“TATAY NA tatay tayo, ah,” bati sa kanya ni RGL. Imbitado sila ng batang mayor sa blessing ng nabiling farmhouse nito sa San Clemente. Firm nila ang humawak ng renovation niyon. At siyempre pa ay hindi niya palalampasin iyon na hindi niya kasama ang mag-ina niya. “Bless ka sa ninong-to-be mo,” sabi niya kay Baby Travi na wala pa namang gaanong kamalayan sa sinasabi niya. Magda-dalawang buwan pa lang ang sanggol. At isa ang bihirang pagtatakataon na iyon na isinasama niya itong lumabas. Kung siya lang ang masusunod ay isasama niya ito palagi, kasama si Honey, siyempre pa. Pero hindi naman uubra lalo at karaniwan ay hard hat area ang pinupuntahan niya. “d**k!” bati din sa kanya ni Rosh na nakasunod din sa kuya nito. “Mabuti maagaw kayong nakarating. Nasan si misis? Hello, cutie little

