Chapter 29: Compromise

2136 Words
Dos's POV “Zelle, it's not that..." "H-Hindi ko kase alam kung bakit, hindi ako makahanap ng sagot sa mga katanungan ko, unti-unti na akong pinapatay ng sarili kong pag-iisip Dos... Only if you knew...” “Zelle...” ”A-Akala mo ba ikaw lang napapagod at naaawa? Tangina Dos... Ako rin... B-But I can't just stop, dahil sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, nando'n pa rin 'yung pag-asang mamahalin mo rin ako pabalik e,” “...” “H-Hirap na hirap na ako sa totoo lang, hirap na hirap na akong maging kontrabida, gusto ko kase ako naman 'yung bida, 'yung pipiliin, sa kabila ng lahat ng nagawa at nasakripisyo ko... I've expected too much, which is wrong... It only leads to hurt me.” “...” “Hirap na hirap na ako sa situwasyon na hindi ko naman ginusto, akala mo ba gusto ko 'to? H-Hindi Dos sadyang mahal lang kita kaya ko nagagawa itong lahat... Tinitiis ko dahil umaasa pa din ako, p-pero tuluyan mong pinatay lahat ng nitsa ng pag-asa ko...” “...” “Ngayon na napagtanto ko lahat, h-huwag kang mag-alala, unti-unti kong hihilahin sarili ko pabangon, lubog na lubog na ako e, sobrang nakakahiya na... I even attempted to kill myself for some useless guy." Napatitig lamang ako sa kaniya at hinayaan siyang sabihin ang kung ano sa akin. "You're right, gago ka. Tarantado ka, I gave my everything to you,hindi ko na kasalanan kung hindi ako 'yung pinili mo, Dos... Kase sa iyo na mismo nanggaling, hindi ako nagkulang na iparamdam sa iyo, kung gaano kita kamahal at kung gaano ka ka-special sa akin." "That's right, Zelle... Gago ako." "Oo, gago ka talagang tangina mo ka." Malutong niyang mura sa akin. Hindi ako nag-react sa mga sinambit niya kahit na nagulat ako. "Sabi mo 'diba? Tatanggapin mo lahat?" Walang emosyon niyang sambit. Parang nagsisisi ako na sinambit ko iyon, nakakatakot ang hitsura ni Zelle ngayon. Fuck. Napalunok ako ng sarili kong laway kasabay ng sunod-sunod kong pagtango. *pak Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin ng malakas, napaawang na lamang ang labi ko sa gulat. "Ate!" Sigaw ni Zia sa tabi niya at mabilis na hinawakan ang kamay ng kaniyang kapatid. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Bahagya pa akong napahawak sa aking pisnge ng maramdaman ko ang kirot. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit. “You fuckin' deserve that, asshole.” madiin niyang sambit. Wala akong sinabi sa kaniya, bagkus ay napatitig lamang ako sa kaniya. Matipid akong napangiti. Ngunit mabilis rin akong nagulat ng bigla niya ulit akong sampalin, napatulala ako sa kaniya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. That's what I want to see, though sobrang sakit ng sampal niya. But she was right, I deserved that. “I let the karma do the revenge for me, Dos... I may a b***h sometimes, but you know that I did nothing but to love you, I may act brat and selfish but I know that I'm not a bad person.” “Zelle,” “Hahayaan kita, at sana maging masaya ka. Don't let me regret letting you go, just make sure na masaya kayo, k-kahit mahirap para sa akin, pipilitin ko... Para sa kapatid ko, at para sa sarili ko. I lost myself while chasing you, in able to chase you, I lost me...” “Ate..." She hugged her sister, "I'm so sorry Zia... Ate was so selfish, I did not think of you...” “A-Ate...” “I will not do that anymore, let's start a new life, Zia...” Kita kong sunod-sunod na napatango si Zia. Matipid akong napangiti kahit na sobrang hapdi ng magkabila kong pisnge. Dahan-dahan akong tumayo. "Looks like we're settled then," Napatingin silang pareho sa akin. Dahan-dahan na tumayo si Zelle, nanghihina man ay kitang-kita ko ang pagpilit niya sa sarili na makatayo. “Dos...” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Bahagya pa akong nagulat, kase kanina lang halos gusto niya akong patayin sa sama ng tingin niya sa akin tapos ngayon yayakapin niya ako. Babae nga naman. Fuckin' headache. "I wanted to hate you, but I can't... Because I love you, we're both wrong, we made mistakes, and I just hope it both help us to improve ourselves to become a better person,” “Zelle...” “But I did not regret knowing and loving you, para sa akin, ikaw 'yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko, ang makilala ka... Marami akong napagtanto, maraming akong natutunan, mas nakilala ko ang sarili ko, I grew up alone and I became better without knowing, because I was inspired to become a better person for you... But for now, I wanted to become better for my sister and for myself of course...” “Zelle, I'm sorry... I didn't mean to say that--” “Shhh, I know... Kilala kita, sa ilang taon na nasa tabi mo ako, sa tingin mo ba hindi ko na kabisado pag-uugali mo?" “Zelle...” “I sincerely hope you to be happy, Dos... Prove me right, that you'll be happy with her and take care of her, sana yung mga bagay na hindi mo nagawa sa akin, magawa mo sa kaniya...” Sunod-sunod akong tumango sa kaniya. “Now go to her and apologize, nasaktan mo siya... Because of me, tell her that I was sorry, for ruining the both of you,” “Thank you, Zelle...” “Now go, before I change my mind.” Bigla akong natigilan. “Kidding, hindi ka mabiro.” natatawa niyang sambit. Napangiti na lamang ako ng makita ko ang mga ngiti sa labi niya. “I'm happy to see you smiling again, Zelle.” “Well I don't have a choice, but to smile even if I'm not okay. What choice do I have?” “Zelle--” “Lakad na... Hapon na oh, naghihintay sila sa iyo...” Sandali akong napatitig sa aking relos na nasa aking pulsuhan. Fuck... It's already five in the afternoon. "lakad na...” Sandali ko pa siyang nilingon, tumango lamang siya sa akin kaya naman ay wala akong sinayang na sandali at mabilis na tumakbo palabas ng silid na iyon. Wait for me, my love... ___________ Stacy's POV “Anak, anong oras na... Hindi ka pa nakain, sino ba ang hinihintay mo?” pagtatanong ni mama. Sandali ko siyang nilingon, tumabi siya sa akin dito sa tapat ng aming bahay, naghihintay kay Dos. I'm worried about him, nagtatampo ako dahil hindi siya nagpaparamdam man lang, pero lamang pa rin ang pag-aalala ko. “Ma...” Dahan-dahan na hinawakan ni mama ang kamay ko. “Kumain ka na muna,anak...” Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naiiyak ako. Matipid akong napangiti. “Sino ba ang ipakikilala mo anak? Maari ko bang malaman?” Dahan-dahan akong napatitig sa kawalan. “My fiancé,Ma...” “Ano? Fiancé agad?" gulat niyang sambit. Napakagat-labi ako. Sinasabi ko na nga ba e, ganito ang magiging reaksiyon niya. “Bakit hindi boyfriend anak?” Mahina akong napatawa, “Pfft... Bakit bawal bang fiance ma?” “Anak... Hindi ba parang maaga masiyado? Kailan mo nakilala ang lalaking 'yan? Saan at paano? Niligawan ka ba niyan? Paano mo siya naging fiance anak?” Napakamot na lamang ako sa sunod-sunod niyang pagtatanong. “Ma naman... Isa-isa lang po.” “Aba'y wala kang sinasagot sa mga tanong ko,anak...” “Ma...” “Masisisi mo ba ako anak? Naglilihim ka sa akin, nakakagulat ang iyong sinabi, anong inaasahan mo? Matuwa ako? Naiintindihan kong malaki ka na at nasa tamang edad na para magkanobyo, pero anak, kailangan mo pa naman na ipakilala ang magiging nobyo mo 'no.” “I'm sorry ma...” Napatitig siya sa akin kasabay ng malalim niyang pagbuntong hininga. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh nanjan na iyan.” Napangiti ako at napayakap sa kaniya. “Oh eh, aba'y nasaan na ba siya? Bakit wala pa siya?” Sandali akong natigilan sa naging tanong niya. Hindi ko rin kase alam ang sasabihin ko. “May emergency lang ma, pero pupunta siya...” sambit ko para mapalagay si mama, pero sa totoo lang hindi ko sigurado kung pupunta siya. Sana lang ay pumunta ka, Dos... Kahit na late. My mother is waiting for you. “Ganun ba? Bakit hindi ka pa naunang kumain?” “Siguro sabay na kami, ma...” “Anak...” “Ayos lang po ako, ma... Salamat ma...” “Saan naman?” Dahan-dahan ko siyang niyakap ng mahigpit. “Salamat sa lahat ma, kase ikaw 'yung nanjan para sa akin... Palagi kang nanjan,” “Aba'y syempre anak kita, sino ba tutulong at mananatili sa tabi mo?” “Ma...” “Anak, hindi ko man alam ang nangyayari sa iyo sa araw-araw na buhay mo, pero isa lang ang masasabi ko, magpakatatag ka kung ano mang pagsubok ang sinasagupa mo ngayon, lagi mong tatandaan na narito lang si mama para sa iyo, kahit na malaki ka na, you'll always be my baby girl... My princess.” Napaiyak ako sa sinambit niya, my mom is really sweet, kahit na sobrang strikto niya sa akin at mabunganga, my mom never leave us and made sure that we're loved and feel loved. Nasa ganoong situwasyon kami ng bigla ay marinig ko ang pagbusina ng sasakyan, kaya naman ay sabay kaming napalingon ni mama sa harapan. It's Dos! Sa wakas! Napangiti ako ng malawak, kasabay ng mabilis kong pagtakbo para salubungin siya. ________ Dos's POV Kinabahan akong bumaba ng sasakyan ko, ngunit bahagya akong nagulat ng biglang sumalubong sa akin si Bonita. Ngiting-ngiti pa siya, kaya naman ay napangiti ako, nakakahawa talaga ang mga ngiti niya. “Dos....” sambit niya kasabay ng pagsalubong niya ng mahigpit na pagyakap sa akin. I stilled. Hindi ito ang inaasahan ko, inaasahan ko ay sampal at sigaw... Pero, ito? Dahan-dahan siyang bumitaw at napatitig sa akin, nakanguso siyang tumitig sa akin. What a cute sight. I wanna kiss her, but f**k. We're in front of her mother. “Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay..." Baby talk niyang sambit. Hindi ko napigilan ang halikan s'ya sa labi, ang cute niya kase e, kaso saglit lang 'yon bawal muna ang laplap. “Bonita... I'm really, really sorry... I'll explain to you what happened, later...” “Sige na nga... Kanina ka pa namin hinihintay, Dos...” ”Shall we?” Dahan-dahan siyang tumango, kasabay ng paghawak niya sa kamay ko na para bang alam niya na kinakabahan ako. Nagpamauna siya at dahil hawak niya ang kamay ko ay nagpatianod na lamang ako. Habang palapit ay kinakain ako ng kaba, binalot ng kaba ang buong katawan ko. Ramdam ko pa ang panlalamig ng aking kamay. “Pfft... Don't tell me natatakot ka?" natatawang pang-aasar niya. “H-Hindi ha..." Depensa kong sambit. “Haha, kaya pala ang lamig ng kamay mo." Kahit na inaasar niya ako, ayos lang, para kaseng musika sa aking pandinig bawat paghalakhak niya, para bang nanalo ako sa lotto sa tuwing naririnig ko ang bawat pagtawa niya. Nabalik ako sa wisyo ng maramdaman kong tumigil kami, sandali akong napatitig sa unahan at doon ay nakatayo ang isang babae na siguro ay nasa mid 40's. Shit. Nakataas ang kilay niya. Malalim akong napahinga. “Ma, si Dos po, my Fiance.” Masarap sa pandinig ko na sabihin niyang fiance niya ako at mismong sa harap ng kaniyang ina. Kahit na kinakabahan ako ay naglakas-loob akong lumapit at nagmano. “Magandang hapon po, M-Madam...” kinakabahan kong sambit. Hindi siya nagsalita kaya naman ay inabot ko ang bulaklak na bitbit-bitbit ko, kanina ko pa ito binili e, buti n lang fresh pa rin siya. Naiwan ko kase ito sa passenger seat sa aking sasakyan, buti hindi ko napatay ang aircon, sa kakamadali ko kase nalimutan ko nang kunin ang susi at patayin ang aircon. “Bulaklak po,” nangingig ang boses kong sambit. “Pfft...” rinig ko ang pagtawa ni Bonita sa aking gilid. “Masiyado ka namang pormal, Hijo.” eleganteng saad ng kaniyang ina. Kinuha niya ang bulaklak, “Halina at pumasok sa loob,” pag-aaya niya sa akin. Napahinga ako ng malalim ng bigla ay tumalikod siya. Nilingon ko si Stacy na nakangiti habang nakatitig sa akin, sinenyasan ko siya. She just mouthed, 'What' to me. “Hindi yata ako gusto ng mama mo..." Nanlulumo kong sambit. “Pfft, hahaha, hindi 'yan, paano mo naman nasabi?” “Bonita...” kinakabahan kong sambit. Naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa aking kamay. “Mabait si mama, kung hindi ka niya gusto, hindi ka niya papapasukin sa loob.” Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib sa narinig. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD