HALOS MAGDIKIT ang mga kilay ni d**k nang makita ang itsura ni Flint nang salubungin sila nito sa lobby ng ospital. May benda ang isang braso nito. “Anong nangyari?” tanong niya agad. “Bakit ang dami mong dugo?” tukoy niya sa suot nitong may mantsa ng dugo. Kung kinakabahan siya sa buong biyahe nila, mas lalo nang matindi ang kabang nasa dibdib niya ngayon. “Si Daisy at ang anak ko? Anong nangyari sa kanila?” “Naaksidente kami on our way here. Nasa OR sila, kasalukuyang inooperahan.” “No!” Parang sasabog ang ulo niya sa narinig. “s**t! Gaano na sila katagal doon? Flint, humigit-kumulang na apat na oras kaming nagbibiyahe. Until now, nasa OR sila? Ni wala kang sinabi sa akin tungkol diyan nang tawagan mo ako.” “Wala pang isang oras buhat nang ipasok sila sa OR,” maikling sagot nito. “d

