BAHAGYA lang nakabawas sa lungkot ni d**k ang nakitang ayos ng burol ng anak nila ni Daisy. Mas lamang ang balloon arrangement kesa sa mga bulaklak na halos pumuno sa malaking sala ng mga Esquivel. Bukod sa mga lobo ay may mga stuffed toys ding naka-display sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Kung hindi nga lang niya alam na nakaburol doon ang anak niya ay iisipin niyang para sa isang birthday party ang gayak ng bahay. Dumiretso siya ng hakbang sa kulay rosas na munting kabaong na kinahihimlayan ng anak niya. Sa likod niya ay ang mama at papa niya at mga kapatid na sina Reyanne at Rani. Ang dalawa pa niyang kapatid na sina Reina at Ruth ang nag-volunteer na nagpaiwan para samahan si Honey na nasa ospital pa rin. “Reyanne, ikaw nga ang kamukha niya. Look.” Narinig niyang sinabi ni Rani. “Apo

