Chapter 3

3034 Words
Hindi akalain ni Derin na ipagbukas siya ng lalaki ng pinto ng sports car nito. ‘Hmp! Gentleman ba talaga ‘to or pakitang-tao lang?’ Napansin niya kasi ang tiyahin nitong nasa may balkonahe ng pangalawang palapag. Kumaway ito sa kanila at kaya kumaway na lang din siya bago pumasok. Ang ganda talaga ng kotse nito. Luxurious ang upuan at komportableng-komportable siya. Malinis at mabango rin ito sa loob. Mukhang inaalagaan talaga ang kalinisan ng sasakyan. Mukhang mana sa may-ari. Napuna naman niya ang motorsiklo nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Ito yaong gamit ng lalaki nang muntik na silang magkabanggaan sa may blind curve. Naramdaman niya ang pagpasok ng lalaki at umupo sa tabi niya, sa may driver’s seat. Lumapit ito sa kanya at napaatras ang ulo niya dahil dito. “A-anong ginagawa mo?” angil niya. ‘Sh*t! Ang bango talaga ng pervert na ito!’ Ngumisi ito sa kanya. “Dapat mag-seatbelt ka. I don’t drive slow, you know. I always like it fast… and strong,” makahulugang anito na nakuha niya naman. “Peste ka! Bastos ka talaga!” asar na aniya. Itinabig niya ang kamay nito pero nakahawak na ito sa seatbelt at ito na ang humila noon para i-secure siya. Nakita niyang pangiti-ngiti pa rin ito. Itinulak na niya ito sa mukha palayo sa kanya at tumawa lang itong parang baliw. Kaasar talaga. Umayos na ito sa pagkakaupo at pinaandar ang kotse. In fairness, ang guwapo nito sa suot na itim na jeans at blue na polo shirt. Halatang nag-shower ito bago nagbihis, katulad niya. Nagpalit siya pagkatapos mag-shower. Isang mini-skirt na kulay green at pinaresan niya ng puting sleeveless blouse at puting sandals na may two inches na takong. Katulad ng dati ay nakalugay lang ang kanyang buhok na tuyo dahil sa gamit na hair dryer. Nasanay kasi siyang gamitin ito pagkatapos mag-shower. Madilim ang kanilang dinaanan. Parang hindi umabot rito ang mga poste. Siguro walang budget ang barangay. Kulang sampung minuto lang ang takbo nila dahil sa bilis nitong magmaneho ay kaya dumating na sila sa isang malaking bahay sa gitna ng tubuhan na hacienda. Nang makalapit na sila ay pinabagalan nito nang sadya ang kotse. Dahil sa lakas ng musika sa loob ng malaking bahay ay naririnig nila ito. “So, sino ang may birthday?” tanong niya sa lalaki. “Wala. It’s just a simple gathering. Mga kaibigan ni Cammy.” Napatingin ito sa mga kotseng naroroon. Siguro tinatantiya nito kung sinu-sino ang mga kakilalang nandoon sa pamamagitan ng mga iyon. Nasa mga isang dosena rin yata ang mga nakaparadang magagarang kotseng nandoon. “So, who’s this Cammy? Girlfriend mo?” tanong na naman niya bago niya mapigilan ang sarili. Napalingon ito sa kanya nang may panunukso sa mga mata. “Does it matter?” Lumabi siya. Mukhang ayaw nitong aminin ‘yon. Babaero talaga! “Don’t do that,” anitong napadako ang mga mata sa labi niya. “Ang alin?” nalilitong aniya. “Kapag lumabi kang ganyan, you look like you’re begging to be kissed.” Nandilat ang mga mata niya habang napatawa ito nang mapanukso sa kanya. Naiinis na naman siya dito. Gusto na niya itong sapakin pero nagpipigil lang siya. Parang sayang naman kasi ang kaguwapuhan kapag mabugbog niya. Hay, ang konsensiya niya talaga. At sobrang bait niya para makapagpigil nang ganito. Ipinarada ng lalaki sa isang tabi ang kotse nito. Mabilis itong umibis pero para ‘yon pagbuksan siya. Napataas na lang siya rito ng kilay sa bilis nito bago pa man niya mabuksan ang pinto. “Hey, Cairon! Great to see you!” sabi ng isang magandang babae na medyo matangkad at seksi. Maputi ito, makinis at maganda. Lumambitin kaagad ang mga braso nito sa leeg ng lalaki. Hahalikan sana ito sa labi pero umiwas ang lalaki at inilayo ang sarili mula sa babae. “Hey, Cammy. Mukhang madami nga ang bisita mo,” anito saka napalingon sa kanya. Hinapit nito ang kanyang baywang nang wala man lang pasabi. “And this is my girlfriend, Derin. Derin, this is Cammy. My ex.” ‘Sh*t! Ex niya pala ‘to? At ano raw? Girlfriend niya ako? Ang kapal talaga nito!’ Para siyang matilihan. Mahigpit ang pagkakalikos ng braso nito sa maliit niyang baywang kaya hindi na siya nakapalag. Napilitan siyang ngumiti at nagtatanong sa sarili kung ba’t siya dinala nito sa party na ito. Para pagselosin kaya ang girlfriend nito? Pero mukha namang hindi na kailangan. “Oh! Hi, Derin,” sabi ng babaeng nagulat sa narinig pero agad ring nakabawi. Inilahad nito ang kamay para makipag-shake hands sa kanya kaya tinanggap na lang din niya ito. “Hi. Great party!” nasabi na lang niya habang napatingin sa paligid kung saan nagkaroon na ng tawanan at kuwentuhan sa kabila ng malakas na musika sa background. “Hey, you! My man!” sabi ng isang lalaking itinuro pa si Cairon. Mestiso ang isang matangkad na lalaking lumapit sa kanila nang makita sila malapit sa porch at nakatayo doon na tatlo. Niyakap nito si Cairon na napilitang bitawan siya para yakapin rin ang lalaki at nagtapikan ang mga ito sa likod. Mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito na ngayon lang nagkita-kita. Agad na nag-uusap ang mga ito at nagkatawanan pa. Nakita niyang napatingin rito si Cammy nang nakangiti at saka bumaling ito sa kanya. Inikot ang mga mata na nakangiti. “Men!” Hinila na siya nito pero pinigilan ito ni Cairon. Hinawakan nito ang isa pa niyang kamay. “Hey. Saan mo dadalhin ang girlfriend ko?” Ang mokong napaka-possessive. Napansin niya ang paghagod ng tingin ng kausap nitong lalaki sa kanya. Mukhang manyakis din ito katulad ni Cairon. Pero bakit parang mapahumindig siya sa tingin nito kumpara sa mga tingin ni Cairon? Mas gusto niya kay Cairon. Sexy kasi iyon. Jusme! Nababaliw na yata siya. Ikinompara ba naman niya ang tingin ng mga itong pareho namang manyak. “This is my best buddy, Morris. Morris, this is Derin, my girlfriend. So, you’re not allowed to look at her like that – or touch her!” banta nito sa kaibigan at sinapak ang huli sa ulo. Napatawa na lang ito nang pakamot-kamot sa ulong sinapak. Kahit paano ay naging normal na ito kung tumingin sa kanya. Buti naman. “Halika na, Derin. Ipakilala kita sa friends ko.” Hinila na naman siya ni Cammy. Kahit paano ay para namang friendly ang babae. Ipinakilala na nga siya sa mga kaibigan nitong babae’t lalaki. Mukhang kilala na ng mga ito si Cairon. Well, ex nga kaya ito kaya walang duda at hindi na nakapagtataka iyon. Si Cairon naman ay panay ang dikit sa kanya. Kahit paano ay nag-enjoy naman siya – hindi sa pagdikit nito kundi sa party. Nang minsan itong hinila ni Morris para magkumpol ang mga kalalakihan ay para na siyang mataranta. Bakit naman? Nakatingin kasi sa kanya ang lahat na parang tinatantiya siya at parang isda na anumang oras ay hahasangan ng mga babae. “So, how long are you two in a relationship?” tanong ng babaeng nagngangalang Kat. Pang-model ang katawan nito at mukhang mataray. “Uh… not long?” nasabi na lang niya na umayon na lang sa palabas ni Cairon. Baka kasi may dahilan ito kung ba’t iyon ang pagpakilala nito sa kanya sa mga ito. But why did she even care? Dapat nagsabi na siya ng totoo sa mga ito to set the record straight. Hindi niya ugali ang magsinungaling. Pahamak talaga ang lalaking ‘to! Nagkasala pa siya nang wala sa oras. Siguro white lie na lang din ‘yon. Sumang-ayon na siyang girlfriend nito kani-kanina lang. Okay, so not long, ‘di ba? Gusto niyang tawanan ang sarili nang mapangkutya. Naghanap pa ng excuse, eh. Nagkatinginan ang mga babae habang titig na titig sa kanya si Cammy. “We thought Cammy and he would get back together, you know?” patuloy ni Kat. Parang ang himig ng sinasabi nito ay “So, bakit may katulad mong umeksena sa kanila?” “Uh… I see,” sabi na lang niya na medyo napasimangot. “But why didn’t you?” baling niya kay Cammy. Kumumpas ang babaeng nasa hot seat at napatawa nang alanganin. “You should know. Cairon is… Cairon. He does things that he wants, which nobody can stop him from doing them. We’ve been together for a year since we broke up last year and I could not figure the man out.” She made face afterward. Well, hindi niya siguro ito masisisi. Hindi naman siguro madaling intindihin ang katulad nito. “Hmm,” ang ani Kat bago bumaling kay Derin. “So, Cammy here said that he’s totally a performer.” Itinaas-baba pa nito ang mga kilay at napakagat-labi. “So, can you share if it’s true?” Napamangha siya sa sinabi nito. ‘Oh, Diyos ko Lord. Humingi pa ng second opinion. Open ba talaga ang topic na ‘to?’ Para siyang matilihan. She’d never discussed such intimate topic with anyone – well, perhaps besides Gretchen. Naikuwento kasi nito ang mga sexcapades nito nang dahil sa librong isinulat niya. Wala naman kasi siyang choice sa mga panahong iyon. Gayunpaman ay hindi pa rin talaga siya komportableng pag-usapan ang tungkol doon kahit kailan. Kahit na sa kanino pa siya nakikipag-usap! Hindi niya namalayan ang sariling napatingin kay Cairon. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Nang dahil doon ay lumayo ito sa mga kagrupo nito at mabilis na lumapit sa kanila. Baka nabasa nito ang nasa mga mata niya. “Hey! Anong pinag-uusapan n’yo? Ako, ano?” anitong pasimpleng ipinatong ang kamay sa balikat ni Derin. Hindi niya alam pero parang comforting sa kanya ang kamay nito na kahit sa suot na tela ay sumuot sa balat niya ang init ng palad nito. Hinimas-himas pa nito ang balikat niya nang banayad. ‘Peste! Nananantsing na naman ang isang ‘to!’ napagtanto niya. Napahagikhik ang mga babae habang napangiti nang pilya si Cammy at si Kat dito. “How could you even guess?” anang Cammy. “I know you. All of you.” Bumaling ito sa kanya. “Babe, okay ka lang ba rito o uuwi na tayo para maka-round two? Mas mabuti na ‘yung may gagawin kaysa kuwentuhan lang.” Kinagat pa nito ang ibabang bahagi ng labi, and he looked so devilishly sexy. Napabungisngis ang mga babae sa narinig habang napalis ang ngiti sa labi ni Cammy. Siya naman ay namilog ang mga matang nakatingin sa lalaking nakadungaw sa kanya. Hayun na naman at nanunukso ang light brown eyes nito sa kanya. Nababasa na niya ang kabastusan sa isipan nito ngayon. ‘Sh*t! Isa na lang! Sasapakin ko na talaga ‘to! At ano raw? Babe? Kadiri naman sa ‘babe’ niya!’ Siya kasi ang tipo ng babaeng hindi gusto ang endearment na “babe.” Common na. Parang nakakaumay at feeling niya hindi sweet kundi maharot lang. Mas tipo niya ‘yung pa-tweetums tulad ng sweetheart o sweetie. Pero sa kabila nito ay para namang kiniliti ang puso niya dahil sa pagtawag nito sa kanya nang ganoon. Para pang hinalukay-ube ang sikmura niya. Bakit ba kasi? Dahil ba medyo lumambing ang tono nito sa pagkakatawag sa kanya n’un? “Oh, please, Cairon. Your girlfriend seems to be a very private person,” ani Cammy na may panunukso sa binata. He squinted his eyes, looking at Derin. “Of course, you’re right, Cammy. Kaya iuuwi ko na ito bago pa ito himatayin sa mga ikukuwento ninyo ni Kat.” Hinawakan siya nito sa balikat at pinatayo na. “Let’s go, babe.” Ramdam niya ang mainit nitong hiningang pumaypay sa kanyang pisngi. Lalong nagbungisngisan ang mga kaibigan ni Cammy at nununudyo ang mataray na si Kat habang nakatingin kay Derin. May ibinubulong pa ito kay Cammy habang nakatingin sa kanya. Ano ba kasi itong kinasusuungan niya, eh? Nagpaalam na nga ang binata sa mga kalalakihan na mukhang na-disappoint na hindi pa man alas-dos ay uuwi na sila. Ayos naman sana ang party dahil walang nabubulahaw na mga kapitbahay dahil katulad ng mansion ay malayo ito sa mga kapitbahay na nasa ibayo pa. Kapwa sila nasa loob na ng sports car nito. “Call me ‘babe’ again and I swear—” Naputol ang kanyang gustong sabihin nang dumampi sa mga labi niya ang labi nito at ang isang kamay nito ay nakahapit sa baywang niya. That kiss was gentle but she froze. He slowly moved his lips against hers and it was like she was drowning into a beautiful abyss. He tasted sweet, minty and alcohol mixed together. It was… heady. Addictive. Hindi na siya nakapag-isip pa. Natural lang na pumikit ang mga mata niya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya. ‘Sh*t! Ang sarap talaga ng halik niya!’ sigaw ng isip niya. Bago pa niya namalayan ay gumalaw na rin ang kanyang mga labi at tinugon ang halik na ‘yon. Napamura siya sa isipan nang lalong lumalim ang halik na ‘yon. Hindi siya makapaniwalang nakipaghalikan siya rito. Ilang sandali pa ay tinapos nito ang halik na ‘yon. His eyes and smile told her it wasn’t enough but he was satisfied that she kissed him back. “I really love kissing you, Derin. I loved that you kissed me back.” “I-I didn’t kiss you back… i-it was just the tequila. I guess,” sabi niyang nag-iinit ang pisngi at iniwas ang paningin. Napapikit pa siya nang saglit sa katangahan niya. Napatawa ito nang marahan bago pinaandar ang kotse. “Okay. Blame it to the poor tequila! Next time, you can’t blame anything or anyone. I’ll make sure of that.” Medyo napakiling ito ng ulo bago pinatakbo ang sasakyan. Kinabahan talaga siya sa sinabi nito. Pero hindi niya talaga maipagkakaila sa sariling ang sarap ng halik nito na parang ayaw na niyang tumigil. Hindi talaga umaandar ang pagiging marunong niya sa martial arts sa lalaking ‘to. Parang nawala na lang basta ang lahat ng natutunan niya. Gaga talaga. ‘Gumising ka nga, Derin! Huwag kang magpapadala sa kanya.’ Nang dumating sila sa mansion ay agad siyang bumaba bago pa ito makaibis at pagbuksan siya. Dapat na agad siyang umiwas at lumayo sa lalaki. Humabol ito sa kanya at sumabay sa kanya. Ang lalaki kasi ng mga hakbang para lang maabutan siya. ‘Kainis!’ sa isip na naman niya nang mapasulyap dito. Ang lagkit nitong makatingin sa kanya. Para na naman siyang matutunaw. Ito pa ang nagbukas ng malaking tarangkahan bago niya ito maabutan. Ngumiti ito nang lagpasan niya nang walang salita. “Dream of me… babe,” pang-asar na naman nito sa kanya bago siya makaakyat patungong pangatlong palapag. Doon kasi ang kuwarto niya. Nalaman niyang ang kuwarto nito at ng tiyahin ay nasa pangalawang palapag naman. Binigyan niya ito ng isang irap at tinalikuran na. Tama. Hindi na niya ito papatulan at mapapagod rin ito. Iyon na nga ang gagawin niya. Well, sana nga. Wish niya lang talaga. *** Minura ni Cairon ang sarili. He was still so aroused when he got inside his room. Parang gustong makalabas nito at araruhin ang magandang si Derin. ‘Hell! Magkasakit yata ako sa puson nang dahil sa babaeng ‘yon!’ sa isip niyang nagmamadaling naghubad para magtungo sa banyo. Dapat palamigin niya ang temperatura ng kanyang katawan. O kaya’y sasabog na siyang parang bulkan. Gusto pa naman ng lava niya na dumaloy sa loob ng kuweba ni Derin. Mura na naman siya. Nang mahimasmasan ay nakaroba na siyang humiga sa kama. Inalala niya pa ang nangyari kanina sa bahay ni Cammy. Hindi niya alam pero gusto niya lang angkining girlfriend niya si Derin. Natuwa pa siya dahil hindi man lang ito pumalag at nakiayon na lang sa palabas niya. Pero napaisip siya kung ano ang naisip nito nang makaharap nito ang ex niya na muntik na siyang halikan. Nang makipaghiwalay siya kay Cammy dahil napagod na siya sa kanilang relasyon dahil gusto naman niyang sumubok ng ibang babae ay hindi niya maipagkaila noon na may s*x chemistry nga naman sila ng ex niya. Pero hindi naman iyon sapat para sa kanya. Parang may iba pa siyang hinahanap na hindi niya alam. Gusto pa niya ng mas mahigit pa roon. Pero ano pa nga ba ang mas mahigit sa s*x? Iyon ay isang palaisipan para sa kanya. Nakatulog na lang siya at napanaginipan pa si Derin. At doon ay nakipagniig ito sa kanya. Tuloy may hard-on na naman siya paggising. ‘Freaking wet dream!’ aniya sa sarili na bumangon. Kulang na lang ay labasan na siya dahil doon. Ngali-ngali na naman siyang nag-shower ng napakalamig. ‘What’s with her anyway?’ Parang daig pa niya ang ginayuma ng babaeng ‘yon. Hindi na mapalagay ang “kuwan” niya dahil sa dalaga. Ultimo pag-iisip niya lang dito ay talaga namang naaapektuhan siya nang husto. Laging tumatayo si “junior” niya nang walang kapaguran. Ano ba kasi? Parang mawawalan na siya ng pasensya. Nakapalit na siya ng damit at handa na siyang bumaba para mag-agahan. Well, more like brunch dahil mga alas-diyes na ‘yon ng umaga. Nang mapadaan siya sa French windows ng silid niyang may manipis na kurtina ay nandilat na lang ang mga mata niya sa dalagang nasa swimming pool na agad nakikita mula doon sa bintana. “Hell!” naibulalas niya. Naka-two piece lang ang dalaga. Kulay hot pink at strings pa ang disenyo n’un. Nakatayo ito sa may gutter bago nag-dive. Nakalitanya na siya ng mura habang nanonoood sa dalagang nag-su-swimming. Sumandal siya sa isang gilid ng French windows habang nanonood sa babae. Pamboboso ba itong ginagawa niya? Well, who cares? Bahay niya ito at titingnan niya ang gusto niyang tingnan! ‘Damn it! She’s really hot!’ Napahilot siya sa sentido.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD