( Chapter 4 - Reward ni Red )
Blue's POV
Ang sama ng pakiramdam ko ngayong araw. Gusto ko sanang mahiga lang maghapon, kaya lang kailangan kong asikasuhin ang business na binigay sa akin nila mama at papa. Pinagpapatayo na kasi nila ako ng malaking restaurant. Ang restaurant na iyon ang magiging pinakamalaking korean restaurant na itatayo sa Soberano Town.
HRM ang natapos ko. Iyon kasi ang pinakuhang kurso sa akin ni papa dahil iyon din ang natapos niya. Nang makatapos siya ng HRM ay naging chef siya sa isang maliit na restaurant, hanggang sa mapunta siya sa mamahaling restaurant. Nagsimula sa maliit hanggang sa umasenso na siya. Nang malaman na niya ang lahat-lahat sa pagma-manage ng restaurant ay doon na niya naisipang magtayo na rin ng sarili niyang kainan. Sobrang galing ni papa sa pagluluto, walang niluto ito na hindi masarap. Kaya naman pumatok ang kanyang restaurant, hanggang sa dumami na ito nang dumami sa buong Pilipinas. Ngayon, paupo-upo na lang si papa at nagpapasarap na lang sila ni mama sa buhay.
Balak kong gayahin ang ginawa ni papa. Balak ko talagang maging sikat na chef, pero mas bigla kong nagustuhan ngayon na mag-business na lang. Tatalon na agad ako sa pagbubukas agad ng restaurant. Kumbaga, nag-shortcut na agad ako. Iisa-isahin kong tatayuan ng restaurant ang bawat bayan dito. Kapag pumatok ang una kong itatayong korean restaurant ay susundan ko agad ito ng pagtayo sa iba pang mga lugar. Mayaman naman kami, pero ang gusto nila mama at papa ay maranasan kong kumita ng pera sa sarili kong paa dahil hindi raw habambuhay ay aasa ako na lang ako palagi sa kanila. Tama naman sila. Saka, iyon din naman ang balak kong gawin. Gusto ko rin na kahit pa paano ay nabibigyan ko sila ng pera, kahit hindi na nila iyon kailangan dahil sa limpak-limpak na pera na ang mayroon sila sa mga banko nila.
Bumangon na ako para pumunta sa banyo. Latang-lata ako ngayon. Pakiramdam ko nga ay mainit na ang buo kong katawan. Dinaan ko na lang iyon sa pagligo, baka sakaling mawala ang panlalata ko.
Kung hindi nga lang ngayon darating ang mga materyales na in-order ko ay hindi talaga ako babangon. Ramdam kong fever na itong dinadaing ko. Hindi naman ako nagpaulan kahapon o may ginawang mali, kaya bakit ako biglang nagkasakit?
Dahil nilalamig ako, hot water ang pinaligo ko. Pag-agos ng tubig sa buo kong katawan ay naramdaman kong masakit ang paa ko. Mahapdi ang sugat ko roon. Naalala ko na may naapakan nga pala akong kinakalawang na pako kahapon nang gibain ang pagtatayuan ng korean restaurant ko. Nakatulong ang hot water para hindi ako mangatog habang naliligo. Saglit lang akong naligo dahil nagmamadali na rin ako.
Hubu't hubad akong nakatapat ngayon sa whole body mirror ko dito sa loob ng banyo ko. Natutuwa ako sa kinalabasan nang pagpupunta ko sa gym dahil humubog na ngayon ng maganda ang bycep ko at lumalabas na rin ang six pack abs ko. Kaunting push pa ay uumbok na rin ang dibdib ko. Dahil sa kakatingin ko sa mga topless na lalaki sa i********:, nahumaling na rin akong pagandahin ang katawan ko. Tila, ngayon ay nai-in-love na ako sa sarili kong katawan. May ganoon pala talaga?
Hinaplos ko ang bycep ko papunta sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa ginagawa ko sa sarili ko. Dahil doon, hindi napigilan ng kahabaan ko sa ibaba na biglang magalit. Kahit masama ang pakiramdam ko ay nakuha ko pang magsaril* habang nakatapat pa rin sa malaking salamin. Sinimulan ko nang laruin ang alaga kong tayong-tayo na ngayon. Ang weird dahil nalilibug*n ako sa sarili ko. What the f*ck!
Ang bilis nang pangyayari. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakapagpara*s na agad ako. Paglabas ko sa banyo ay tila lalo akong nanghina. Masama na nga ang pakiramdam, nawalan pa ako ng lakas dahil sa ginawa ko. Bakit ba nag-masturb*te pa ako? Ang tanga ko rin, eh.
Nagbihis ako ng t-shirt na puti at jacket. Nag-jogging pants na rin ako dahil nag-uumpisa na akong lamigin. Bago ako lumabas sa kuwarto ko ay binulsa ko na muna ang wallet ko. Iyon ang importante dahil magbabayad ako ng materyales na darating sa pinapatayuan kong restaurant.
Pagbaba ko sa salas ay nakasalubong ko si Manang Upe. Napakunot ang noo niya nang makita ako. Nagulat pa nga ako dahil hinawakan niya bigla ang noo ko.
“Ang putla ng itsura mo, Blue. Nilalagnat ka ba, anak?” tanong niya agad sa akin.
“Masama nga po ang pakiramdam ko ngayon e.” Sumama ko sa kanya sa kusina. Ang sabi nito ay ipagluluto niya ako ng lugaw. Habang naghihintay naman ako ay bumayukyok na muna ako sa lamesa. Mas nagiging worse na kasi ngayon ang sama ng pakiramdam ko.
“Blue, anak, huwag ka na lang kaya tumuloy sa lakad mo ngayon. Tignan mo ang itsura mo, parang latang-lata ka. Saka, ang init-init mo na rin,” sabi niya kaya itinaas ko na ulit ang ulo ko. Tumingin ako sa kanya. Doon na ako nakaramdam ng sakit ng ulo. Pinagtimpla pala niya ako ng mainit na kape. Nilagay niya iyon sa harap ko.
“Hindi po puwede, may mga darating po kasi akong materyales sa pinapagawa kong restaurant,” sagot ko sa kanya at saka ko na ininom ang kape na tinimpla niya sa akin. Napailing ako nang malasahan kong sobrang pait ng ginawa niyang kape sa akin. Hininto ko tuloy agad ang pag-inom ko roon.
“Hindi ba puwedeng ipadala na lang sa bangko ang bayad? Hindi pa ba sila sanay ng mga online transaction? Iyon na ang uso ngayon, ah!” turo pa niya.
“Simpleng tindahan lang po kasi ang kinuhanan ko. Naawa po kasi ako sa kanila dahil tila walang bumibili ng materyales sa kanila kaya roon na ako kumuha ng mga kailangan ko. Naitanong ko na rin po sa kanila kung may mga bank account sila, pero wala raw silang ganoon dahil hindi pa sila nauusuhan. Pero, dahil na-suggest ko na rin sa kanila ang online transaction ay pag-aaralan na raw nila. At dahil wala pa silang mga online bank, sinabi ko na lang sa kanila na pagdating na lang ng mga materyales sa restaurant ko ay saka ako magbabayad sa kanila. Wala rin kasi akong dalang cash nang pumunta ako kahapon sa kanila.”
“Kahit kailan talaga ay napaka matulungin mo, anak,” puri pa niya.
“Pero, nilagyan niyo po ba ng asukal itong kape ko? Bakit ang pait-pait po ata?” tanong ko naman sa kanya. Sobrang pait kasi talaga. Masusuka pa ako kapag inubos ko iyon.
“Oo naman, gaya ng gusto mong timpla ay ganoon ang ginagawa ko sa kape mo,” tugon niya at saka lumapit sa akin. May dala siyang kutsara. Nagsalin siya roon ng kaunting liquid ng kape at saka niya iyon tinikman.
“Oh, okay naman ang lasa, ah? Hindi naman mapait. Baka, mapait na ang panlasa mo kaya akala mo ay mapait ang timpla ko,” sabi pa niya kaya napatango na lang ako.
“Siguro nga ay dala ng may sakit ako ngayon kaya mapait na ang panlasa ko.”
Hindi ko na tuloy hinintay pang maluto ang porridge. Ang sabi ko sa kanya ay pag-uwi ko na lang iyon kakainin. Hindi naman ako magtatagal sa restaurant ko at gusto ko na talagang magpahinga na lang muna dahil lumalala na ang sama ng pakiramdam ko.
Pinilit kong magmaneho kahit parang hindi ko na talaga kaya. Napatingin ako sa salamin ng sasakyan ko at doon ko na rin nakita na ang pale na nga ng itsura ko.
“Anak, kaya mo ba talaga?” pampipigil pa sa akin ni Manang Upe nang makalabas na ako sa gate ng bahay namin.
“kakayanin po kahit parang hindi,” pagpapatawa ko pa sa kanya.
“Kasi naman, kung kailan wala ang mga tauhan ng mga magulang mo ay saka ka pa nagkasakit. Wala tuloy tayong mautusan. Kung maaring ako na nga lang ang mag-abot ng bayad ay ako na lang sana ang tutungo roon, kaya lang ay alam kong hindi mo naman ako papayagan,” sabi niya kaya nag-thumbs up ako.
“Mabuti po at alam niyo na po agad,” sabi ko at saka ko siya nginitian.
Hindi na niya ako napigilan. Tuluyan na akong umalis dahil nag-message na rin ang store na kinuhanan ko na—on the way na sila sa ginagawang restaurant ko.
Kung kailan nagmamaneho na ako ay saka pa roon umandar ang panginginig ko. Feeling ko, malala na itong sakit ko. Natatakot na rin ako dahil sobra na ang nararamdaman kong panlalamig. I think, kailangan ko nang magpatingin sa doctor.
Nag-shortcut na ako para mapadali ang pagtungo ko sa korean restaurant. Sa Plowden Street ako dumaan. Nang makapasok na ako sa street na iyon ay unti-unti nang nagiging blur ang paningin ko. Hindi ko na rin kaya pang kontrolin ang katawan ko dahil hinang-hina na talaga ang pakiramdam ko.
Nang papikit na ang mata ko ay saktong may nakita akong palabas na babae sa isang bahay. Hindi ko sure kung babae nga ba iyon o baka bakla. Hindi ko na magalaw ang katawan ko kaya inaasahan kong sasalpok ako sa mismong kinakatayuan ngayon ng taong iyon. Pero, gumawa pa rin ako ng paraan para mailigtas siya at para hindi ko siya masagasaan.
Pinilit kong apakan ang preno ng sasakyan ko para mahinto ako. Kahit nagdidilim na ang paningin ko ay kitang-kita ko kung paano siya matakot habang mabilis na rumaragasa ang sasakyan ko papunta sa gawi niya.
Nang tuluyan kong maipreno ang sasakyan ko ay sumalpok nang malakas ang ulo ko sa manibela ng sasakyan kaya roon na ako tuluyang nilamon ng dilim.
Nagkaroon na lang ako nang malay-tao nang dalhin ako sa hospital ng taong muntik ko nang masagasaan kanina. Nang magising na kasi ako ay siya ang una kong nakita.
“Kuya, bakit hindi mo inalagaan ang sarili mo? Hindi mo ba alam na natetano ka na? Mabuti na lang at nakita ko kanina ang paa mo habang sinasakay ka na sa stretcher. Siguro, mayroon kang naapakan na bakal na kinakalawang?” mahaba niyang sabi. Doon ko lang nalaman na ang babaeng muntik ko nang masagasaan kanina ay isa pa lang binabae. Pero, ang ganda niya, ah! Hindi mo aakalaing bakla siya.
Nginitian ko siya kahit kakagising ko lang. Mabuti naman at sa kabila nang nagawa ko sa kaniya ay tinulungan pa rin niya ako.
“Oo, may naapakan nga akong pako na kinakalawang kahapon sa pinagtatayuan ko ng restaurant ko,” pag-aamin ko sa kanya.
“Sabi na, eh. Mabuti na lang at nakita ko iyon, kung hindi ay baka mamuti ang buliga ng doctor kakahanap ng sakit mo,” sabi pa niya kaya matawa-tawa ako ng kaunti.
“Anyway, sorry kung muntikan na kitang masagasaan kanina. Thank you rin at kahit muntik na kitang mapat*y ay dinala mo pa rin ako rito sa hospital,” sabi ko sa kanya kaya napangisi naman siya.
“Ayos lang, pogi at hot ka naman kaya pinapatawad na kita,” sagot niya at saka hinawakan ang kamay ko. Nakakatawa talaga ang mga bakla.
“Kapag gumaling ako, may reward ka sa akin,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong nanlaki ang mata niya. “Kunin mo itong card ko at tawagan mo ako after one week,” sabi ko pa. Tinanggap niya ang card ko at saka ako nginitian.
Hindi na rin siya nagtagal pa sa room ko dahil may lakad daw ito. Bago pa nga siya umalis ay nagre-touch pa siya ng makeup niya rito sa room ko. Para talagang babae ang itsura at katawan niya.
Pag-alis niya ay tinawagan ko na si Manang Upe. Pinaalam ko na sa kanya ang nangyari sa akin. Pagkatapos ay tinawagan ko na rin ang shop nang pinagkuhanan ko ng mga materyales na gagamitin sa restaurant ko. Pinaalam ko na rin sa kanila ang nangyari sa akin kaya pumayag sila na saka ko na ibibigay ang bayad sa mga gamit na iyon kapag okay na ako.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng doctor kanina habang wala akong malay-tao. Gumanda na kasi ang pakiramdam ko. Sa tingin ko ay may gamot na silang in-inject sa katawan ko.
Pagkaraan ng ilang minuto ay mangiwi-ngiwi ang mukha ni Manang Upe nang pumasok siya sa room ko. Nang makita niya akong nakahiga sa kama ay agad siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap.
“Sinabi ko na kasi sa ‘yo na huwag ka nang tumuloy eh, ang tigas ng ulo mo! Mabuti na lang at walang grabe na nangyari sa iyo!” sabi niya na tila mangiyak-ngiyak pa.
“Sorry po. Anyway, naitawag niyo po ba ito sa mga magulang ko?” tanong ko sa kanya.
“Oo, ang sabi nila ay magpagaling ka raw. Mahal na mahal ka raw nila,” sagot niya. Palihim akong napailing. Alam kong pagsisinungaling lang ang sinabing ‘yon ni Manang Upe. Kahit kailan naman kasi ay hindi ko naramdaman na mahal ako ng mga magulang ko. Ang cold nila masyado. Saka, hindi ko na rin inaasahang pupuntahan nila ako rito kahit grabe pa ang mangyari sa akin. Hindi ko nga alam kung anak pa ba ang turing nila sa akin ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon sila sa akin.
Pagkalabas ko sa hospital ay nagpagaling na lang muna ako sa bahay. Ilang araw akong hindi naglalabas para magpalakas.
After one week ay gumanda na rin ang pakiramdam ko.
Saktong papunta ako sa condo ko nang makatanggap ako ng message sa isang unknown number.
“Hello? Puwede ko na bang hingin ang sinasabi mong reward ko? Anyway, ako ito, iyong binabae na muntik mo nang masagasaan noong nakaraang linggo,” text niya sa akin kaya napangiti ako.
Saktong wala akong gagawin ngayong araw. Tutunga lang ako sa condo ko para manuod lang ng movie. Tamang-tama, papupuntahin ko na lang siya roon para ibigay ang hinihiling niyang reward sa akin. Tiyak na masisiyahan siya sa gagawin ko sa kanya.