Nakaupo ako ulit sa arm chair ko dahil magsisimula na daw ang nakakaboring na klase. Kung tutuusin basics lang naman ang tinuturo ni Ma'am Amora. Yeah, kahit na nakakaboring siyang magturo ay okay na 'yon kesa naman puro kagaspangan ang atupagin niya dito sa klase. Kung wala ako dito paniguradong hindi sasantuhin ng mga estudyante o kaklase ko ang katulad niya. Walang pinagkaiba sa mga prof na nagtuturo sa iba pang sections.
"you, bored?"tanong ng katabi ko. Tumango lang ako at bahagyang humikab.
Yung transferee na si Vin Klein? Nasa gilid ni Zach. Tapos si Gon nasa tabi ni Aia. Kaya ang kinalabasan kahit airconditioned naman ang room ay mas lumamig. Sabi nila.
"Tiisin mo nalang, Real."nakangiti niyang sabi. Nag iwas ako ng tingin. Ayan nanaman kasi yung ngiti niya. Minsan nga muntikan nakong madala ng ngiti niya. Ayaw ko. Ayokong maging palangiti ulit. Ayokong maging mabait. Ayokong maging masayahin. Dahil wala akong karapatang sumaya.
Sa sobrang pagkainip ko nga. Nakatulog na ako.
Nagising nalang ako sa mahinang pagtapik ni Zach. Tumunghay ako saka tiningnan ang paligid. Kami nalang pala ang nandito. Nasaan na kaya sila? Napansin naman ni Zach ang pagtataka sa muka ko. Kaya siya na ang nagpaliwanag.
"nagtungo na sila sa next class. May 10 minutes pa. Halika na?"aya niya sakin kaya tumango ako. Ang hilig talaga nitong mangbasa ng isip. Wala na tuloy privacy ang iba. Kahit di ako magsalita e naririnig niya.
"parang di mo gawain."patudyo niyang sabi at humalakhak pa. Pinisil ko nga ang ilong niya. Aray siya e. Binasa nanaman niya ang nasa isip ko. Bwisit na kaibigan ito.
Paglabas namin halos andami nanamang matanglawin. Kaya umayos ako. At dumiretso ng tingin. Wala paring emosyon. May ibang ilag na ilag. Kaya kahit sobra namang luwag ng hallway ay sobra sila kung tumabi. May ibang yumuyuko pa. At may ibang malakas ang loob bumati ng..
Hi! Goodmorning!
Good morning Headmistress!
Ang ganda niyo po! Magandang umaga!
Maganda kapa sa umaga, milady!
Ang cool niya talaga
Kung sa iba. Feel na feel kapag pinupuri. Ako hindi. Naiilang ako. At naiirita. Kasi para sakin I'm not special.
"no, you are.."mahinang usal ni Zach. Napairap nalang ako.
Pinagmasdan ko nalang ang paligid. Maraming estudyante ang nagkalat. May ibang tambay sa room. May mga nakaupo sa floor. At nakasandal sa pader. May kanya kanya silang mundo. Ang iba ay nag gagawa ng assignment, nagbabasa, nagawa ng presentation. Nagsasaulo ng piece. Nagpapractice magreport. Yung railings naman ang pinagmasdan ko. May mga halamang namumulaklak doon. Hanging plants. This building is called Shurikens. Kulay black ang mga pader tapos ang pinto ay kulay white. Lahat ng gamit dito ay black binase nadin sa kulay ng shurikens. Ang hallway naman may aircon din at wifi para sa estudyante.
Maingay ang paligid. Pero natatahimik din sila agad kapag naspottan ako. At ang kasama ko.
Ang gwapo talaga ni Prince Charming
Balita ko wala pa daw siyang girlfriend ah? Mag apply kaya ako?
Asa ka naman. Ang katulad niyang Prinsipe ay nababagay lang sa tulad niya. A Princesss and her Prince Charming.
Grabe ka naman sakin. Muka naman akong Prinsesa ah.
Sus! Sinong may sabi?
Napaka supportive mo talaga friend! Wag muna kasing pangarapin!
Malay mo may namumuong love sakanila ni Headmistress? Anong laban mo sakanya?
Hayy. Masyado mo naman akong dinadown eh.
Kyaaahhh! Kinindatan ako ni Prince ZACH!
LIKE OMG! GWAPOOO. NAHULOG NA ATA ANG PUSO KOOO! KYAAHHH!
INGAY! PERO TALAGANG GWAPO NIYA!
HELLO PRINCE! I LOVE YOUUU!
GWAPO!
PRINCE ZACH OH! PLEASE! MARRY ME!
Narindi naman ako sa mga fangirls ni Zach. Over masyado eh. Sakit sa tenga. Parang mga nakalunok ng megaphone. Nakita ko namang ngumiti ang katabi ko at may paglapat pa ng hintuturo sa labi niya. Natahimik naman yung mga babae niya. Hmp!
"ayoko talaga maging machix. Tsk."aniya. Habang papaliko na kami. Sa next building kasi doon yung klase namin. Remember?
"sus. May pakindat kindat kapa nga."tudyo ko dito. Painosente naman siya. May pagkamot pa sa ulo na parang tinatablan ng hiya.
"para kayong couple na nag aasaran."sabi ni Aia. Nakasalubong kasi namin sila. Kasama sila Seo.
"Akala ko ba nauna na kayo." pag iiba ko ng usapan. Umiling naman sila.
"Ayiee. May namumuong pag ibig."tudyo ni Seo habang sinisiko siya ni Melody. Inirapan ko lang sila sa sinabi nila.
"tss. Tigilan niyo ko. Di ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay niyo sa harap ng madlang tao na nandito."tinaas naman nila ang kamay nila bilang pagsuko. Parang mga kriminal na nahuli ng pulis na may ginagawang krimen. Sabay zipper ng bibig.
Binalita nila samin na walang prof. Kaya balak sana nila kaming puntahan. Tumango lang ako. Saka kami dumiretso sa cafeteria kung nasaan ang iba pa naming kasama. Umorder naman na si Zach ng pagkain namin kaya naupo nako sa tabi nila. Nagkukuwentuhan sila nang dumating kami doon.
Noong una di ko sila close. Sadyang kailangan ko lang makasundo ang mga lider ng gang. Dahil ako ang nasa tuktok ng pyramid. Nahirapan pa akong pasunurin sila noong una. Dahil ang titigas ng mga bungo. Kaya nagkaroon pa ng matinding laban sa pagitan naming lahat. Ako laban sa apat na gang. I won. Kahit na halos mapatay ko na silang lahat. Habang di sila nakatama kahit daplis man lang. Malakas sila. Kahit ilaban mo sila sa mga reapers, spy, o ibang malalakas na gangsters sa underground society. Hindi sila basta basta mapapatumba. Sadyang mas bihasa lang ako sa pakikipaglaban. Dahil doon ako nabuhay. Sa impyerno. Naliligo sa mga patalim, bomba, baril, usok, at madalas akong busugin ng iba't ibang uri ng lason.
I sighed. Habang pinapanood sila Zach at ang iba na kumakain at nagtatawanan. Nagsimula akong magtipa sa cellphone ko ng mga codes at kung ano ano pa. Naisipan kong magsoundtrip nalang dahil nabobored ako. I feel out of place.
Nang maisalpak ko na sa tenga ko ang earphones saka naman nahagip ng mata ko si transferee. Naglalakad siya papunta sa likod ng abandonadong building.
I felt the urged to follow him. Bago pa man ako makatayo at makalakad paalis ay may kamay ng pumigil sakin.
"where are you going, Real?"I just shrugged my shoulder. Tinanggal niya naman iyon. Napalingon sakin si Gon na para bang nagtatanong ang mata pero pinili kong wag kumibo. Naglakad na ako palayo para sundan si Transferee. Hinayaan lang nila ko. At hindi na sumunod pa..Sinabi ko na rin naman na mamaya nalang ako kakain. Nakarating ako sa abandonadong building.
Asan na yun? Ang dilim pa naman dito. Badtrip. Hindi naman sa takot ako sa dilim. I'm not. Darkness is my body.
Because I,myself is hell. My soul is underworld. My body is darkness.
"what are you doing here?"isang malamig na baritonong boses ang umalingawngaw sa buong palapag. Halos mag echo ang boses niya sa bawat sulok ng gusali.
Kung ang iba siguro ay kakabahan o matatakot sa boses niya pag narinig sa ganoong tono. Pero I'm an exception.
"I ask you."may pagbabanta sa tono ng pananalita niya. I rolled my eyes kahit alam kong di niya makikita. May ilang butas ang gusali kaya nasisinagan ng konting liwanag ang kabuuan niya. He's really that tall. Napakurap naman ako doon.
"are you enjoying the view?"his lips form a small smirked. Doon ko lang nakuhang umimik.
"Thick-Faced."I said habang naka cross arms.
"Really? But this thick face is what I saw in your eyes. Even if, your face is full of unreadful emotions."aniya sa mapang asar na boses. Bakit ba pakiramdam ko ay nakikita niya ang kaluluwa ko? Geez.
"then what?"hamon ko sakanya. Lumawak ang ngisi niya.
"nagagwapuhan ka sa'kin."mahina siyang humalakhak. And it's get me pissed even more.
"Thick face you,jerk!"I hissed. Tinaas naman niya ang kamay niya na para bang kriminal na nahuli sa akto.
"Easy. Don't be too defensive."tinaasan ko lang siya ng kilay. At nagbabalak nakong umalis ng mabilis siyang humarang sa daraanan ko.
"Since, you're here even if I have the guts that you are following me. You already followed me, right? now Stay."mahabang litanya niya. Naguguluhan akong tinitigan siya sa mata. What the fuckin' hell? Is his damn problem?!
"don't stare at me like that."naiiling niyang sabi. I gave him my death evilish glare.
"Wala akong ibang gagawin sayo gusto ko lang ng makakasama at pakikinggan ako."paliwanag naman niya. Sa wakas t nagtagalog din. Bihira siyang magtagalog ah? Like me?
Gaya gaya.
Hinawakan niya ko sa kamay at iginaya sa pinaka dulong bahagi ng gusali merong lampshade doon. At may isang song book. Saka gitara. I stared at him blankly. Don't tell me?
"pakinggan mo lang ako."naglatag siya ng dyaryo sa lapag saka pinatungan ng panyo bago niya tinapik iyon at bumaling sakin.
"sit."utos niya. Napairap nalang ako. Bossy.
Naupo ako at ganoon din ang ginawa niya bago siya naupo at hinawakan ang gitara.
Nagsimula siyang kumanta. At kalabitin ang gitara.
Kinanta naman niya ang kanta ni Hershey na I always think of you. Napakinggan ko na rin iyon noon.
" When we always spend the time
Together
I always want to hold your
Hands
Stare at you and think about
What kind of future came upon us?
Is this a fate or a dream? That will
Never be come true
Or we are meant to be?
I don’t care what will
Happen next
I swear to you
My love for you will never
Fades.."malamig ang boses niya habang nakanta. At napakagaling niya.
Bakit may pakiramdam ako na parang huminto ang paghinga ko saka ang pagtibok ng puso ko ng kumanta siya ilang segundo bago bumilis.
Napatitig lang ako sakanya. Habang ang malamig at presko niyang boses ay kumalat sa bawat sulok ng palapag. He had the guts, the talent and the looks.
Kung kanina nakayuko pa siya ngayon sakin na siya nakatingin.
I frozed.
"Every night, I
Dreamt of you
We are happy together like
We are now
I think about how lucky
I am to have you with me
You’re my destiny, I will
Always be happy
When im thinking of you
You’re my happiness,
My dream, and also
My forever.." nakakadala ang guwapo nitong boses.
Habang tumatagal parang inaantok ako. Sa sobrang lambing ng boses niya nakakadala. Para ang ang lungkot niya..at sa mismong kanta niya nilalabas lahat.
"Chorus:
Everyday, I always think of you
Wish that we’re always
Be together
Forever and never leave
Each other
Holding our promises,
That we will keep together
My strong feelings for you
Will never fades
Everyday, I always smiling
Because of you
Everynight, I always think of you
Every minutes, I always love you
In every breathe I takes
I promise to give you happiness
Coz you’re my everything
In every heartbreaks, problems
You give me strength so I stand strong
And never give up everything
I always think of you
I always be
I always love you
I always miss you
I care for you
I always think of you
Thinking of you.."akala ko si Justine na ng Boy Next Door na kilala ngayong Boy Next Door Shadow Knights leader ang may pinaka cool na boses. Diko akalaing babagayan din siya nito. Si Hershey ang nagcompose noon at kinanta iyon ng lider ng Bandang BNDSK.
"Bridge:
Hey, baby
Do you know how I attached to you?
I will always do
Im thinking of you
The way you look at me
The way you care, and smiled at me
Let’s rock it on, baby
Don’t go, please
Stay with me
For the rest of my life
I love you,
I really do
(Repeat Chorus 2x).."ang angas ng boses niya at bagay sakanya ang tono ng kanta. Magaling rin siyang mag gitara. Talentado din pala ito bukod sa matalino at mayaman.
Bahagya siyang ngumiti. At pakiramdam ko may kung anong nagwawala sa tiyan ko sa ngiting 'yon.
Hanggang sa dalawin ako ng antok at tuluyang makatulog.
Ni hindi ko na nga alam paano ko nakalabas ng gusali. At nandito ako sa loob ng room. Geez. Is that a dream? Takang tanong ko sa aking sarili. Tila panaginip kasi ang lahat. Pero parang totoo. Napansin ko namang unti unti ng nagdadatingan ang mga kaklase ko at wala doon ang transferee. I sighed. Saka nag ayos ng sarili. Nagsimula na ulit ang klase namin.
Nagfocus lang ako sa klase at iwinaksi iyon sa aking isipan. I want to learn a lot saka gusto ko ang pinag aaralan namin ngayon It's about weapons at how to use it expertly.