Enigmatic Prince
Buong period namin ay nakatitig lang ako sakanya. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang matulog. Ewan ko ba, pero kapag gising siya kulang nalang tawagin ko na ang lahat ng santo at humiling na sana hindi ko na makita ang antipatikong katulad niya. But, ngayong nakikita ko siyang mahimbing na natutulog na parang isang anghel. Nakakalimutan ko na ang lahat.
"stop staring at him, real. Baka matunaw."patudyong untag ni Zach sakin. He chuckles. Inirapan ko lang siya at nagfocus kay Ma'am Mikeyla. Pero paminsan minsan sumisilip padin ako sa misteryosong prinsipe na nakaupo sa tabi ni Zach. Hindi ko mapigilan ang aking sariling tumitig rito. Ewan ko talaga. Para akong nahihipnotismo.
Hanggang sa natapos na ang period. Inaya na ko ni Zach at Aia na lumabas. Kasama si Gon at Denisse. Hindi kasi pumasok ngayon si Finn kaya kami lang.
Habang naglalakad sa hallway ay pinagfifiestahan nanaman kami ng mga estudyante. Sa'ming dalawa ni Gon sila madalas tumingin.
"ang ganda mo kasi, Akemi."bulong sakin ni Gon habang nakangiti. Bigla naman akong pinamulahan ng muka. I giggles. Saka nag iwas ng tingin. Hindi ako sanay pag pinupuri ako nito.
"Hindi naman e."nahihiya kong sambit. Geez! Kapag si Gon talaga nagsalita nagkakaroon ako ng reactions. Bagay na di ko maitatanggi.
"Don't do that again. Ayokong makita ka nilang nagbabago."mahinang sabi niya. Napatitig lang ako sa guwapo nitong muka dahil sa sinabi niya. Bumalik naman siya sa cold niyang aura ng tumingin si Aia sa puwesto namin. Hinayaan ko nalang siya after that.
"malapit na tayong pumunta sa Underground. Nakakamiss din."sabi ni Dennise. Sumang ayon naman kami sa sinabi niya.
"tamang tama. May bago akong imbentong weapons. Para sainyo."nakangising saad ni Zach habang nainom ng moo. Napangiti nalang kami ng tipid. Ano pabang aasahan sa katulad niya? He's a Reivin after all.
Kumain lang kami habang hinihintay matapos ang recess. Napag usapan namin na hindi na muna kami papasok sa susunod na subject para icheck yung weapons na tinutukoy ni Zach. Nagdiretso kami sa Underworld Headquarters. Sa madaling salita. Sa pinaka ilalim na bahagi ng eskwelahan.
Dumaan kami sa shortcut. Madilim doon. Tanging maliliit na ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa tinatapakan naming baitang.
Suddenly may kamay na humawak sa braso ko para alalayan ako.
"Gon."nasabi ko nalang. Ngumiti lang siya sakin bilang tugon. Inalalayan niya ko habang naglalakad kami pababa.
After a long minutes of walking nakarating din kami sa itim na gate. Mayroong dragon sa kaliwang bahagi at phoenix sa kanan habang nasa pinaka baba ay isang mabangis na leon. Ang pinaka gitna naman ay isang pyramid na may malaking mata sa gitna. Hanggang ngayon ay nakakamangha pa rin ang itsura noon.
Binitawan ako ni Gon at lumapit ako doon. Tinapat ko ang mata ko sa eyeballs ng mata nasa pyramid. Saka dahan dahang nagclick at bumukas ang higanteng gate. Lahat kami ay may access dito. Tanging kami lang na kabilang sa grupo namin ang pwedeng pumasok. Hindi maari isali ang underlings.
Sabay sabay kami pumasok sa loob. Sinalubong kami ng amoy gamot o ospital na kapaligiran. May mga nagtataasang glass tube na may iba't ibang uri ng armas o weapons.
Sa hallway ay may mga holograms na nagkalat. Kasama ng mga table na may mga vials at iba't ibang uri ng poisons. Bawat sulok ay puro glass tube.
Ang b****a ay para sa mga weapons. Sunod mga dangerous poisons. Last na part ng hallway ay puro animal at human tested. Mga tao at hayop na pinag experimentuhan.
Sa tapat noon ay isang mahabang lamesa na may maliliit na glass tube na naglalaman ng iba't ibang kulay ng dugo na may halong chemicals at elixir.
"Let's go."sumunod naman kami kay Zach sa pinaka dulong bahagi. Bumaba kami sa hagdan at bumungad ang kulay asul na pinto. Nilapat ni Zach ang kamay niya sa pinto na may nakaukit na kamay at nagverify naman agad. Tumunog na ang click hudyat na nagbukas na ang pinto.
Habang binabanggit ang pangalan ni Zach maging pangalan namin.
Pagpasok sa loob ay bumungad ang malaking lamesa na mababalutan ng salamin.
"Oh God! You're so genius talaga Zach!"halos mangislap ang mata ni Dennise at Aia ng makita ang bagong naimbento ni Zach. Lumapit kami doon.
"This is ultraviolet-weapons. Made of iron mix of ultra violet rays. Triple ang lakas at tindi ng mga ito kapag ginamit sa laban."paliwanag niya. Nilapat niya ang kamay niya sa gilid kung saan may kamay na nakaukit saka naman unti unting natanggal ang salamin na humaharang para di namin mahawakan ang weapons. Makintab ang mga ito. Kapansin pansin din ang violet aura na makikita.
"may poison ang mga weapons. Pero gagana lang ito sa kalaban. Hindi sa owner. Nandyan ang mga finger prints ninyo. Kaya madaling malaman kung inyo nga ba sila. May halong drugs ang poisons na ginamit ko dito. Kaya mas matindi. Hindi lang mula sa halaman ang poisons na ginamit ko even the venom and the poisonous frog is used. Kaya wala ng ligtas kapag nadaplisan sila. Walang gamot sa lason. Kaya siguradong dead on the spot ang matatamaan. Nga pala."kinuha niya ang isang daggers. Lumabas doon ang pangalan niya. So? Sakanya 'yon. Nung hawakan niya ay naging singsing ito.
"Cool"sabi nalang ni Gon.
"Unbelievable!"manghang saad ni Dennise. Napatango nalang si Aia.
"this thing is automatic. Ang original na itsura nila ay singsing. Lalabas lang ang sub kapag lumapat na sa balat. O malapit sa balat. Para siyang magnet pero hindi."paliwanag niya. Tumango ako.
"Go. You can take what yours."sabi niya samin. Kaya nagkanya kanya na kami. Ang kay Dennise ay Whip. Habang twin guns ang kay Aia. Swords Gun ang kay Gon. Dual ang kanya pwedeng maging baril at pwede ding maging espada. Baril din ang kay Finn pang army ang kanya. Pistol ang kay Seo. Kaya lang wala yung dalawa. Latigo ang kay Maxine. Isa pa yun. Wala din dito.
Naging singsing na ang sa mga kasama ko. Damn. Tumigil yung kamay ko sa ere. Nagdadalawang isip ba ako kung kukunin ko ang akin?
It's a cards.
Queen of Hearts
King of Spades
Ace
Diamonds
Joker
na gawa sa blade. Kaya nitong magtransform into daggers,whip,swords, guns(Hecate) at shurikens.
"ang astig ng kay Akemi. May favoritism talaga itong si Zach."angal na sabi ni Aia. Inirapan ko lang siya. Lumapit naman sakin si Zach.
"Thankyou."sabi ko. Ngumiti siya sakin na may kasamang pagtango. Inakbayan naman ako nito at hindi na pinansin ang tudyo ni Aia.
Nagsimula ang ensayo ko sa Mansion namin simula noong araw na 'yon.
Lagi akong nasa Training Ground ng Mansion para mag ensayo kasama ng ilan sa trainor ko.
"pinatawag niyo daw po kami? Lady Akemi."pumasok ang dalawang matangkad na lalaki. Ang isa ay kahawig ni Lee Min Ho kasama niya si Seo Ye Jin na kamuka ni IU. Tinigil ko muna ang pakikipagsparring sa mga reapers. At sumenyas sa dalawa na pumasok sa ring. Tumango ako bilang tugon saka nagsalita.
"simula ngayon, James. Lilipat kana sa Underground Hell Academy para makasama ni Seo. Kayong dalawa ang inaatasan kong maging personal reaper ko."malamig kong sambit. Halos maluha naman si Seo at tuwang tuwa si James ng marinig ang sinabi ko. Nagkatinginan silang dalawa. Pero agad ding binawi na may kasamang pag irap.
"Its a pleasure, your highness."sabay na sabi nila.. Tumango lang ako. Saka inayos ang stance.
"Now, lets start your training."nakipagsparring ako sakanila. Buong maghapon. At bakas sa muka at katawan nila ang kapaguran. Hirap na hirap silang pantayan ako. Mabilis kasi akong kumilos at hindi ako nagpapatalo sa combat.
Nang maghapon ay nagpunta kami sa may Dining Hall para magmeryenda. Naghanda naman ang kusina ng makakain namin. Pinag usapan namin ang mga plano ko.
Sabado ng Gabi nang magpunta ako sa Undergound kung saan naglalaban laban ang mga Gang. Maingay at crowded ang lugar. Maraming mga gangster at miyembro ng Mafia ang nagkalat doon. May mga nakaitim at iba't ibang kulay ng Uniporme na nagsasabi kung saan sila kabilang. Puno rin ng mabahong usok ng sigarilyo ang paligid. At amoy ng mga gun powder at paputok.
Sobrang dilim doon at tanging pulang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag. Naglakad lang kami nila Gon kasama sila Precious at Xander. Sinalubong naman kami ng iba pa naming kakilala at kasamahan sa Gang.
Lahat ng nakakakita doon ay mababakasan ng paghanga at papuri samin. Naupo naman ako sa may pinakamataas na upuan sa bleachers. Nagsisimula na pala ang laban sa pagitan ng Evil Gang at White Wolf. Lamang ang White Wolf sakanilang Miyembro. Nasa sampo pa ang nakatayo at kahit sugatan ay buhay pa naman ang sa White Wolf. Dalawa nalang ang natitirang matibay sa Evil. Hindi na namin naabutan kung paano sila maglaban at magpatayan. Bagay na ikinadismaya ko. Ang bagal kasi kumilos ni Precious.
Kalaunan ay nagpatuloy sila. Nabawasan ng dalawang miyembro ng Evil ang sampong miyembro ng White Wolf ng tatlo. Pero natalo pa rin sila ng hampasin sila sa ulo at saksakin ng taga White Wolf. Sumuka ng dugo ang kalaban at napaluhod. Ngumisi naman ang mga Taga White Wolf at hinanap ang puwesto namin.
Mayabang nagtaas ng kilay ang lalaking nasa unahan matapos saksakin ang taga Evil. Kinuha ko naman ang bagong panang inimbento ni Zach na hawak ni Precious at inasinta iyon sa vital point niya. Binitawan ko ang palaso at tumama iyon sa dibdib ng lalaki. Walang emosyon akong naglakad papunta sa ring. Saka binigwasan ang ilan sa kasamahan ng mayabang nilang lider. Nakipagsuntukan ako sa mga ito at isa isang binali ang buto nila. Maluha luha naman sila sa sakit na dulot noon. I grinned. Walang awa ko silang pinaglaruan hanggang sa maligo sila sa sarili nilang dugo. May mga bumaba na ring taga ibang Gang at nagsimulang makipaglaban sakin. Sumugod naman sila Gon para tulungan ako at bigyan ng leksiyon ang mga lapastangan.
Nakipaglaban kami sa mga ito hanggang sa maubos namin sila. Dumating naman si Zach para tumulong. Naging madugo ang labanan.
Halos ibalibag ko na ang mga sumusugod sakin at sinasalag ko naman ang mga baseball bat at bakal na gamit ng iba saka bumubuwelo para balian sila ng parte ng katawan at ulo.
Naging madugo ang labanan sa loob ng tatlong oras. At nanatiling Gang namin ang itinanghal na Champion.
Napailing nalang si Xander sa pagkadismaya. "Akala ko pa naman pagpapawisan ako." dismayadong sabi nito. Hindi kasi ito pinagpawisan man lang. Nagmistulang fresh ang playboy. Habang puro dugo naman si Precious. At maarte itong tumili dahil sa dugo sa katawan.
Natawa lang sakanya si Xander at Ace na kanina pa pala andito. Hindi ko na kasi siya napansin sa sobrang busy sa pakikipaglaban. Inalalayan naman ako ni Gon ng mapansing nakakaramdam na ko ng pagod. Nauna kasi ako makipaglaban kesa sakanila at mas marami akong napatay sa kalaban. Lumapit sakin si Zach at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at ininom. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkauhaw. Umalis na kami ng mga kasamahan ko sa Underground at sinabing magkita kita nalang sa Lunes sa Eskwelahan.
"Kita nalang tayo sa Lunes sa school." sabi ni Precious.
"Yeah/Okay." sabay na sabi ng mga boys.
"Nakakadiri ang mga dugo sa katawan ko. Ang lansa!" maarteng sabi ni Precious. Tinawanan naman siya ni Xander. "Tigilan mo ang kaartehan mo, Precious..Hindi bagay!" pang aasar ng lalaki dito. Nakatanggap naman siya ng mura at irap sa babae. "Damn you!" sigaw nito bago tuluyang magpaalam. Sumama naman sakin sila Gon at Zach pauwi sa Mansion. Doon na rin sila naligo at nagpalit ng suot na damit.
Nanatili lang ako sa loob ng CR at nagbabad sa bathub. Maligamgam ang tubig at nangingibabaw ang aroma ng lavender. Kaya nakakarelax iyon. Lalo na at may humidifier rin sa gilid ng bathub. Pumikit muna ako para magpahinga. May ilang galos naman ako mga sugat na nasagi ng kutsilyo at armas ng kalaban. Pero hindi ganoon kalala iyon. Daplis at maliit na sugat lang talaga. Hindi ko na rin ramdam ang hapdi noon dahil sa pagiging manhid ko. Normal na rin sa katawan ko ang magtamo ng ganito. At di naman ako nasaktan sa laban..Napapagod lang.
Hindi rin naman ako nagkakapeklat dahil ginagamitan ko agad iyon ng ointment. Bukas ay mag eensayo naman kami kasama ang mga assassins at reapers. Kailangan ko pang magpalakas lalo.