IVAN'S P O V
"Ay! Doc! Ano ba!? Mamaya na po, Oras pa po nang Work eh!" maarteng bulong ng Nurse na Kasamahan Kong nag- ra- round sa mga Pasyente ng Maborang - Mateo General Hospital sa Bayan ng Paombong. Isa kasi Akong Doctor, Trenta y Singko Anyos pero Binata pa at wala pang balak mag - seryoso sa Buhay.
"Mamaya ha!? After ng Lunch Break Natin, Punta Ka na lang sa Office Ko." talagang ginandahan Ko ang Aking pag - ngiti para mahumaling ulit S'ya, tsaka Ko kinindatan.
"Yes, Doc!" Kinilig naman S'ya at inayos pa ang Buhok na lumayo sa Akin dahil may paparating na Tao sa Aming pinag - tataguan, hinila Ko lang kasi S'ya sa Isang Sulok ng Ospital at hinawakan Ko nga S'ya sa Kanyang pang - upo. Ilang beses na ding may nangyari sa Amin, kapag hindi Ako nakaka - punta sa Bar ng Kaibigan Kong si Lance ay S'ya ang kahumaling Ko. Game naman S'ya sa set up Namin kaya alam Naming parehong no string attach Kami, pure pleasure lang.
Nag - hiwalay na nga Kami ng way, S'ya kasi ay papunta sa Nurses Station, Ako naman ay sa Office Ko dahil mamaya pa naman ang round Ko ulit.
Sing dalas nga nang pagpalit Ko ng Damit ang pagpapalit Ko din ng mga Babae. Pero kahit naman Womanizer Ako ay hindi Ko pina - pabayaan ang Trabaho Ko. Sa katunayan nga ay lahat ng naging Operation Ko at nagiging Successful naman. Isa kasi Akong Orthopedic Doctor, Bata pa lang kasi Ako sa iyon na Ang Pangarap Ko. Mula nang mabalian ng Buto sa Binti ang Lola Kong S'ya nang nagpalaki sa Akin mula nang iwan Kami ng Aming Ina at sumama sa ibabang Lalake.
Mahal na Mahal Ko S'ya kaya pinangako Ko Nuon sa Kanya na Mag - aaral Ako ng pagka - doctor para Ako na lang ang mag - aalaga sa Kanya kapag S'ya ay Matanda na. Tinupad Ko naman ang pangako Kong iyon, na operahan S'ya at nakalakad ulit, S'ya nga ang Unang naging Pasyente Ko. Mula nga Nuon ay nakilala na ang Ospital na pinag - tatrabahuhan Ko. S'yempre, nakilala na din Ako, nagkasama na nga Ako sa Top Ten Outstanding Doctors sa Buong Pilipinas. Kaya naman mas lalong dumami ang mga Babaeng nagkaka - gusto sa Akin.
Gayunpaman ay hindi Ko naman sinasabi o pina - paalam sa Aking Abuela ang paglalaro Ko sa Babae. Sigurado kasing papagalitan N'ya Ako, kaya ang alam N'ya ay Good Boy Ako. Dalawa Kaming magkapatid na Lalake, ang Bunso Namin at ang Aking Ama ang nagma - manage ng Family Business Namin. Mula ng maging Doctor Ako at makabili ng Condo ay sa Akin talaga S'ya sumama para daw may kasama pa din Ako at hindi mag - uwi ng kung Sino - sinong Babae. Kung alam lang N'ya, bulong Ko naman sa Sarili Ko.
Pagkarating Ko naman sa Private Office Ko ay madami na palang naka - pili para magpa - check up. After Lunch kasi ang Schedule Ko sa mga out patient kaya nahiya naman Akong paghintayin Sila, mas marami kasi ang Matatandang Pasyente kesa sa mga Bata. Kaya nagbilin lang Akong Kakain ng early Lunch at uumpisahan Ko na Silang tingnan.
Kaya ini - ready na ng Isang Nurse na naka - assign sa Akin Ngayon ang mga Kailangan Naming gamitin at mga gamot. Kapag naman kasi alam Kong walang kaya sa Buhay ay binibigyan Ko na lang ng Libreng Medisina na naka - reseta. Kinukuha Ko ang pinambili Ko ng mga gamot sa Foundation ng Kumpanya Namin. Local Telecommunication Company ang Business ng Pamilya Namin. Kaya binabalik Ko lang naman sa mga Tao ang nagiging success ng Kumpanya Namin. Kaya 'yong iba ay Libre na lang sa mga gamot.
Dinalian Ko na ang pagkain Ko para makapag - umpisa na agad Ako ng pag - check up. Kahit naman iba ang trato Ko sa ibang Babae ay may Puso naman Ako para sa mga may sakit. Pero hindi Ko naman ilalahat ang mga Babae. May Lola pa naman Akong maalaga at alam Kong hindi katulad ng Mommy Ko.
Kaya ang nais Ko sanang makapag - quickie kasama ng Isang Nurse ay hindi natuloy dahil sa dami na Kailangan ng serbisyo Ko. Pero alam Kong sumaglit S'ya sa Office Ko, hindi nga lang tumuloy nang makita N'yang marami Akong Pasyente.
S'yempre, ngiti lang ng mga ito at pasasalamat ay kuntento na Ako dahil feeling Ko ay nagawa Ko ang sinumpaan Kong tungkulin na mag - pagaling ng mga may sakit. Kahit pagod pagkatapos ng huling Pasyente ay masaya naman Ako na hindi mababayaran ng kahit anumang Salapi.
Pagkatapos nga ng Isang Round Ko pa sa nga Pasyente Ko ay umuwi na Ako dahil na din sa sobrang pagod Ko ay gusto Ko na lang matulog at matikman ang Luto ng Aking Lola na Sinigang sa Miso na Isdang Maya - maya. Bago kasi Ako umalis Kaninang Umaga sa Condo ay tinanong na N'ya Ako kung Ano ba ang gusto Kong ulamin Ngayong Gabi. Kahit naman kasi Ano ay kinakain Ko kahit nga ang Tahong at talabang hindi nauubos. Kaya tumingin lang Ako sa Ref at nakita Ko nga ang Isda kaya iyon na lang ang sinabi Ko.
Sinasabi Ko naman sa Kanya kapag hindi Ako uuwi sa Gabi para masamahan S'ya ng Kasambahay ng Isang Tito Ko. Ito din ang namimili ng nga Kailangan Naming mga Groceries at stock sa Condo tsaka naglilinis. Pagkatapos ay aalis na ulit S'ya kaya madalas ay Kami lang ng Lola Ko ang magkasama. Dalawa naman kasi ang Kwarto ng tinitirhan Namin.
"Hi, 'La! Mano po!" Bati Ko sabay kuha ng Kanyang Kanang Kamay tsaka Ko dinala sa Aking Noo, kadarating Ko lang galing nga sa Ospital.
"Kaawaan Ka ng Diyos, naghahain na Ako " tugon naman N'ya sabay Tayo at Pause ng pina - panuod N'yang Korean Telenovela.
"Sige po," magalang Ko namang turan kaya tumalikod na Ako sa Kanya para tunguhin ang Silid Ko, s'yempre, galing Akong Ospital kaya naliligo agad Ako pagkarating sa Condo Unit Namin para naman hindi mahawa ng sakit na dala Ko dahil nga galing Akong Ospital.
Quick Shower lang naman ang ginawa Ko at nagsuot na lang Ako ng Short at Sando para presko sa Aking pagtulog. Tsaka Ko lumabas ulit ng Kwarto para Kumain sa Komedor.
"Hhmmm!" sambit Ko nang matikman Ko na ang Sinigang na niluto ni Lola, talagang the Best ito pagdating sa pagluluto.
"Mukhang gutom na gutom Ka." pansin pa N'ya, dahil sinunod - sunod Ko talaga ang sub0 ng Pagkain.
"Opo, 'La!" tugon Ko naman sabay inom ng Tubig na nasa Baso sa harapan Ko, "Marami po kasing Pasyente Kanina. Kaya hindi Ako nakapag - merienda." dugtong Ko pang Saad.
"Naku! Paano Ka naman N'yang makakapag - asawa kung lagi Kang busy sa Ospital?" himutok naman N'ya kaya natatawa at naiiling na lang Ako. Akala Ko naman kasi ay kung Ano ang sasabihin pa N'ya, dahil nga sa mabilis Kong Pagkain, iyon lang pala. Madalas kasi N'yang sabihin na tumatanda na Ako at gusto daw N'yang makita Akong ikakasal at magkakaruon ng mga Anak Bago S'ya mawala sa Mundong ibabaw.
"Malayo pa po iyong mangyari Lola, ang lakas - lakas N'yo pa po eh." putol Ko pa sa ibang sasabihin pa N'ya. Paulit - ulit naman kasi ang pag - uusap Naming ito. Sa dulo naman ay gusto N'ya lang Akong Mag - asawa na.
"Pagod na po ba Kayong alagaan Ako?" Tanong Ko naman na laging Duon lang din nauuwi.
"Paano naman Akong napapagod na alagaan ang Aking Apo ay Ikaw lang ang Paborito Ko." hampas naman N'ya sa Kaliwang Braso Ko, hindi na Ako kumibo at pinag - patuloy na lang ang pagkain hanggang makatapos Kami.
Ako na ang nagligpit ng Aming kinainan at naghugas ng mga ito. Tahimik na lang na bumalik si Lola sa Sala para ipag - patuloy ang Kanyang pina - panuod. Pagkatapos Ko sa mga Gawain sa Kusina ay sinamahan Ko S'yang manuod. Habang umiinom ng Alak na nasa Lata. Kunwari lang naman na nanunuod din Ako pero malayo na ang narating ng Aking isipan.
Kapag talaga laging inu - ungkat ni Lola ang tungkol sa pag - aasawa at hindi Ko mapigilan alalahanin ang pang - iiwan sa Amin ni Mommy. Kahit kasi umiiyak na Kami ng Kapatid Ko ay hindi naman nakinig sa Amin si Mommy na h'wag S'yang umalis. Itinuloy pa din N'ya ang pag - lalagay ng mga Damit sa Maleta. Kaya mula Nuon ay Lola na Namin ang nag - alaga sa Amin ni Bench. Kaya paano Akong Mag - aasawa eh kapag naaalala Ko iyon ay hindi Ko maiwasang magalit sa mga Babae.
Wala Akong pinag - sasabihan sa tampo Kong iyon. Naiinggit kasi Ako sa mga Ka - klase Kong Buo ang Pamilya kapag may program sa School. Oo nga at present naman lagi si Daddy at Lola pero iba kapag may Nanay Ka. Iyon bang mapag - sasabihin Mo ng mga Crush Mo sa School. Ganuon kasi ang mga Kaibigan Ko, kaya tumino sa Batang isipan Ko ang puot sa Aking Ina. Kahit man lang sana sa mga important Occasion ay silipin man lang N'ya Kami ni Bench, peri hindi kahit anino N'ya at hindi na Namin nakita. Hanggang sa makapag - tapos na Kaming magkapatid sa Pag - aaral at makapag - trabaho ng marangal.
Hindi rin kasi mawala sa isipan Ko kung ano pa ba ang kulang sa Pamilya Namin at nakuha pang makipag - hiwalay ni Mommy kay Daddy? May kaya naman nga ang Pamilya Namin, nabibili ang lahat ng gusto Namin at may itsura din naman si Daddya t mabait. Tapos nakuha pang hiwalayan ni Mommy. Kaya kapag tungkol sa pag - aasawa na ang usapan Namin ay tinatawanan Ko na lang.
"Tulog na Tayo, hindi Ka naman nanunuod eh." aya ni Lola, naka - off na pala ang T V Set Namin hindi Ko pa napapansin.
"Iniisip Ko lang po ang Isa Kong Pasyente." palusot Ko naman.
"Kuuh! Matutuwa pa Ako kung sasabihin Mong Babae iyong iniisip Mo kesa sa puro Pasyente!" sermon pa N'ya kaya natawa na lang Akong tumayo at inalalayan S'ya sa pagpasok sa Kanyang Kwarto. Bago Ako pumasok sa Kwarto Ko, dahil nga pagod sa Maghapon sa Ospital at idagdag pa ang Isang Can Beer na nainom Ko ay madali lang Akong dinalaw ng antok. Iyon naman ang gusto Ko para hindi na Ako mag - isip ng kung Ano - ano.