Chapter 7:

2081 Words
Chapter 7: Stacy's POV Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” inis kong sambit. Lintik naman oo, kung kailan pinipilit kong huwag siyang isipin saka siya magpapakita out of nowhere. Mala dora ba ito? Kanina pa siya pagala-gala sa isipan ko e. “Hello, Bonita...” he then said while smirking, this guy really knows how to flirt. Tsk. Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinambit niya. Tinuloy ko ang aking ginagawa, wala naman akong mapapala kung i-entertain-in ko siya. Isa pa, nasa gitna ako ng pagtatrabaho, tiyak na ako na naman ang pag-iinitan mamaya nito. “Stacy!” sigaw ni Janice sa likuran ko, mabilis naman akong napalingon sa kaniya. “One bucket of beer!” she shouted again, tinaas ko ang aking kamay at saka sumenyas ng 'okay'. Tumango na lamang siya, kaya naman ay mabilis akong yumuko upang kumuha ng bucket at nilagyan ko iyon ng anim na beer. “So...” Dos trailed off as he stared at me. Hindi man ako nakatingin sa kaniya, ngunit batid kong nakatitig siya sa akin, mga titig na kung hindi mo siya kilalang lubusan at tiyak na madadala ka. But nah, I know him better. And I wouldn't want to get involved with him anymore. “Stacy huh...” sarkastiko niyang sambit. Kaya naman ay sandali ko siyang tinitigan. What's his problem with my name? Napataas ang aking kanang kilay habang nakatitig sa kaniya. “Don't tell me, sa ilang beses mo akong nakadaupang-palad, ngayon mo lamang nabatid ang aking ngalan?” natatawa kong sambit. Dahan-dahan naman siyang napakamot sa kaniyang batok, kung pagbabasehan ang kaniyang kinikilos, masasabi kong tama ako ng aking iniisip. Bahagya akong napatawa, he looks so cute while doing that. I was smiling from ear to ear when I saw my boss comfortably leaning on the door, she was eyeing me as if I did something wrong. Kaya naman ay sa hindi malamang dahilan ay napaayos ako ng pagkakatayo. Napatikhim ako ng malakas, pasimple kong sinenyasan si Dos, nalito pa siya ng bahagya ngunit nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya naman ay mabilis siyang lumayo sa akin. My boss is literally strict, she hates flirting in front of her, especially, when it's working hours, just like now. Pero after naman ng working hours namin, balik naman sa wala na siyang pakielam sa buhay ko sa labas. _____________ Pagkalabas ko ng resto-bar na iyon ay mabilis akong nagpatunog ng mga buto sa aking katawan, nakakapagod. Pero hindi naman ako pagod gaya nung may pasok ako sa school. I was busy doing my stuff when I heard someone cleared his throat behind me. Kaya naman dali-dali akong napatigil sa aking ginagawa kasabay ng paglingon ko sa kaniya, he was standing there... While eyeing me and of course, mawawala ba ang pang-asar niyang ngiti? Napairap na lamang ako sa kawalan, “Ano na naman ba?” inis kong sambit. “Come with me,” mabilisan niyang sambit kasabay ng paghila niya sa aking kamay. Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat, sandali akong napatulala. Ngunit ng mag sink-in sa utak ko ang lahat ay mabilis akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. “Sandali, Sandali, Sandali nga!” pagpipigil ko sa kaniya sa akma niyang pagbukas ng pintuan ng kaniyang sasakyan. “What?” lito niyang pagtatanong. Napasinghap naman ako ng wala sa oras, “Grabe din ha, parang sa tingin ko ako ang dapat magsabi niyan e.” nakanguso kong tanong. Hindi siya nagsalita ngunit tumaas ang kaliwang kilay niya. Kinuha ko iyong senyales upang magpatuloy sa aking sinasabi. “Saan tayo pupunta aber? Gabing gabi, Dos. May sira ka ba sa ulo?” inis kong pagtatanong sa kaniya. I was left dumbfounded in front of him when he started laughing. Hindi ko napigilan ang mapataas ng kilay. “Anong tinatawa-tawa mo riyan ha?” “Pfft... You just looks so cute when you do that.” “What?” “I really love your bold speaking, like you're not afraid of what might other think of you when you ask them like, 'Sira ba ulo mo?' like, 'gago ka ba?' like tanga ka ba?' Dang woman, you look so sexy when you're saying those...” Mariin akong napapikit kasabay ng mahina kong pagtampal sa aking noo, bakit ba ako umasa na may matino siyang sasabihin? Jusko naman... Napailing na lamang ako, akmang tatalikuran ko siya ng mabilis niya akong hinawakan sa aking siko. “Saan ka pupunta?” mabilis niyang pagtatanong. “Pauwi--” “I said, come with me.” “You don't tell me what I need to do, Dos. I need to go home, bukas na ang preparation for our graduation, kung ikaw mag gagala, puwes ako maghahanda ng mga gagamitin kong-- Hoy! Ano ba?!” Hindi na ako nakapalag pa ng buhatin niya akong bigla at pinasakay sa loob ng sasakyan niya. Mabilis siyang umikot at pumasok sa loob, mabilis niyang nai-lock ang pinto. “Hoy! Puwede kitang kasuhan sa mga ginagawa mo! Sinabi ng---” “I'll promise you, magugustuhan mo doon.” nakangiti niyang sambit. He was smiling as if he was convincing me. “Tigilan mo ako--” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng simulan niyang paandarin ang sasakyan. Potek, wala na... Pisti! Masama ko siyang tinitigan, ngunit nakangiti lang siya habang nagmamaneho, as if he was satisfied seeing me getting annoyed with him. Tsk! Napaismid na lamang ako kasabay ng paghalukipkip ng aking mga kamay. Tahimik akong napatitig sa labas, ibat-ibang mga buildings ang nadaraanan namin. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa lugar na tinutukoy niya, medyo paakyat ito, nasa tuktok kase yung restaurant. Dahan-dahan siyang nag park, maya-maya pa ay lumabas kaming pareho sa sasakyan. And I won't deny the fact that I really liked this place. This place is so... Wow, how would I explain how beautiful is this? “See? I told you, magugustuhan mo rito e.” I heard him whisper on my ear... Hindi ko siya napagtuunan ng pansin dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hindi ko napigilan ang mapayakap ng mahigpit. I felt him stilled. But I don't have a chance para pansinin pa yon, I am too happy that he brought me here... Grabe naman kase ang ganda ng lugar, nasa taas kami ng bundok. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito, don't get me wrong ha, pero kase, Bahay, Resto-bar at school lang ang places na mga pinupuntahan ko. Hindi sa hindi ako mahilig,wala lang talaga akong time. Priority ko kase na makatapos dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhan ko na maging pintor. Mabilis akong napabitiw ng pagyakap sa kaniya, kasabay niyon ay ang pag titig kong muli sa magandang tanawin ng lugar sa ibaba. Dahan-dahan kong sinukat sa aking isipan kung ano ang magkakasya kung ito ay ipipinta ko. I wanted to paint this place, for it is the first place that i've ever been into. Nakangiti kong inilibot ang aking paningin, I wanted to remember every memory of this place. “Are you that happy?” biglang pagtatanong ni Dos sa aking likuran. Dahan-dahan ko siyang nilingon at dahan-dahan akong tumango. “Hmnm, well... Yeah,” “I see,” “Because this is the first place i've ever had.” “What do you mean?” he confusedly asked. “Well, taong bahay lang ako, maliban sa Resto-bar at school, mas gusto kong manatili sa bahay at magpahinga. Matulog gano'n, syempre nakakapagod kaya... After ko sa school, diretso ako sa work. Sige nga, ikaw tatanungin ko, would you still have time to go to different places if you were on my shoes?” Sandali siyang napaisip kasabay ng pagtitig niya sa akin. “I don't think so...” “Puwede naman kung gugustuhin ko talaga, kaso ayoko lang talaga... Isa pa, wala naman akong pera. Yung pera ko, sakto lang pang aral sa sarili ko.” “What? I thought you have your mom?” “So?” “She doesn't support your study fees?” Bahagya akong napatawa sa sinambit niya. “Pfft, hindi sa hindi niya ako sinusuportahan, ayoko lang, I wanted to begin being independent by supporting my studies on my own, at salamat naman sa diyos at nakaka- survive ako.” “For real?” “Yeah, ayokong umasa kay mama, hindi naman kami gano'ng kahirap, kase nami-meet naman namin yung basic needs sa araw-araw. Hindi lang talaga kami magastos, well... Sa pagkain kami pala magastos pero sa ibang bagay, hindi naman...” “Oh, I see...” Tumango ako sa kaniya.“Let's go, inside.” bigla niyang pag aya sa akin. Nag alangan akong lumapit sa kaniya, mapansin niya 'yon kaya naman mabilis niyang hinawakan ang aking siko. Hindi na ako nakatanggi, I'm stuck between... I don't wanna go with him, and I wanna go, because this place is so beautiful and I wanna stay a little bit longer. But I found myself following his lead. Every step I take while going up, mas naa-appreciate ko ang ganda ng lugar na ito. How come I didn't know this place? Well, pa'no ko nga malalaman, wala akong time sa ganito. Pag-akyat namin, tatlong store ang bumungad sa amin, and one store caught my attention, it was the coffee shop. I feel like this store is a perfect store in this kind of place, malamig din kase. Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa coffee shop. Hindi lang naman basta-basta 'yung coffee shop e, sa labas pa lang, pang sosyalin na... Napakagat-labi ako, potek wala pa naman akong dalang madaming pera, ang pera ko lang sa wallet ko ay five hundred peso... Nakapasok kami sa loob, and I was right, ang ganda... Dahil sa salamin lang ang wall nitong store ay talagang kitang-kita ko ang kabuuang ganda ng lugar na ito. Nakita ko pa ang puwesto namin kanina, mas maganda nga lang ang view rito... “May I take your order, Ma'am and Sir.” magalang na sambit ng isang lalaki sa amin. Bago pa magsalita si Dos ay sinenyasan ko siya. “What?” Dahan-dahan ko siyang sinenyasan na lumapit sa akin, pagtatakha ang bumalakas na emosiyon sa kaniyang mukha. Nalilito man siya ay lumapit pa rin siya at itinapat ang tainga sa aking bibig. Mahina akong bumulong, “H-Hindi ko afford dito, magkano ba ang isang kape nila?” mahina kong bulong. Bahagya siyang napatawa, kaya naman ay nakaramdam ako saglit ng hiya sa lalaking nasa gilid namin. Mahina ko siyang hinampas sa braso, nakakainis. Kanina pa siya panay tawa, baliw lang? “Sorry, can't help it... You look so cute.” he then said while chuckling and while staring at me. Hindi ko napigilan ang pamulahan ng pisnge, napakatamis talaga ng bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. “A-Ano ba, umayos ka n-nga jan.” nahihiya kong pagsuway sa kaniya. “Don't worry about it, I brought you here, so I'll take care of you.” “Ay wow, syala mo naman...” Muli ay malakas siyang napatawa, napanguso na lamang ako. Iniabot sa amin ng lalaki ang dalwang menu, kaya naman sinilip ko 'yon, napasinghap ako ng mahina ng makita ko ang presyo ng bawat pagkain na nasa menu nila. Mukhang tubig lang ang afford ko rito... Mas nakakalula pa ang presyo nito kaysa kung gaano kataas ang lugar na ito. Mantakin mo, buko shake five hundred pesos?! May special lang na nakalagay sa pangalan pero what?! Five hundred pesos?! Mahina akong napatikhim kasabay ng dahan-dahan kong paglunok ng sariling laway. Shet lang... Napakagat labi ako, wala akong mapili... Narinig kong umorder si Dos, pero ako... Wala pa akong napipili hanggang ngayon. “What did you pick?” bigla niyang pagtatanong sa akin. “A-Ah... Hehehe.” kakamot-kamot ang ulo kong sambit. Tinitigan niya ako, as if nababasa niya ako. Napakagat labi na lamang ako. Kaya naman siya na ang pumili sa akin ng pagkain. Sino ba ako para magreklamo 'di ba? Nang makaalis ang lalaki ay napabuntong hininga siya. “It's on me, Bonita. Why are you being hesitant?” Napayuko ako. “Pasensiya na... It is my first time, and besides, no one ever treated me in a place like this aside from you...” “Bonita...” “Kaya pagpasensyahan mo na bobo ako sa mga ganitong bagay, hindi ako sanay kase... It's my first time...” To be Continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD