“HONEY, PLEASE. Don’t make this harder for me,” pakiusap ni d**k sa asawa. Iyak ito nang iyak. Pero kahit na anong iyak pa ang gawin nito hindi uubrang isama niya ito gustuhin man niya. Ni hindi niya alam kung saan ang ospital na tinutukoy ni Flint na pinagdalhan sa mag-ina niya. Mag-ina mo. Paulit-ulit sa utak niya ang salitang iyon ni Flint. Hindi na nga halos rumehistro sa isip niya ang iba pang sinabi nito kaya mahigpit ang bilin niyang i-text sa kanya ang kumpletong address ng ospital kung saan kailangan niyang sumunod. Mula sa bintana ng kwarto nila ay natanaw niya ang sasakyan ng mga magulang niya na tumapat sa gate nila. Pinindot niya ang isang remote control para pagbuksan ang mga ito at saka binalikan ang asawa. “Hon, sasamahan ka muna dito ni Mama, okay. Please don’t think

