Chapter 2

3168 Words
‘I’m gonna break my own freaking record!’ naisip ni Cairon Clyde Carson nang nakangisi sa sarili. Pinaharurot niya ang kanyang motor mula sa mansion hanggang sa papuntang main road ng barangay sana nang muntik na siyang mabangga sa isang maliit na sasakyan na kulay apple green. “Damn it!” Hindi niya ito napansin dahil sa katarantaduhan niya. Akala ba naman niya ay walang sasakyang gagamit sa daan ngayon at baka naligaw lang ito. Sabi ng kanyang tiyahin na may hinintay ito pero hapon na wala pa. Gusto na sana niya itong ma-meet bago umalis pabalik ng Manila dahil hinimok siya ng tiyahin na mag-stay muna pagkadating niya kahapon para bisitahin ito. Buti na lang ay nakapag-preno sila kapwa ng may-ari ng sasakyan na ‘yon. And guess what? She was one hot babe! ‘Well, hell!’ usal ng trenta y dos anyos na binata sa isipan niya. She was petite, wearing a short maong skirt and spaghetti strapped tank top. Nakasuot ito ng flat sandals at meron itong anklet sa kaliwang paa. Maputi at makinis ito. Kahit maliit ang boobs ay sexy pa rin ito. Maliit ang baywang at medyo malaki ang balakang. Medyo maarko ang maganda nitong mga kilay, malalantik ang pilik-mata, makinis ang pisngi, maliit pero matangos ang ilong at parang Cupid’s bow ang mga labi nitong magaganda. Pinagmasdan niya itong lumapit sa kanya habang pinasadahan niya ito ng tingin sa likod ng suot na helmet. Kulang na lang ay murahin siya nito dahil sa inis. Well, kasalanan nga naman niya. But he’d never say sorry. Pagmamay-ari din naman niya ang lugar na ‘to kaya sino ba ito para pagalitan siya? He’ll do anything he’d damn please! At hindi na nga siya nakapagpigil. Niyapos na niya ito at saka hinalikan, pagkatapos ng batuhan nila ng mga salita. Hindi lang kasi niya mapigilan ang sariling huwag gawin iyon. He had a hard-on just by staring at her and he badly wanted to taste those pink and lush lips. And God! She tasted like sweet roses! Wala pa siyang natitikmang ganito talaga kasarap at katamis. Nakakaadik. Gayunpaman ay pinilit niya ang sariling tapusin na ang halik na ‘yon. Nasorpresa na lang siyang pagbuhatan ng kamay nito. Buti na lang ay maagap niya itong nasalo kundi ay lumagapak sana sa guwapo niyang mukha ang kamay nito. Iyon nga lang ay hindi niya agad napansin ang pagsipa nito. Ang lakas pala nitong sumipa! Ang sakit ng shin niya. Baka magkapasa talaga siya nito mamaya. Gayunpaman ay tinutuya niya ang dalagang sumakay na sa kotse nito. At napataas siya ng kilay nang makalayo-layo na ito. Papunta ito sa direksyon ng mansion. Nanatili siyang nakatayo doon habang nag-iisip. Ilang saglit lang ay bumalik na siya sa mansion at naratnan niyang nagkausap ang tiyahin at ang babaeng ‘yon. Kanina pa siya nakikinig sa istorya nito and he was quite amused. Well, Manila can wait. Babalik na lang siya doon sa Lunes ng madaling-araw. He’d certainly not waste any time to seduce this feisty woman while they’re both under his damn roof. Nang magsalita siya ay napanganga ang babae at napangisi siya rito. Hindi ito nakapagsalita man lang hanggang sa lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito. Pasimple siyang dumukwang at hinalikan ang tiyahin sa pisngi. “Yes, this is her. But I thought you were going to visit Cammy,” anang tiyahin na medyo kumunot ang noo. Kasabay din doon ang pagiging linya ng mga kilay ng hot babe nitong kasama. Nag-iisang kapatid ito ng kanyang inang namayapa na. High school pa lang siya nang mamatay ito at ito na ang parang tumatayong ina niya kahit na busy ito noon sa pagiging artista. Pinag-aral siya ng amang Amerikano sa isang board school sa US simula nang mamatay ang ina at dito siya nagbabakasyon kapag umuuwi siya. Binili ang mansion na ito ng ina niya para sa kapatid bilang pag-congratulate nito nang makapasok noon sa showbiz. Pero ngayon ay siya na ang may-ari nito dahil iyon na ang nakalagay sa Last Will and Testament nito. Automatic ‘yon. Lubak-lubak ang daan papunta dito noon pero pinaayos niya pagkatapos niyang maka-graduate para hindi mahirapan ang tiyahin na magbiyahe. He didn’t want to ask his father to do it for him while he was still in school dahil hanggang maaari ay ayaw niyang may hihingin sa ama na kulang sa pagmamahal sa kanya. His father eventually remarried and has two kids. Mas bata sa kanya ng mga seventeen years and eighteen years – sina Sean at Amanda. Kahit paano ay close naman siya sa mga kapatid niya, puwera na lang sa madrasta at ama. At kasalukuyang nakatira ang mga ito sa New York. Nang maka-graduate siya ay binigyan siya ng ama ng puhunan para makatayo ng sariling negosyo. Dahil Business Management naman ang natapos niya sa America ay kaya nagpursigi na siya sa career sa pagiging businessman. Lumago naman ang textile, real estate at construction businesses niya kaya heto na siya ngayon – isa sa mga mayayamang bachelors sa bansa. Maliban sa mga negosyong ito ay may hacienda rin siyang hinahawakan kasama ang tiyahin. “This is my nephew, Derin. Si Cairon Clyde Carson. He’s actually the owner of CADE Enterprises.” Nakita niya ang pagtaas nito ng kilay. Mukhang narinig na nito ang tungkol sa kumpanya niya. Napangisi siya sa reaksyon nito. “Hi,” napilitang bati nito as if hindi pa sila nagkita. “Hi yourself,” tugon niyang nakangiti pa rin nang nakakaloko. His eyes roved her body once again. Nakatitig siya sa mapuputi at makikinis nitong hita na naka-expose habang nakaupo sa sopa. Lalo kasing umakyat ang laylayan ng suot nitong mini-skirt na maong. “Please, behave yourself, Cairon,” nakangiting babala ng tiyahin na nakangiti. Mukhang nahulaan na nito ang tingin niya. “I’m not really a good boy, Tita Este,” he reminded her. “So, that’s a lot to ask from me.” Lalo pang sumimangot sa kanya ang dalagang bisita nito – este ang hinire nitong tagasulat sa buhay ng tiyahin. He must admit this woman had such talent. Nabasa niya kasi ang mga biographies na isinulat nito – na nirekomenda ng tiyahin para kunin ang kanyang opinyon kung ito nga ba ang tamang writer na kukunin, which he approved as well. Ang akala pa naman niya ay isang may edad na babae na ‘yon. Unsightly, fat, no fashion sense and nerdy ang dating. It was his own version of people like her in his head. But, hell no! He was sourly mistaken. She was one hot babe for a professional personal historian! Right, he shouldn’t judge a book by its cover – lalo na’t hindi pa niya nakikita ang book nito. Napangisi na naman siya sa kalaswaan ng naiisip niya. But well, he couldn’t help it. It was just… well, him. “Well, she’s my guest,” giit ng tiyahin niyang may pilit na ngiti. Nainis na niya yata ito dahil sa nakita nito ang ekspresyon sa mukha ni Derin. “Then… I’ll do whatever I can to behave, Tita,” aniya pero nakangisi pa rin na parang asong ulol. ‘But I won’t promise.’ Napabuntong-hininga na lang ito. “Just don’t mind him, Derin. Anyway, let’s go to the garden. It’s one of my favorite places sa malaking property na ‘to.” At nagkuwento na ang tiyahin niya tungkol sa mansion na binili ng ina niya and blah, blah, blah. Tahimik niyang sinundan ang dalawa sa hardin pagkatapos niyang inumin ang juice na hindi tinapos ng dalaga dahil sa paghikayat ng tiyahin na magpunta na sa may likod na bahagi ng mansion. His eyes were focused on his aunt’s guest. He found this notion interesting. Napagkasunduan kasi ng mga itong apat na buwan itong mananatili rito. Wala kaya itong asawa o boyfriend na mami-miss ito? Umaasa talagang siyang wala naman siguro para may tsansa siya. ‘Hell! She really has those shapely ass and legs!’ sa isip na naman niya. Parang gusto na niya itong halayin pero nagpipigil lang siya. May tamang oras din siya para doon. Naging maloko na ang isip niya. Dapat na wala ang tiyahin niya sa pali-paligid kapag ise-seduce niya ang babaeng ito. Ayaw niyang maging fantasy lang ito. Gusto niyang makaiskor bago siya makabalik ng Manila. Umaandar talaga ang pagkapilyo niya. Biglang tumunog ang kanyang cell phone. Si Cammy. Napalingon sa kanya ang dalawang babaeng sinusundan. Subalit nagpatuloy ang mga ito sa pagkukuwentuhan habang papunta sa may pergola. Gawa ng kahoy iyon at may bubuong na gawa ng salamin. Sa ganoon ay kapag ang tumatambay doon sa gabi ay makakita nang maayos sa mga biutin at buwan. “Damn it!” nausal niya sa sarili. “Yes, Cammy,” sagot niya na tumalikod na lang mula sa dalawang babaeng sinusundan. Bakit ba kasi tumatawag ang ex niya? Alam na kaya nitong nasa Sta. Ignacia siya? Ang bagal naman ng balita dito. Napangiti siya sa sarili nang tila may panunuya. ‘Tsk!’ sa isip niya. Kahapon pa kasi siya nandito at ngayon lang ito tumawag. Plano niya ay bisitahin ito pero naisip niyang para ano pa? Tapos naman na sila. It wasn’t like he wanted to get back together with her. Or she with him. Or wasn’t she? But it was more like just for fun – dahil kahit magkahiwalay na sila for a year ay f*ck buddies pa rin sila paminsan-minsan. Iyon kapag napunta ito sa Manila para bisitahin ang kapatid nito o kaya naman ay kung mapadalaw siya rito at pupuntahan niya ito sa hacienda. Depende na rin sa mood niya. He didn’t really love her. It was mere attraction and they both knew it from the very start of their relationship. “Hey! Ba’t hindi mo sinabing dumating ka pala kahapon?” “I was… busy.” Napasulyap siya ulit kay Derin. Parang minamagneto na lang palagi ng babaeng ito ang mga mata niya. Awtomatikong naghahanap ang paningin niya. “How long are you gonna stay? Until tomorrow at least? Because I have this party tonight.” “A party? Hindi mo naman birthday.” “Oh, it’s just some kind of a gathering, really. My friends came, so I thought nandito ka naman, why not join us?” “Hmm…” Hindi niya napansin na mula sa isang sulok ng mga taniman ay tumatakbo ang kanyang French bulldog na may halong kulay itim, gray at cream. Narinig na lang niyang may tumili. “Hell!” Nakita niyang natumba si Derin sa lupa at pilit itong tinutulungan ng kanyang tiyahin habang ang French bulldog niya ay ikinaskas ang ari sa binti ng dalagang napahumindig sa nangyayari. “Is there something wrong, Cairon? Who was that?” “Um… I’ll call you back, Cammy!” sabi niyang tinapos ang tawag na ‘yon para tulungan ang dalaga. Nakita niyang natatakot talaga ang mukha nito sa ginagawa ng kanyang French bulldog. Nakadungaw siya habang pinagmamasdan ito nang nakangisi. ‘Hell!’ Nakita niya tuloy ang white panties ng dalaga dahil sa awkward position nitong pagkaupo sa damuhang lupa. Nasilipan niya ito nang wala sa oras. Parang luluwa ang mga mata niya sa makinis nitong hita at maputing singit. Napamura siya ulit sa isipan. Nag-re-react na naman ang kanyang kumpadre kasi. “Cairon! Don’t just stand there!” sabi ng tiyahin niya na pilit paalisin ang aso pero nakayakap talaga ito sa binti ni Derin at patuloy sa ginagawa. Napilig tuloy siya at napatawa. “F!” Sa isang sambit niya lang ay tumigil ang kanyang aso. Nakanganga itong parang hinihingal habang nakatingala sa kanya. Tinulungan niya ang dalaga sa pagtayo sa pamamagitan ng paghawak ng mga kamay nito. Kulang na lang ay pagpagin niya ang pang-upo nito pero nagpigil lang siya. “What the hell’s wrong with your dog?” nandilat ang mga matang sita nito sa kanya nang makabawi na. Napangiwi itong napasulyap sa binti. Buti na lang walang gasgas o kahit na anupaman. Sayang kapag nagkaroon. Ang kinis pa naman. Baka hindi niya pakainin ng isang araw si F bilang parusa. “Sandali lang, Derin. I’ll go and find the dog’s caretaker.” Iniwan na silang dalawa roon ni Estela. Tumango ang dalaga sa tiyahin niya bago bumaling sa kanyang magkasalubong ang kilay. “And you name your dog Ef? Like Efren or Ephraim?” “No. Just ‘F’, which means… f*cker,” ngising sabi niyang nanunukso ang mga matang nakatingin rito. Pero ang totoo ay kinuha niya iyon sa “F” ng “French” bulldog. Tamad kasi siyang mag-isip ng pangalan para sa aso. Isa pa, mukhang gusto naman ng aso niya ang pangalang iyon dahil unang tawag niya rito noon ay nakangisi kaagad. “He always does that to any new female he sees around here.” Tumawa na naman siya. Napanganga ang babae sa narinig. “Manyak ka talaga! Nagmana pa sa ‘yo ang aso mo!” Nakangisi pa rin siya rito. Walang epek sa kanya ang sinasabi nitong insulto o simpleng name-calling. Nagigiliw lang siyang parang siraulo dahil mula ito sa bibig ng dalaga. Yeah, that mouth that tasted so sweet. Parang gusto na naman niyang tikman ito nang mapadako ang mga mata niya sa labi nito. Humakbang siya palapit rito, inignora ang French bulldog na pabaling-baling ng tingin sa kanilang dalawa habang nagsasalita. Umaatras ang dalaga mula sa kanya. “Huwag mo ‘kong lapitan!” babala nito. ‘Damn it!’ sa isip na naman niya. He could feel his arousal jerking. She really had a strong effect on him, which he never felt with somebody before. The mere sight of her gave him a hard-on the second he laid eyes on her. Nang nakikinita pa niya sa kanyang balintataw ang kaninang nabosohan nang wala sa oras ang dalaga ay lalo lang itong nagpapainit sa katawan niya. Ewan ba niya. Wala pang babaeng nagbigay sa kanya ng ganitong reaksyon sa katawan niya. Magkahinang pa ang mga mata nilang dalawa. “F! Come here, doggie, doggie!” Narinig na lang niyang tawag ni Mang Matias sa kanyang aso. Kaya naman ay napatigil siya sa paglapit sa dalaga. Binigyan niya ng isang nanunuyang ngisi ang dalagang pinamulahan ng pisngi. “Mang Matias, huwag n’yo munang ikulong si F,” sabi niyang sinulyapan ang may edad na taga-alaga sa aso niya at hardinero nila rito. “Eh, Sir kasi sabi ni Madam.” “Hayaan n’yo muna siyang makapaglaro,” sabi niyang si Derin ang hinarap, tinutukso na naman ng mga mata ito. Binigyan siya ng dalaga ng isang matalim na tingin. Bahagya niya lang napansing pakamot-kamot sa batok ang may edad na lalaki. “Okay, Sir.” Umalis na lang ito pero sumunod rin naman si F sa hardinero pero hindi ito naka-leash. Nakatakas na naman malamang ang kanyang aso dahil marunong itong magbukas ng hawla nito kapag nalingat ang caretaker. “So, tumawag si Cammy sa ‘yo? Anong sabi?” usisa ng kanyang tiyahin nang makabalik na ito na may dalang wet wipes para kay Derin. Tinanggap iyon ng dalaga at sinimulan ang pagpunas sa binti. ‘Hell!’ sa isip na naman niya. Gusto niyang siya ang magpunas sa makinis nitong binti sabay himas. Hay, namamanyak na talaga siya sa babaeng ito. Paano ba ito? “Um… we’re invited to her party tonight. So, you ladies must come with me,” sabi niya kahit siya lang ang invited. Napatingin si Estela kay Derin. “Derin, why don’t you go with Cairon? I’m sorry but I have to skip this one. May naaalala lang kasi akong hanapin para ma-i-prepare ko para magagamit mo sa pagsusulat,” suhestiyon nito. Napangisi tuloy siya sa sarili habang napasulyap sa kanya si Derin na tapos na rin sa pagpunas sa binti. Napasulyap ito sa kanya nang parang hindi gusto ang suhestiyong iyon ng tiyahin niya. “Uh… hindi ko kasi…” umpisa nito. “Are you afraid to come alone with me?” hamon niya sa dalaga. Hiindi man lang niya hinayaang makapagtapos ito ng nais sabihin. “Ano?” anito sa kanya. Napatingin naman sa kanila nang may pagkagiliw si Estela. “Hindi, ah!” dagdag ng dalaga. “Bakit naman?” Lalong sumilay ang ngiti sa labi niya. “Then, you can just change into any casual clothes – if you want to,” sabi niyang hinagod ng tingin ang kabuuan nito. Ayos lang naman ang suot nito ngayon pero baka naman ay gusto nitong magpalit. Napatingin muna ito kay Estela bago sa kanya. “Fine.” *** ‘Pesteng lalaking ‘to! Sinadya talaga niyang hamunin ako sa harap ng tiyahin niya para hindi ako makatanggi,’ sa loob-loob ng dalaga. Naiinis pa rin siya rito dahil sa nangyari kani-kanina lang dahil sa aso nitong malibog. Buti na lang hindi siya nananakit ng hayop. Baka kasi lumala pa ang sitwasyon kapag ginawa niya iyon. But she was really horrified and disgusted by that F dog! At ano raw? F*cker daw ang ibig sabihin ng pangalan nito? ‘Diyos ko Lord! Ano ba ‘tong taong ‘to? Wala na ba talagang maisip na iba kundi ‘yon?’ At naalala na naman niya ang paghalik nito sa kanya kanina sa may blind curve. Hindi talaga matanggal-tanggal sa isip niya ‘yung unang halik na ‘yon. ‘Kaasar!’ Ngayon naman ay pinipilit siyang um-attend ng party sa Cammy na ‘yon. Sino naman kaya ang babaeng ‘yon? Sigurado siyang may relasyon ito sa lalaki. Ito pa? Mukha namang babaero. Kung makapagsalita, ang sobrang… manyak! Kaya hindi naman siguro iyon debatable, ano? At siguro kung hindi dumating si Estela pagkaalis ng caretaker ng aso nito ay baka kung ano na naman ang iniisip nitong gawin sa kanya. Pero bakit parang na-e-excite siya sa gagawin sana nito? Nag-anticipate na nga siya. Parang gusto niyang batukan ang sarili. ‘Loka ka, Derin! He’s nothing but a good-looking pervert! Isaksak mo ‘yan sa isip mo! Hindi matino ang lalaking ‘to!’ Napabuga siya ng hangin na sumunod kay Estela sa loob ng malaking bahay. Ituturo raw nito kung saan ang magiging silid niya habang nandirito siya. Tinapunan na lang niya ng isang matalim pang tingin ang lalaki. She crossed her fingers as she was looking forward to the party she was going with him. Ewan niya. Feeling niya ay magiging eventful ang party na iyon na pupuntahan nila. Hindi naman siguro iyon imposible dahil magiging kasama niya lang naman ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD