Chapter 8: Fall

2118 Words
Stacy's POV “Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak? Wala ka bang nakalimutan ilagay? Wala ka bang naiwanan?” sunod-sunod na pagtatanong ni mama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, kase kanina pa siya at paulit-ulit, napailing na lamang ako. “Ma...” I trailed off as I stared at her, she's looking at me straight into my eyes, kasabay ng pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata. Yes, my mom is so crybaby, especially when it comes to things like this, she can't handle her own emotions. Napapaiyak talaga siya. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang umalpas sa kaniyang mga mata. “Ma... Ayos lang ako,” sambit ko. Habang nakatitig sa kaniyang mga mata ay kitang-kita ko kung gaano siya ka proud sa'kin, her eyes telling it all. She's crying out of joy, her eyes telling that, 'I'm so proud of you,'. Kaya naman ay wala sa sariling napangiti ako. “Anak... Mag-iingat ka roon, okay?” malumanay niyang sambit. Sunod-sunod naman akong napatango, ramdam ko ang pagmamahal at 'yung care niya sa akin, it was all genuine. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit, Mom... I did it, makakapagtapos ako ng dahil sa sikap at pagtatyaga ko noon, sa pagtitiis ko, sa pagtitiwala ko sa sarili ko, congrats self, we deserve this. Salamat at nagtiwala ka sa sarili mo, four years ago... Hindi ko napigilan ang mapaluha habang yakap-yakap ko si mama, no one can ever love me the way she did. She loves me more than anything. Kahit na madalas ay bungangera si mama, well, normal naman 'yon, ngunit hindi ko maitatanggi na naging best mother si mama sa aming magkapatid. “Ate...” Speaking of, Mabilis akong bumitaw kay mama kasabay ng pagharap ko sa aking kapatid, high school na siya, at kung hindi ako nagkakamali ay nasa grade nine na siya. “Ryxsz,” Mabilis siyang tumakbo sa akin kasabay ng pagyakap niya rin. Itong batang 'to, hindi kami magkasundo sa maraming bagay, madalas kontra kami sa isa't-isa pero alam kong mahal niya ako at mahal ko siya. “Bakit ba umaakto kayo na hindi na ako babalik? Come on! guys, isang linggo lang akong mag stay sa yacht.” natatawa kong sambit. Sinabi ko 'yon para gumaan ang atmosphere, masiyado kaseng mabigat, ayokong umalis ng ganito. “Mamimiss ka namin ate, wala akong kaaway sa loob ng isang linggo...” “Aba't...” Napuno ng tawanan ang aking silid, maging ako ay napatawa. “Wala na rin kaaway si mama tuwing umaga dahil sa pagiging tulog mantika mo.” “Lah?” kunwari ay pikong kong saad. Muli ay napatawa kaming lahat, mabilis na isinara ni mama ang maleta na nasa kama ko. “Lakad na, lumarga ka na, malapit ka nang ma-late. Mag iingat ka doon, Stacy, dagat ang iyong paroroonan, walang kasiguraduhan ang kaligtasan mo--” “Ma naman...” “Nagsasabi lang ako ng totoo, at huwag kakalimutan na mag-iingat sa mga lalaki, naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Stacy Kaye Smith?”striktong pahayag ni mama. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang napakagat-labi na lamang. Mama kung alam mo lang... Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabe, kasama ko lalaki... Si Dos, we've enjoy our company. Though, madalas din kaming magtalo, pero masasabi ko na unti-unting napapalagay ang aking loob kasama siya. Naroon pa din 'yung takot, pero anong magagawa ko? Nararamdaman ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya and that feeling na I don't want to stop myself either... I wanted myself to enjoy a little and be happy, I think I deserved that at least... “Stacy!” “Ay Stacy!” gulat kong sambit. Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang pagsigaw ni mama. “Ma!” “Nag-i space out ka, kanina pa kita tinatawag, sabi ko umalis ka na, anong oras na. Akala mo naman hihintayin ka ng Barko, tanga iiwanan ka no'n.” sermon ng aking ina. Napakamot na lamang ako sa aking batok. “Tsk...” sambit ko kasabay ng paghawak ko sa maleta, sandali pa akong napatigil sa paglalakad ng may bigla akong maalala. “Be earlier, hindi kayo hihintayin ng Barko, sorry not sorry, but let me inform you na kung sino lang ang nasa barko ang magiging officially graduated, nagkakaintindihan ba tayo?” Malakas akong napasinghap ng sumagi iyon sa aking isipan, naalala ko ang huling sinambit ng aming professor. “Oh Gosh! Ma! Kailangan ko ng umalis, babush!” nagmamadali kong sambit. 's**t lang! Sa dami ng kakalimutan mo, Stacy! Gaga ka! Bakit 'yong pinakaimportante pa!' sermon ko sa aking sarili. Wala akong sinayang na segundo at mabilis na tumakbo palabas. 'Sana maka abot ako!!!' _______________ Dos's POV “Bro, kanina ka pa nakatitig riyan sa labas, may hinihintay ka ba?” Nabalik ako sa tamang wisyo ng marinig ko ang tinig ni Aaron sa aking harapan. “Huh?” lutang kong sambit. Napatitig siya sa akin kasabay ng pagngit niya ng nakakaasar kasabay ng pag-iling niya. “Tsk, tsk, tsk... This is not good, are you that into woman?” nakangisi niya pang tanong. “What do you mean?” “Come on, Bro, I think you know yourself better than anyone else...” Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya, “Get straight to the f*****g point, dipshit.” inis kong sambit. Malakas siyang napatawa na wari mo ay nang-aasar. “Nevermind, Bro... Gawin mo nalang gusto mo.” nakangisi niya pang sambit. Hindi ko siya maintindihan, parang tanga. Tsk, napaismid na lamang ako sa sinambit niya. Bahala siya jan. Hinihintay ko kase si Stacy, tulog mantika pa naman 'yon, mamaya hindi siya makaabot, na'ko, mahihirapan siyang mag-asikaso ng requirements niya. I know for sure how this school works 'cause my grandfather owns it. Napakastrikto ng paaralang ito, kaya nga dito rin ako pinag-aral ng aking magulang para madisiplina ako, well, no school and no one can make me discipline myself. Hindi ako mapakali, kanina pa ako hindi mapakali, hindi ko rin maintindihan kung bakit iniintindi ko pa si Stacy, where in fact, I shouldn't care about her. Don't get me wrong, we had a good time together yesterday night, but I don't want to get close with her. That close, I mean. I don't want her to get hurt, I know my fuckin' self, kaya ngayon pa lang titigilan ko ma bago ko pa siya masaktan. Wala sa sariling napatitig ako sa aking relos na nasa aking pulsuhan, it was 9:55 in the morning, and 10 am... Ang saktong pag-alis ng barko. Sandali akong napatitig sa entrance, wala pa akong Stacy na nakikita, kaya naman sa hindi ko malamang dahilan ay mabilis akong napatayo. Gulat naman na napatitig sa akin si Aaron na tahimik na nasa harapan ko. “Dito ka muna,” sambit ko sa kaniya. Nabasa ko sa mukha niya na gusto niya pang magtanong ngunit mas pinili niyang itikom ang kaniyang bibig kaya naman ay tinalikuran ko na siya. Batid niya ring wala siyang malalaman sa akin. I'm not on the mood para ipaliwanag ng sarili ko, and it was never my forte, I hate explaining myself with anyone. Kung ano iniisip mo at kung anong tingin mo sa akin o sa ginawa ko, then so be it. I don't give a s**t, I'm too handsome to be bother with anyone's s**t. But on the contrary, I'm here minding anyone's business. I couldn't even explain why I'm giving s**t with her. Ano bang pakielam ko kung ma-late siya o hindi? Stacy is too kind, too pure and too innocent, siya 'yung tipo ng babae na iingatan mo talaga, even though she's naive in many things. Siya 'yung mga tipo ng babae na nakakatakot saktan, and mahirap saktan dahil alam mo sa sarili mong matino at mabait siya. You know to yourself that she doesn't deserve any shitty things that you are going to do. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nasa entrance, lahat ng empleyado ay napatingin sa akin. Sinenyasan ko na lamang sila na huwag akong pansinin at ituloy nila kung ano ang ginagawa nila. Nakatingin ako sa may hindi kalayuan, alam kong dito siya manggagaling. Sandali pa akong napasilip sa aking relos. Two fuckin' minutes... And I don't know to myself, kung bakit hindi ako mapakali. “Sir, is there anything we can help?” pagtatanong ng isang babae kaya naman ay nabalik ako sa wisyo. “Can we stay a little longer?” “Po?” Napa-poker face ako sa narinig. “Do I need to repeat myself?” walang emosyon kong sambit. “A-Ah--” “Is there any problem, Mr. Chan?” Napalingon ako sa nagsalita, sandali akong nagtakha ngunit ng makilala ko kung sino iyon ay napangiti na lamang ako. “Mr. Cruz,” nakangiti kong sambit. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, Mr. Cruz, one of the most trusted person of my grandfather. He's the best Pilot/Captain we have. And besides, walang makakatibag sa halos beinteng taon na pinagsamahan nila ni papu. “Long time no see, Sire.” maarte niyang sambit kaya naman napatawa ako. “I'm glad you're here, are you the captain on this ship?” “Well, I'm glad you're graduating now, you grandfather was right all along,” “Well,” mayabang kong sambit. Nagtawanan na lamang kami. “Sir, I'm sorry to disturb the both of you, but the ship is going to sail--” “Mr. Cruz, can you do me a favor?” “What is it, Sire?” “Can we not sail yet...” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko, hindi ko rin naman kase alam kung anong sasabihin kong kasunod. “Is it a girl?” nakangisi niyang tanong. Hindi ko nagawang sumagot, I was caught off guard. He got an answer through my reaction, kaya naman ay napatawa siya. “Well, I know for sure we both know the answer, Sire...” nang-asar niyang sambit. Wala akong masabi. Matapos iyon ay nilingon niya ang lalaking lumapit sa amin kanina, “We'll sail after the girl arrives,” “Po?” “Just do what I said, wait for someone in the entrance, she'll be here in any minute.” “A-Alright, Sir.” Kita ko ang pagtango niya. Nakakatawang isipin na strikto siya sa kaniyang mga tauhan, pero malumanay kung magsalita sa akin, parehas sila ni papu, no wonder kung bakit sila naging magkaibigan. “Hindi mo naman sinabi na may napupusuan ka na pala,” pang-aasar niya sa akin, kaagad na nanlaki ang aking mga mata. “Say What?” “Pfft...” “H-Hindi ko siya girlfriend--” “Then who is she?” Natameme ako sa naging tanong niya, dahil batid ko sa aking sarili na maging akin ay hindi ko alam kung sino siya sa buhay ko. Napansin niya naman 'yon, kaya naman napatapik siya sa aking balikat. “That's hard, young man. I was on your shoe when I was at your age.” sambit niya sa akin bago ako tuluyan na iwanan sa aking pwesto. It was simple, pero batid kong may laman ang kaniyang sinambit. Akmang hahabulin ko siya para magtanong ng makita ko sa may hindi kalayuan si Stacy. Finally... This woman, tsk... ______________ Stacy's POV Mangiyak-ngiyak akong napatingin sa aking relos, It was 10:05 in the morning... I am late... Pero kahit na ganoon ay hindi ako nawalan ng pag-asa at pinilit ang sarili na makaabot, and finally nasa daungan na ako... Tinanaw ko kung aling barko ang aming sasakyan, and one ship caught my attention, it was big and elegant. Siguro ito iyon. Handa na sana akong umiyak ng makita kong hindi pa nakakaalis ang barko, kaya naman sa kabila ng pagkahingal ko ay mabilis pa rin akong tumakbo. Kahit alam kong drained na ang lahat ng energy na meron ako. Pinilit ko ang sarili ko na makasampa, and I was right, it's as if they're waiting for someone... Or perhaps... are they waiting for me? Napatulala ako ng tulungan ako ng mga staff na nasa gilid. “Welcome to Golden Ship, Ma'am.” rinig kong sambit ng kababaihan na nasa gilid. I saw him, standing there... While he's looking directly into my eyes. It's as if he was the one who's been waiting for me. I couldn't understand myself at all, but I found myself walking towards him. Sunod-sunod ang luhang pumatak sa aking mga mata habang nakatitig siya sa akin. I found myself in front of him. Walang nagsalita sa aming dalawa, napangiti ako ng bahagya, and mouthed, 'Thank you.' And before I could do anything, I found myself literally falling for him... To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD