Stacy's POV
"Okay, class! before you go out, I need you to pass your reflection paper, Now." maawtoridad na sambit ng aming professor.
Napabuntong hininga na lamang ako sa narinig kasabay ng pagpasa ko ng bondpaper kung nasaan ang reflection paper na hinihingi niya.
Matapos iyon ay napangiti ako habang nakatitig sa kaniya.
Dahan-dahan akong tumayo, kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit niya, lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan ko siyang niyakap. ramdam kong natigilan siya at kasunod no'n ay,
"Oh,god! Stacy! bitiwan mo nga ako! kilabutan ka sa mga pinaggagagawa mo!" diring-diri niyang sambit, hindi ko napigilan ang matawa sa naging reaksiyon niya. pfft!! ang epic haha!
Ngiting-ngiti akong bumitiw,"Ito naman, kala mong luging-lugi!" nakanguso kong sambit.
And here he goes again, mataray siyang umikot at hinarap ako, naweywang siya saglit habang mataray na nakatitig sa akin, kasunod niyon ay ang paghalukipkip niya sa harapan ko.
"Maganda ka naman, pero nah! you're just not my type no! Likil ang type ko at hindi kipay!" pairap niyang sambit.
Napatawa ako ng malakas, and yes! he's gay and he's my childhood friend s***h my one and only best friend.
"Lumarga ka na at baka magkandaugaga kana naman sa pagpasok mo sa trabaho mo," sambit niya.
Natauhan ako, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay ang pagtakbo ko ng mabilis.
"Shems! Oo nga pala, I forgot!" sambit ko kasabay ng mabilis kong pagtampal sa aking noo, kasabay niyon ay ang pagdampot ko ng bag na nasa inupuan ko kanina.
"Gotta go, Mi!"paalam ko sa kaniya ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinagkan ko siya sa kaniyang sintido.
Napatawa ako kasabay ng mabilisan kong pagtakbo.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng marinig ko ang matinis niyang boses, malakas siyang sumigaw.
"Stacy Kaye Smith! You're really! Arrghhh!" pikon niyang sambit.
Napatawa na lamang ako kasabay ng mabilisan kong pagtakbo. Pfft! He's really annoyed.
__________
Mabilis akong nakarating sa pinagtatrabahuhan ko, isa itong sikat na bar. Malaki kasi ang sweldo at ito lang din ang sakto sa schedule na meron ako.
Graduating na din kase ako, pangarap kong maging isang sikat na pintor. Kaya naman pag dating sa pag-aaral ko, sensitive ako.
"Stacy, what are you still doing here?" mataray na tanong ng aking boss. Tsk, kung hindi ko lang kailangan ng pera pang-aral, hindi ako magtatiyaga dito.
“Opo, kikilos na po.” iyon na lamang ang aking sinambit kaysa mapunta pa sa mahabang usapan.
Nilampasan ko siya at naglakad papunta sa Bar counter, sandali akong napatitig sa paligid ko. Wala namant problema sa naghahalo ng drinks, kaya I think kulang ang waitress.
Kaya naman dali-dali kong kinuha ang pagkain at isang bucket ng alak na nasa gilid.
“Stacy, sa itaas 'yan. Sa VIP room number 3.” sambit ni Sam na kasalukuyang nagmi-mix ng drinks.
Ngumiti ako at saka tumango, “Sige, salamat.”
“Be careful, they're aggressive. Kanina pa silang umaga narito.” habol niyang sambit.
Kaya naman napatigil ako sa akmang paglakad ko palayo at napatitig sa kaniya. “Anong ibig mong sabihin?”pagtatanong ko.
“Kanina kase si Janice...” she then trailed off.
Napakunot ang noo ko, bakit hindi niya ituloy?
“What about her?” curious kong tanong.
“A-Ah wala...” nanginginig ang boses niyang sambit.
Mas lalo akong naguluhan, nasagot ang tanong ko ng makita ko sa gilid ko si Madam na nakataas ang kilay sa amin, na para bang sinasabi ng mga titig niya, 'one more word and I'll kick you out of here.'
Nagkibit balikat na lamang ako, hindi naman ako mahilig mangisali at mangielam sa paligid ko. As long as nagagampanan ko ng maayos ang trabaho ko.
Mabilis akong umalis at naglakad papunta sa VIP room, sandali akong kumatok.
May nagbukas naman kaya malaya akong nakapasok sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang masangsang na amoy ng alak, pwe! nakakasuka, hindi ko alam kung anong nagustuhan nila sa mapait na lasa ng alak?
Bukod sa gastos, hindi naman worth it.
Napabuntong hininga ako habang naglalagay ng alak sa table nila, hindi na ako nag abalang tumingin isa-isa sa kanila. What for? Nandito lang naman ako para mag-serve ng inumin nila.
Nang matapos ako ay mabilis rin akong tumayo at naglakad paalis, ngunit hindi pa ako nakakalayo ng may bigla akong naramdaman na parang may dumaan sa aking harapan.
Nahigit ko ang aking pag hinga ng marinig ko ang pagkabasag ng bote sa aking gilid.
Nanlalaki ang mga mata kong napatulala, kasabay ng dahan-dahan kong paglingon sa aking kanan, at doon ay nakita ko ang basag na bote.
Napaawang ang labi ko sa gulat habang dahan-dahan akong napalingon sa aking kaliwa.
And there, I saw men drunk. Mabilis akong pinagpawisan ng malamig sa kaba.
Lasing na sila kaya hindi na nila alam ang ginagawa nila, malalim akong huminga at pilit na inalis ang atensiyon sa kanila.
Akmang maglalakad na ako palayo ngunit,
“Hey, watch out!” isang sigaw ng isang tinig mula sa aking likuran. Dahil sa pagsigaw niya ay napalingon ako sa aking likuran ngunit nakita ko ang palipad na isang bote papunta sa akin, imbis na umiwas ay natuod ako sa aking kinatatayuan.
But even before that bottle hit me, somebody pulled me,
“Oh!” gulat kong sambit.
Napayakap ako ng wala sa oras sa isang estranghero dahil sa pagkakahila niya sa akin ng malakas.
Namalayan ko na lang na tumama ang bote doon sa pader, gaya ng kanina.
“Para saan iyon?” hysterical kong tanong.
Potek! Sino bang hindi maghi-hysterical sa gano'ng situwasyon?
“They're just drunk, humarang ka kase sa binabatuhan nila, they don't give a s**t if may tao ba o wala, basta babato sila ng bote sa pader na iyan.”paliwanag ng isang estranghero sa akin.
Sandali akong tumitig sa itinuro niya, ang dami na ngang basag na bote.
I snapped that thought at dali-daling naglakad palabas, without even knowing na naiwanan ko 'yung tray.
Saka ko lang napagtanto ng tuluyan akong makalabas, pakening s**t.
“Bakit ba ang tang mo, Stacy?” bulong ko sa aking sarili.
“pfftt....” someone laugh behind my back.
Kaya naman dali-dali akong napalingon sa aking likuran and there I saw that man who pulled me.
Kusang tumaas ang kilay ko, mabilis niyang itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya sa pulis.
“Relax, I just wanna hand this thing to you, I think you forgot this.” sambit niya kasabay ng pag-abot niya sa akin ng tray.
He was right. Kaya naman sandali akong kumalma. Tahimik kong kinuha ang tray, akala ko okay na ngunit nagulat ako ng bigla niya ulit akong hilahin palapit sa kaniya.
“What--”
“Don't I deserve a thank you, woman?” mahina niyang bulong sa aking tainga.
And suddenly, for unknown reason. That tickles me. Oh gosh, what's happening to me? I don't even know this guy.
Sandali akong napalunok ng sarili kong laway.
Tumingala ako, and there I realized how handsome this man is. Oh god, magkakasala lamang ako. Oh tukso, layuan mo ako!
“T-Thank you...” uutal-utal kong sambit kasabay ng dahan-dahan kong pagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin.
He smirked at me, “I don't want your thank you.” he then said. Kusang kumunot ang noo ko.
Ngunit hindi ko nagawang makapagsalita ng hilahin niya ako papunta a gitna ng dancefloor.
Ay potek! Don't tell me...
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makumpirma kong tama ang aking iniisip.
“This will do,” he then said.
Hindi ko nagawang umangal pa sa sobrang bilis ng pangyayari, isa pa. Pogi be, ano 'ko? Santo? Sino bang aayaw sa sayaw ng isang guwapo?
But he's a little rude ha, he didn't even know me tapos hindi niya man lang hiningi ang permiso ko.
Saktong naging malamyos ang kanta, hindi na ako umangal pa, kung ito 'yung gusto niyang maging kapalit ng pagliligtas niya sa akin, pagbibigyan ko siya. After all, it's just a dance.
Hindi na ako nagsalita pa, ngunit napatitig ako sa kaniya. Green eyes...
Sa benteng taon kong namuhay sa mundo, ngayon lamang ako nakakita ng kulay berde ang mata.
Grabe, ang ganda talaga... Alam mo 'yung mata niyang nang aakit, na para bang inaakit ka ka tumitig ka lang sa mga mata niya, malulunod ka sa kawalan.
“Beautiful, isn't?” bigla niyang pagtatanong kaya naman ay mabilis akong nabalik sa wisyo.
“A-Ah...”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng ngumiti siya bigla kaya naman napatulala ako.
“You're cute, next time. Watch out, mag iingat ka. Sayang ang clear skin ng mukha mo kung hahayaan mong may dumaplis jan.”
Nakatulala lamang ako sa kaniya, it's like I was enchanted with him.
Muli siyang natawa, kasabay ng pagtapos ng kanta ay yumukod siya at dahan-dahan na kinuha ang kamay ko, dahan-dahan niya iyong hinalikan.
Yung isang kamay ko kase hawak 'yung tray.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero namalayan ko na lang na nakatulala ako sa kaniya.
“It's my pleasure to meet a lady like you.” he gently said.
Kasabay niyon ang pag-iwan niya sa akin sa gitna ng dance floor habang ako ay nakatulala habang nakatitig sa anino niyang papalayo.
And I was like,
“What just happened?” I couldn't help but to asked that to myself.
“Stacy! Anong ginagawa mo riyan?! Tokneneng ka! Magtrabaho ka! Hindi ko sinabi na sumayaw ka riyan sa gitna!” malakas na sigaw ni Madam ang gumising sa akin sa katotohanan.
Kaya naman halos hindi ako magkanda ugaga sa pagkilos, mabilis pa sa alas-kuwatro akong naglakad palapit sa Bar counter.
Halos matumba pa ako, potek nanghihina ang tuhod ko.
“What was that?” Janice asked me as soon as I arrived.
“Huh?” lutang kong sambit.
Napailing na lamang siya. Habang ako naman ay mariing napapikit kasabay ng pag-iling ko ng sunod-sunod to make sense on my brain.
I was bewitched by his handsome face. I couldn't even stop him, what the hell just happened? Gosh. Stacy, sign na siguro ito to take a break!
“Move, move, move!”
Muli akong nabalik sa wisyo at saka mabilis ka kumilos at bumalik sa trabaho.
To be continued...
K.Y.