(Chapter 5 - Jackpot )
Red's POV
Nang mabasa ko ang reply sa akin ng lalaking nakasag*sa sa akin noon ay agad na akong gumayak. Day off ko today, kaya susulitin ko ang araw na ‘to. Hindi naman siguro maganda kung palagi akong pagod sa trabaho ko. Kailangan, chill-chill din kapag may time. Anyway, excited na ako sa sinasabi niyang reward sa akin. Malakas ang kutob ko na mabibilaukan ako ngayong araw. Charot!
Inilabas ko na sa luma kong aparador ang pang-malakasan ko’ng na white dress. Tapos na kasi akong mag-makeup. Magbibihis na lang ako at papunta na sa condo na sinasabi niya. Mabuti na lang at hindi pa rin nadadagdagan ang timbang ko. Kasya pa rin kasi sa akin itong dress na matagal ko nang binili. Hindi ko kasi agad nasuot dahil hindi naman ako nakapupunta sa mga magagarang event.
Pagkatapos kong suotin ang dress ko ay sinuot ko na rin ang puting high heels para mukha naman akong sosyal sa paningin ng mga taong makakakita sa akin. Lalo na itong lalaking ka-meet ko ngayong araw.
“Aba, saan ang lakad ng beauy queen kong anak?” bati sa akin ni papa nang bumaba na ako sa salas namin. Nadatnan ko siya roon na naghihiwa ng mga gulay na iluluto ni mama para sa restaurant namin sa palengke. Mas gusto niyang sa salas naghihiwa kaysa sa kusina namin.
“Sa kaibigan ko lang po. Birthday niya po kasi,” sabi ko na lang.
“Oh, basta tandaan mo ang pangaral ko. Iwas-iwasan ang pagtikim sa iba’t ibang lalaki at baka kung anong sakit ang masagap mo,” sabi niya kaya napanguso ako.
“Si papa naman, ginawa pa akong pokp*k,” tugon ko sa kanya kaya nakita kong tumawa siya.
“Joke lang, alam ko naman na good girl ka. Mas good girl ka pa nga kaysa sa kapatid mong si Pinky na palaging umuuwi nang lasing. Ayon, hanggang ngayon ay tulog pa nga e. Tiyak na may hangover iyon paggising niya mamaya. Dapat sana e, kapag weekend ay nakakatulong siya rito sa bahay. Hindi manlang siya mapakinabangan. Maghapon lang iyang matutulog at lasing na lasing kasi ito kagabi.”
Hindi ko rin alam kung bakit naging ganiyan na si Pinky nitong mga nagdaang araw. Napapunta tuloy ako bigla sa kuwarto niya. Nairita ako bigla sa kanya. Kahit mahal na mahal ko ang kapatid kong ‘yan ay napapagalitan ko rin siya kapag alam kong mali ang mga ginagawa niya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kuwarto niya ay sinalubong agad ako ng malansang amoy na beer doon. Mas nairita pa ako lalo nang makita kong may mga natuyo ng vomit sa sahig niya. Mukhang lasing na lasing nga ito kagabi. Sa tingin ko ay hindi ko siya makakausap nang maayos ngayong umaga kaya bilang parusa niya ay kinuha ko ang phone at wallet niya. Itatago ko muna ‘yon habang wala pa siyang pasok. Ilang araw kasi siyang mawawalan ng pasok dahil may ginagawa ngayon sa school nila. Ayoko namang maubos ang binibigay kong pera sa kanya na ginagamit niya lang sa pag-iinom ng alak at sa paggagala. Hindi ko kasi siya maharap at busy ako nitong mga nagdaang araw. Ang dami kasing nagpapa-rebond at nagpapaayos ng buhok ngayong week. Pag-uwi ko mamaya, humanda siya dahil masesermunan ko talaga siya.
Bago ako umalis sa bahay ay nag-abot na ako ng pera kay mama at papa. Kakakuha ko lang kasi ng sahod ko kagabi. Late na rin akong nakauwi kaya hindi ko agad sila nabigyan kagabi. Gaya ng dati, fifty percent ng sahod ko ay sa kanila nauuwi. Naroon na ang lahat-lahat, pambayad sa kuryente, tubig, pang-grocery at kung anu-ano pang need sa bahay.
Tumuloy na ako sa kapitbahay naming si Mang Andres. Ang taxi kasi niya ang aarkilahin ko para pumunta sa kabilang bayan. Doon kasi ako pinapapunta ng lalaking kausap ko kanina.
“Sandali, Miss Red at papahanginan ko lang saglit ang mga gulong ng sasakyan ko,” sabi ni Mang Andres sa akin kaya naupo muna ako sa papag ng garden nila.
Habang naghihintay ako roon ay natanaw kong naglalakad papauwi sa kanila ang BFF ko dati na si Ben na super crush ako. Nagtama ang mga tingin namin pero agad niya rin akong iniwasan nang tingin. Ilang taon na niya akong hindi kinikibo. Simula nang magpaka-babae ako ay hindi na niya ako pinapansin. Kahit pinagbigyan ko siya noon nang malasing ako ay nagalit pa rin siya sa akin. Nang huling araw na lalaki pa ang tindig ko ay nag-inuman kaming dalawa sa bahay nila. Last bonding na namin ‘yon na lalaki pa ang look ko. Pinaglaanan ko talaga siya ng oras para makausap siya ng mabuti. Ewan ko ba, natatakot kasi ako na baka hindi niya ako kibuin kapag nagbago na ang anyo ko. Siguro, ayaw ko lang talaga na mawala siya sa akin dahil mahalagang tao na siya sa akin. Nalasing ako noon habang nag-iinuman kami. Ang walangyang si Ben ay pinagsamantalahan ako. Nang malasing ako ay dinala niya ako sa kuwarto niya. Wala akong kaalam-alam noon na kinuhanan niya ng video ang mga ginawa niya sa akin. Oo, sinubo niya ang kahabaan ko sa ibaba. Pinagsamantalahan niya ang pagkalasing ko. Diring-diri ako noon habang pinapanuod ko ang video na ginawa niya sa akin. Pinasa niya kasi sa akin ‘yon kinaumagahan. Ginawa niya raw iyon para maniwala raw ako na patay na patay siya sa akin. Tinakot pa niya ako na kapag nagpakababae raw ako ay ikakalat niya iyon. Si Ben ang kauna-unahang tao na nakatikim sa talong ko. Nakakadiri man ay hinayaan ko na lang siya dahil mukhang obsessed nga talaga siya sa akin. Sa ginawa niya ay nagkaroon na tuloy ako nang dahilan para magalit sa kanya. Sinabi ko sa kanya na wala akong pakialam kahit ikalat niya pa iyon. Hindi rin naman niya magagawa ‘yon dahil ipapahamak niya lang din ang sarili niya dahil siya ang kasama ko sa video na ‘yon. Simula noon ay hindi na kami nag-usap, hanggang sa maging ganito na ako.
Pero wala akong pills na iniinom, ha! Ang babaeng hubog ng katawan ko ay natural. Wala pa rin naman akong dibdib. Bra lang ay sapat na sa akin. Takot kasi akong mag-iinom ng mga gamot. Baka mamaya ay kung ano pang mangyari sa akin.
“Tara na po,” aya na ni Mang Andres kaya sumakay na ako sa sasakyan niya. Bago kami umalis ay inabot ko sa kanya ang papel ng address na pupuntahan namin.
Nang umalis na kami ay nag-text na ako sa lalaking katagpo ko.
“On the way na ako, Baby boy,” text ko sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay sumagot naman ito sa akin.
“See you! For sure, mabubusog ka rito sa condo ko pagdating mo,” reply niya kaya kumabog agad ang dibdib ko. Mukhang pagsasawaan ko ata mamaya ang lalaking ito.
Teka nga, ano na nga bang pangalan niya? Nakalimutan ko na kasi 'yong nakita kong name niya sa I.D niya nang maaksidente ito. Hindi bale, tatanungin ko na lang sa kanya mamaya ‘yon pagdating ko roon.
“Miss Red, alam kong single ka. Baka naman puwedeng ligawan kita,” biglang sabi sa akin ni Mang Andres kaya nalaglag ang panga ko.
“Mang Andres naman, may asawa at anak na po kayo. Parang hindi naman po ata magandang tignan na kabet mo ay bakla pa,” patawa kong sabi kaya tumawa naman siya.
“Secret lang naman, eh,” seryoso niya pa ring sabi kaya lalo akong nagulat. Ano kaya ang trip niya? Naglilib*g ata ito, eh.
Sa totoo lang, hot daddy naman itong si Mang Andres. Kung ilalarawan ko siya ay may hawig ito sa p*rnstar na si Girth brook. Maputi, matangos ang ilong, maganda ang katawan at talagang mukhang bata pa. Ganoon pa man ay fourty plus na ang edad niya. Kilalang-kilala ko na siya dahil madalas siyang pagkuwentuhan ng mga bakla kong friend sa inuman. Ang alam ko nga ay maraming bakla ang may crush sa kanya. Alam ko rin na mahilig itong mamakla. Gawain na niya ito dahil wala siyang work. Pinagkakakitaan na lang niya ang pamamakla para mayroong panggastos sa bahay nila. Hindi na rin kasi siya puwedeng magtrabaho dahil binabantayan na lang niya ngayon ang bedridden niyang asawang babae na may sakit sa puso. Hindi naman niya maasahan ang anak niya dahil dalawang taong gulang pa lamang ‘yon.
“Naku, kapag single na lang po kayo, saka kita papatulan,” sabi ko na lang sa kanya kahit ayoko naman talaga.
“Promise?” paninigurado pa niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o technique niya lang iyon para landiin ang mga bakla. Ganoon pa man ay sinasakyan ko na lang siya.
“Oo,” maikling kong sagot at saka ko siya nginitian dahil ayaw niyang tanggalin ang tingin niya sa akin sa salamin ng sasakyan niya.
“Alam mo, nagtatampo nga ako sa iyo. Tinatawag mo lang ako kapag sasakay ka sa akin, hindi mo manlang ako ayain ng ibang sakayan. Iyon ako na mismo ba ang sasakyan mo, ang katawan ko. Hindi ka ba natatakam sa akin? Halos, lahat ata ng bakla rito sa street natin ay pantasya ako, ikaw lang ang hindi. Ako pa nga ngayon ang tila nagpaparamdam sa ‘yo,” sabi niya kaya naloloka na ako. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkaganito.
Mayamaya ay biglang may umilaw na kung ano sa tabi ko dito sa likod ng taxi niya. Nagulat ako nang makakita ako ng cellphone. Kung hindi ako nagkakamali ay cellphone iyon ni Mang Andres. Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyon pinakialaman. Kinuha ko iyon at saka binasa ang new message doon. Nalaglag ang panga ko sa nabasa ko roon.
“Tiba-tiba ka riyan kay Red kapag nauto mo ‘yan. Balita ko kasi ay malaki na ang kinikita niyan sa beauty parlor,” message ni Mang Agustin na tila kumpare niya. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin ito sa lumalandi sa akin kapag nakikita ako. Now I know kung bakit ganoon siya. Mabuti na lang pala at sinasakyan ko lang itong trip ni Mang Ander at Mang Agustin. Bistado ko na sila.
Binaba ko na lang ulit ang phone niya sa tabi ng upuan ko. Nanahimik na lang ako habang binabagtas namin ang daan papunta sa condo ng lalaking magbibigay sa akin ng reward ngayon.
Mukhang yummy at malinis naman ang lalaking iyon kaya kung lalandiin niya ako mamaya ay lalaban ako. Susulitin ko siya dahil minsan lang ako makatagpo ng ganoong pogi at malaki ang katawan. Excited na tuloy akong makarating sa condo niya.
Saktong 10:00 am ng umaga nang makarating na kami sa address na binigay ko kay Mang Andres. Bago ako bumaba sa taxi niya ay nag-abot ako ng pera para sa pangkain niya. Hindi ko kasi alam kung ilang oras akong maglalagi dito sa condo nitong lalaking pupuntahan ko dahil hindi ko masasabi kung anong magiging ganap namin doon.
Pagpasok ko sa loob ng building na ‘yon ay nagtanong na ako kung saan matatagpuan ang room 69. Iyon kasi ang sinabi niyang pagtanungan ko sa ibaba kapag dumating ako dito sa loob building ng condo niya
“Sa six floor po, ma’am,” sagot sa akin ng staff na babae roon. Dahil doon ay sumakay na ako sa elevator. Sa 6 floor ako tumungo.
Habang papalapit na ako sa condo niya ay lalo akong kinakabahan. Siguro, dala ng saya ko dahil first time kong makikipagkitaan sa isang seryoso at sosyal na lalaki. Halata naman kasi na mayaman siya dahil ang linis niyang tignan. Hindi ko nga alam kung bakit pinatulan niya ako. Kadalasan kasi, pang kalye lang ang naloloko sa ganda kong ito. Kaya kadalasan ay hindi rin ako pumapatol sa mga ganoon at baka kung anong sakit pa ang masagap ko sa kanila. Saka, hindi naman ako ‘yong baklang pakaladkarin. Gusto ko pa rin iyong baklang ginagalang at iyong malinis tignan. Nakipagkita ako sa lalaking ito dahil pangarap ko rin kasing makahanap ng lalaking magmamahal sa akin ng tunay. Baka kasi siya na ang lalaking ‘yon. Ang bet ko kasi sa isang lalaki ay iyong mukhang seryoso at malinis tignan. Siyang-siya iyong hinahanap ko. Kaya nga tuwang-tuwa ako nang sabihin niyang may reward siyang ibibigay sa akin. Siyempre, bilang bakla ako, alam ko na agad kung ano iyong reward na tinutukoy niya.
Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na ako. Pagkaliko ko ay room 69 agad ang nakita ko. Pagtapat ko sa pintuan ng room niya ay may nakita akong papel na nakadikit doon.
Pasok ka lang, Baby Girl, naliligo lang ako saglit sa banyo.
Basa ko sa note na nakasulat sa papel kaya pumasok na ako sa loob.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Pagpasok ko naman doon ay may nakita agad akong mga saplot sa labas ng pintuan ng banyo niya. Doon kasi agad ang banyo nito. Ang unang bumungad sa akin ay underwear niya. Naloka ako. Gusto ko sanang i-smell ‘yon, kaya lang ay baka may CCTV dito kaya nilagpasan ko na lang.
Pero, hindi ako nakatiis. Tumigil agad ako sa paglakad at saka muling umatras pabalik sa pintuan ng banyo niya. Bahala na, mahuli na kung mahuli na. Alam naman niyang gay ako kaya maiintindihan niya ako. Sayang kasi ang pagkakataong ‘to. Gusto ko kasing malaman talaga kung ano ang amoy ng underwear niya kaya pinulot ko na ‘yon at saka ko inamoy. Napamura ako ng maamoy ko ‘yon.
Seryoso ba ito? Ang bango eh. Walang bahid ng asim o kung anumang mabahong amoy roon. Mukha ngang malinis ang isang ito. Naka-jackpot nga pala talaga ako.