“Hindi ko alam kung kaya mong isipin ang torture na nararamdaman ko habang hawak ko ang kamay ni Daisy at iyak siya nang iyak. Umiiyak din ako dahil wala akong magawa. I felt so helpless. Parang wala akong kuwenta. Kung kaya ko lang na ipalit ang sarili ko sa kalagayan niya hanggang sa mga oras na ito, ginawa ko na,” mababa ang tinig ni Flint. Sa tono nito ay halatang sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari. “Kailan mo ako naisip na tawagan? Habang alanganin ang buhay nila at namemeligrong mahulog sila sa bangin?” matalim na tanong niya. “Sa puntong iyon, nasabi mong mag-ina ko sila? Mag-ina ko sila talaga. Totoo iyon sa paniniwala ko. Hindi ko man napakasalan si Daisy, para sa akin ay mag-ina ko pa rin sila. Pero hindi ba’t halos makipag-agawan ka sa akin para angkinin sila?” Hindi nat

