kaya napapa - kamot na lang Ako sa Sintido Ko.
"Magtapat Ka nga sa Akin Apo," bulong N'ya at inilapit pa ang Katawan sa Akin na akala Mo may ibang Tao Kaming kasama. Hininto N'ya muna ang Kanyang Pagkain. "Wala Ka man lang bang natitipuhan sa mga Nurse at Kapwa Mo Doctor sa Ospital?" Tanong N'ya kaya mahina na lang Akong natawa.
"Wala po, 'La!" mabilis Ko namang tugon. na may kasamang iling pa.
"Eh, Bakit!?" bulalas naman N'yang turan na parang nagtataka pa, "Nu'ng inoperahan Mo naman Ako dati, nakita Ko Magaganda naman Sila!" naiiling na lang tuloy Ako habang patuloy sa pag - nguya, naalala pa N'ya iyon eh, Ilang Taon na din ang nakakalipas. Baka nga 'yung iba sa nakita N'ya ay may Asawa na o kaya ay lumipat na ng ibang Ospital.
"Matagal na po iyon, 'La! Natatandaan N'yo pa!?" balik Ko namang tanong sa Kanya
"Ah! Alam Ko na!" may pataas pa S'ya ng Isang Daliri ng may naalala na naman. "Lalake din siguro ang gusto Mo 'no!?" mahina pa N'yang pahayag.
Mabuti na lang pala at tapos na Akong Kumain. Kundi ay baka nailabas Kong lahat ang Kinakain Ko dahil sa sinabi N'ya. Ako pa ang paghihinalaan N'yang Bakla. Baka kapag nalaman N'ya ang mga Babaeng dumadaan sa Kamay Ko eh, atakihin S'ya sa Puso.
"'La naman! Ako po, Bakla!?" parang hindi talaga Ako makapaniwalang masasabi N'ya iyon eh, S'ya nga ang kasama Ko nu'ng i - circumcised Ako. Nahiya pa nga S'ya sa Doctor nu'ng sabihin marami Akong mapapa - ligayang mga Babae daw. Well, totoo naman talaga.
"Oo na! Oo na! Pinag - pala Ka nga pala sa Junjun Mo!" pagsuko naman N'ya tugon kaya bahagya na lang Akong natatawa. "Kung Bakit naman kasi wala Ka pang pina - pakilalang Nobya!? Kaya akala Ko tuloy eh, Bakla Ka!"
"Hindi lang po Ako ready pang makipag - relasyon." seryoso Ko namang tugon, alangan namang sabihin Ko sa Kanyang wala talaga sa hinagap Kong mag - seryoso sa Babae.
"Aba! Baka nakakalimutan Mo Ivan Christopher na Trenta y Singko Anyos Ka na! Lahat ng mga Ka - batch Mo may nga Sarili ng Pamilya! Samantalang Ikaw eh, kahit Nobya, wala pa!" sermon pa N'yang halos lumitaw ang mga ugat sa Kanyang Leeg sa sobrang galit.
"Don't worry, 'La! Magugulat na lang po Kayo Isang Araw eh, may dadalin po Ako Ditong Girlfriend Ko at ipapakilala Ko sa Inyo!" pahayag Ko na lang sa Kanya para hindi na mangulit.
"Sabi Mo 'yan ha!?" paninigurado pa Nito n parang hindi pa naniniwala. Tumango naman Ako nang sunod - sunod. "Kelan naman kaya iyon!?" pangungulit ulit N'ya, kaya napa - buga na lang Ako ng Hangin.
"Basta po, 'La! Malapit na po!" parang siguradong tugon Ko, "Alis na po Ako at malapit na Po Akong ma - late." paalam Ko para matapos na ang pag - uusap Naming halos Araw - araw yata Naming Topic habang Kumakain ng Almusal. Sabay Tayo Ko na din at kuha ng Bag Ko, Cellphone at susi.
"Bye! 'La! Alis na po Ako, ingat Kayo Dito, hayaan N'yo na po 'yang ligpitin Kay Mabel"
halik Ko sa Kaliwang Pisngi N'ya, Kasambahay Namin ang tinutukoy Ko.
"Ikaw ang mag - ingat at Ikaw itong babyahe!" bilin pa N'ya, hindi na Ako nakipag - talo at tinungo Ko na ang Pinto ng Condo. "Duon Ka na dumiretso sa Bahay ng Tito Ronald Me mamaya, pupunta din Ako Duon." pahabol pa N'yang bilin, kunwari naman ay hindi Ko nadinig na sinarado Ko na ang Pinto.
Naka - ilang hugot tuloy Ako ng malalim na buntong hininga. Habang lulan ng Elevator pababa sa Basement ng Condo Building kung Nasaan ang Unit Ko. Hindi Ko kasi alam kung alin ba ang po - problemahin Ko, iyong pagpunta Namin sa Birthday ng Tito Ronald Ko o iyong winika ni Lola na magpa - Kilala na Ako ng Nobya sa Kanya.
Lagi naman kasing iyon ang sinasabi Kong malapit na Ako magdala ng Girlfriend sa Bahay. Kung hindi Apat eh Limang Taon na yatang puro iyon ang Dialogue Ko. Kaya hindi na din siguro S'ya naniniwala tsaka paano Ko nga ipagtatapat sa Kanyang halos isumpa Ko na ang lahat ng Babae tapos sasabihin N'yang Mag - asawa na Ako!?
Naiiling na lang tuloy Akong sumakay sa Kotse Ko pagkarating Ko sa Basement kung Saan mga naka - park ang mga Sasakyan Naming mga Condo Owner. Lagi iyon ang umu - ukilkil sa isipan Ko kahit nang makarating Ako sa Ospital. Mabuti na lang at konti lang ang mga Pasyente Ko kahit Iyong nga nagpa - check up.
Pero wala pa din Akong maisip na pwedeng idahilan sa Aking Lola para hindi na Ako pumunta sa Birthday ng Tito Ko. Kahit Dinner lang, hindi naman kasi Sila mahilig sa mga Party - party kaya mga Immediate Family Kang ang Invited. Panganay na Kapatid ni Daddy, kapag pumunta kasi Ako Duon ay naiinggit ulit Ako sa mga Pinsan Kong Buo ang Pamilya. Samantalang Kami ni Bench ay Broken Family.
Ilang Taon Ko na ding tinitiis ang ganuong feelings, kaya hindi talaga mawala sa isipan Kong ayaw ba sa Amin ni Mommy kaya hindi N'ya Kami sinama Nuong lumayas S'ya? Kung sabagay kung sumama naman kami ay si Daddy naman ang mamumuhay Mag - isa. Ang Dami talagang naglalaro sa isipan Ko kapag ganitong may mga Occasion sa Family Nila Daddy. Lumagay din sa isipan Kong baka hindi Kami Mahal ng Aming Ina kaya nagawa N'ya Kaming iwan. Tapos hindi man lang S'ya pumunta kapag Graduation Namin, Birthdays o Christmas.
Kaya naman hindi N'yo Ako masisisi kung magalit man Ako sa mga kabaro ng Aking Ina. Hanggang sa dumating ang Oras ng tapos ng Duty Ko sa Ospital ay wala pa din Akong maisip na idadahilan. Tapos naka - receive agad Ako ng tawag galing kay Lola.
Humugot muna Ako ng malalim ulit na buntong hininga bago sagutin ang tawag N'ya.
"Opo, 'La! Papunta na po D'yan!" matamlay Kong tugon, tapos kunwari pa Akong inu - ubo.
"Naku! Ivan Christopher! Hindi Ka man sa Aking lumabas pero Kilalang - kilala Kita pati likaw ng Bituka Mo!" kontra na N'ya, eh, wala naman Akong sinasabi. " Pumunta Ka na Dito at Ikaw na lang ang kulang." halatang Galit na S'ya kaya tumugon na Ako.
"Opo! 'La! Palabas na po Ako ng Ospital." magalang Ko namang tugon, kulang na nga lang ay S'ya ang maglabas sa Akin dahil lahat ng importanteng pangyayari sa Buhay Ko ay ang Lola Ko ang kasa - kasama Ko.
Kaya nagda - drive Akong parang wala sa Sarili, Alin Ko na nga lang ay pagdating Ko Duon ay patapos na Sila sa Dinner para hindi na Ako magtagal sa Bahay na 'yon. Sweet kasi ang mga Tito at Tita Ko kahit maraming Tao sa paligid na tutuksuhin naman ng mga Pinsan Ko. Hindi Ko naman nakitang naging ganuon ka - sweet ang mga Magulang Ko. Kaya nga mas naiinggit Ako sa Kanila.
Minsan sa sobrang inis Ko ay nabubulong Ko tuloy sa Diyos na napaka - unfair N'ya. Mabait naman Kaming magkapatid pero bakit hinayaan N'ya Kaming maging Broken Family? Mabuti na nga lang ay tapos na Silang Kumain, nagkwe - kwentuhan na lang Sila habang umiinom ng nakaka - lasing na inumin.
"Magandang Gabi po! Happy Birthday, Tito!" bati Ko sa may Kaarawan sabay abot ng Isang Boteng Alak na binili Ko sa Mall Kanina tsaka bati Ko sa Kanilang lahat at inabot Ko ang Kamay Nila at dinala sa Noo Ko, bilang pagbigay respeto.
S'yempre nanghingi din Ako ng paumanhin kung Bakit Ako na - late ng dating. Pero iyong pinaka - mabagal na takbo talaga ang ginawa Ko h'wag Ko lang Sila makitang masaya kasama ang Kanilang mga Pamilya.
"Kumain Ka na at nang maka - inom na Tayo!" utos ng Isang Pinsan Kong Architect at may Sarili ng Firm.
"Sige!" kiming tugon Ko naman at tinungo Ko na ang Buffet Table kung Saan nakahain ang mga handang Pagkain.
Walang ingay na nga Akong nag - umpisang Kumain, puro tungkol naman sa Negosyo Nila ang mga pinag - uusapan. Puro Sila may mga sari - sariling Business, Ako lang sa Pamilya Namin ang kumuha ng Medicine o sa Medical Field napunta. Kaya wala Akong maka - kwentuhan about Medicine ang topic.
"Kumusta naman ang Trabaho Mo?" tanong ng Isang Tita Ko pagkatapos Kong Kumain at sumama na Ako sa umpukan Nila, Tatlong Lamesang Bilog ang naka - paikot sa maluwang na Garden ng Bahay ng Mang Tito Ko, ang Isang Table para sa Kanila, Kasama si Daddy, sa mga Tita Ko naman ang Isa pati si Lola at sa Aming magpipinsan ang Pangatlo at Kapatid Ko pero magkakalapit naman kaya makakarinigan pa din kapag nag - usap - usap.
"Ayos naman po," magalang Kong tugon sabay abot ng Isang Boteng Beer sa Akin ng Tito Ko. "Salamat po."
"May balak Ka pa bang Mag - asawa?" baling naman sa Akin ng Isang Tita Ko
"Wala pa po sa isip Ko ang mga bagay na 'yan, Tita, masyado pa po Akong busy sa Ospital, baka po pag - awayan lang Namin kung sakali ang Trabaho Ko." paliwanag Ko naman sa Kanila na akala Mo totoo.
"Aba'y Kelan Mo naman balak lumagay sa tahimik eh wala Ka na sa Kalendaryo!?" tanong pa ng Isang Tita Ko
"Kuuh! Si Ivan na naman ang nakita N'yo, hayaan N'yo na S'yang i - enjoy ang Buhay Binata! Kapag nakakita 'yan ng Babae, makikita N'yo, magugulat na lang Tayong may Asawa na 'yan!" saway ng Isang Tito Ko sa Asawa N'ya, natawa na lang Kaming magpipinsan.
Ako kasi ang Panganay sa Aming lahat, naunahan na nga Akong mag - asawa ng Ibang Pinsan Naming Babae. Lima kasing magkakapatid Sila Daddy. Hindi na nga Sila nagtanong at Kami na lang magkakasama sa Table ang nag - kwentuhan hanggang sa umuwi na Kami ni Lola.