Stacy's POV
"Oh!" Impit kong ungol ng bigla niya akong itulak pahiga sa kama. Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat ng bigla niya akong itulak.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng bigla ay lumuhod siya sa harapan ko.
Mabilis niyang hinawakan ang binti ko at hinili palapit sa kaniya. Nahigit ko ang paghinga ko ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin.
He then started to kiss me, and I was like, 'What the f**k he just did?' and I can't even say no, nor push him away. Why? I f*****g like his kisses.
I was about to respond to his kisses when I heard my mom's voice.
"Aba't! STACY KAYE SMITH!! Wala ka bang balak pumasok na babaita ka!?" malakas niyang sigaw na alam kong u-mecho sa apat na sulok ng aking silid.
Kaya naman kahit gaano ko pa kagusto na ituloy ang pangarap ko na halikan pabalik ang lalaking pinapangarap ko ay mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga. Inis akong napanguso habang nakapikit, pilit na binabalik ang sarili sa isang masarap na panaginip.
Pupungay-pungay ang mga mata kong napaupo sa aking kinahihigaan habang kakamot-kamot sa ulo. Wala sa wisyo akong napatingin sa side clock na nasa gilid ko.
At gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong quarter to six na ng umaga.
"s**t!" hindi ko napigilang mapamura ng malutong sa gulat. mabilis akong napatayo nang matitigan ko ang side clock.
At sa kinamalas-malasan ko pa na saktong nakatayo si mama sa pintuan ng aking silid. pakening s**t, I'm in double trouble now.
Bahagya akong kinilabutan sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni mama, natitigan ko ang itsura niya na nakataas ang kamay habang hawak-hawak ang sandok na palagi niyang ginagamit sa pagluluto.
'Uh-oh!'
'Run, as fast as you can, Stacy.'
My mind warned me and I was dumb for not listening.
"Aba't ikaw na bata ka! Diba at sinabi ko na sa iyo na huwag kang magmumura!!" sigaw ni mama habang mabilis na tumakbo palapit sa akin.
Nakahanda na ang sandok niya para paluin ako ng mabilis akong nakaiwas.
"Pakening s**t!" hindi ko napigilang sigaw.
Para akong naging si flash sa naging mabilisan kong pagkilos, nabuhay ang natutulog kong lakas at mabilis na tumakbo palabas ng silid ng bigla akong mapatigil ng mahawakan ni mama ang dulo ng buhok ko.
"Maaaaaa! mali-late na ako!" maktol kong saad kasabay ng pagpadyak ko sa aking paa. Mabilis siyang napatigil at masamang tumitig sa akin, gigil siyang nakatitig sa akin, alam mo 'yung itsura niyang gusto niya akong iprito.
"Aba't kasalanan ko pa?! kanina pa kita ginigising na bata ka!" muli ay malakas niyang sigaw.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang tumakbo ng mabilis palayo sa kaniya, walang lingon likod akong tumakbo papunta ng aming banyo.
Mabilis kong ini-lock ang pintuan at hingal na napasandal sa likuran niyon. Habol ang hininga ko habang nakatitig sa kawalan.
Sandali akong natigilan ng marinig kong muli ang malakas na sigaw ng aking ina.
"STACYYYYYYYYY!!" halos mabasag ang eardrum ko sa sobra lakas ng boses ni mama.
__
"Manong para po!" taranta kong sigaw dahilan para magitla ang driver ng jeep at mabilis na natapakan ang break ng sasakyan, tuloy ay halos madaganan ng mga nasa harap ang nasa dulo, hindi ko alam kung tatawa ba ako or what pero isa lang ang alam ko, kailangan ko ng magmadali at late na akong kinse minutos.
"Ineng, hinaan mo naman ang boses mo--" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si manong at mabilis na akong tumalon pababa ng jeep, wala akong sinayang na sandali at mabilis na tinakbo ang layo ng gate ng school namin mula sa main road.
"Excuse me, excuse me po!" sunod-sunod kong sigaw sa mga estudyanteng nagkalat sa daan, hndi naman kase pare-pareho ang class hours dito sa College department, kaya napapa sana all na lang ako sa ibang department na medyo tanghali ang pasok, Art's and Design is different, kailangan na lagi kaming maaga.
Nakaramdam ako ng matinding pagod kaya naman sandali akong tumigil at mabilis na napahawak sa magkabila kong tuhod, hinihingal na rin ako ngunit ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang aming building ay nabuhayan ako ng loob.
'Kaya mo yan, Stacy!'
Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang mga hawak ko, kasabay ng mabilis kong pagtakbo muli.
___
Third Person's POV
"For today's output, everyone, since we are on department of art, specially in painting, i want to see all of if all of you improved, I need you to paint me something that describes your life, right now." taas noong paliwanang ng kanilang professor.
Someone raised hands, "Ms, What do you mean? can you please elaborate it to us?" a man asked behind.
"Mr. Santiago, I'm not finished yet," nakataas ang kilay na saad ng professor.
Kaya naman bukod sa natameme ang isang lalaki, lahat sila ay natahimik sa paraan ng pagkakasalita nito.
"As we proceed to what I'm saying, You can paint whatever you want to paint, since all of you were graduating, I only want to see how far you can do, how imaginative you are, how skilled you are. So I'm giving you a week to finish this task, after that? you're free to do whatever you want."
Ang kaninang tahimik ay nagsimulang mag ingay, saktuhan naman na tumigil sa harapan ang isang dalaga, hingal na hingal ito habang nakahamba sa pintuan. mabilis na napataas ang kilay ng professor sa nakita.
She's already late, saglit na tumingin ang professor sa kaniyang relos na nasa bisig niya at nakitang late nga ito ng bente minuto, ngunit nang makilala niya kung sino ito ay nawala ang pagkasungit sa kaniya.
It was none other Stacy, bukod sa ito ang pinakapaborito niyang estudyante ay ito rin ang pinakamagaling na pintor sa batch na ito, rather siya ang pinakamagaling na estudyante sa lahat ng naging estudyante niya.
"Ms. Smith, come inside or you want to stand there until our class is over?" mataray niyang pagtatanong.
Sandaling napatulala ang dalaga ngunit ng mapagtanto ang kaniyang sinabi ay mabilis siyang pumasok at umupo sa kaniyang upuan.
Hinihingal siya, kaya naman napapikit siya ng kaniyang mata, sa ganitong estado ay baka ma-dehydrate siya. kailangan niya ng tubig.
Kaya naman ay mabilis siyang nagdilat ng mata ngunit bahagyang nagulat siya ng may makita siyang tumblr sa table niya, mabilis niyang nilingon ang katabi niya ngunit nagmamaang maangan ito habang kunwari na nakikinig sa kanilang professor.
Sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang labi, kasabay ng mahina niyang paghampas sa katabi, it's obvious it was from him. Ang nag-iisang lalaki sa buhay niya.
To be Continued...
K.Y.