Part 15

1542 Words

“RUTH, dala mo ba iyong pang-BP mo? Kunin mo nga kung nasa kotse,” sabi ni Raquel sa hipag niya habang ikinikiling-kiling ang leeg. “Parang sumakit ang batok ko sa usapan nating ito, hija,” baling nito sa kanya nang lumabas ng kuwarto si Ruth. “Pasensya na, Mama. Ayoko pa sanang sabihin pero punong-puno na ang dibdib ko. Kailangan ko rin na mailabas ito.” “I appreciate it, Honey. Malalaman ko din naman ito. Hindi pupuwedeng may nangyayaring ganito at hindi namin alam. Susmarya! Ilang buwan ninyo na itong itinatago sa amin.” Magkahalo ang dismaya at gulat sa tono nito. “H-hindi rin madali sa akin, Mama. Hindi ko alam kung maiintindihan mo ang nararamdaman ko. Kasi minsan, parang ako mismo naiinis na rin sa feelings ko. Lalong-lalo na ngayon. Kailangan niyang puntahan si Daisy. Emergency

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD