Chapter 4

2621 Words
Ibinigay ni Estela kay Derin ang hindi nito nagamit na swimsuit. Iyon nga lang ay wala itong one-piece suit kundi sexy and skimpy two-piece. Dahil gusto naman niyang mag-swimming dahil sa medyo mainit-init ang tubig dahil sa sinag ng araw ay parang hinihikayat siyang lumangoy. Dahil gusto naman ni Estela na mag-enjoy siya sa kanyang weekend bago magsimula sa trabaho niya sa Lunes ay siguro dapat ngang lubus-lubusin na rin niya ito. Wala naman kasing swimming pool sa lumang maliit na bahay ng Lola niya na minana niya. Doon pa rin siya nakatira at bumili na lang siya ng kotse para sa sarili bilang luho at practical purposes na rin. Makaka-afford naman na siya sa kahit na anong kailangan niya dahil sa royalties na natatanggap niya sa limang librong naisulat niya at nasa market pa rin hanggang ngayon. Ang isa – ‘yung kay Gretchen – ay gagawan daw ‘yon ng movie. Natutuwa naman siya dahil may kikitain siya doon ayon sa napag-usapan nila ng Amerikana. Malaki talaga ang utang na loob niya sa kaibigan na sinasabing dapat huwag niyang isipin ‘yon. Aahon na sana siya sa tubig nang mapahinto siya sa kalagitnaan ng hagdanan habang nakahawak sa tubo. Nakita niya kasi si Cairon at kasama pa si F! ‘Sh*t! Baka susugurin na naman ako ng malibog na asong ‘to! Leche! Mana talaga sa amo!’ sa loob-loob niya habang nakatitig nang napakalagkit sa kanya ang lalaki. Parang gusto na niyang magbalot ng pinakamakapal na tela para hindi manunuot sa kalamnan niya ang mga mata nito. Para na kasi siyang hinuhubaran sa lagay niyang ito lalo na’t dalawang maliliit na saplot lang ang nakatabon sa mga pribadong parte ng katawan niya. Jusme! Baka iisipin pa nitong inaakit niya talaga ang lalaking ito kahit na hindi naman. Umaatras siya at bumalik sa tubig na ikinatawa ni Cairon. “Hey! Are you afraid of me or F?” panunudyo nito habang nakangising aso ang French bulldog nitong nakatingin sa kanya. “Cairon! Alisin mo na nga asong ‘yan dito,” sabat ng tiyahin nitong nakaroba ng kulay light pink at nakasuot ng malapad na puting sunbrim hat laban sa araw. Nakasunod rito ang isang naka-unipormeng katulong na may dalang refreshments para sa kanila. Inilapag nito ‘yon sa isang mesa na may malaking payong. “Pakidala kay F kay Mang Matias, manang,” narinig niyang sabi ng lalaki sa katulong pagkatapos ng trabaho nito. “Opo, Sir,” tugon nitong kinuha ang leash mula sa lalaki. Kahit paano ay napahinga siya nang maluwag nang makaalis na ito kasama ang aso. Dahan-dahan na siyang umahon gamit ang hagdan para magtungo sa lilim. Nako-conscious na naman siya sa mga tingin ng lalaki na halatang bagong ligo at bihis. Naka-board shorts ito at T-shirt. Bagay pa rin nito ang “pambahay loook” nito. ‘Sh*t! Kailan ba papangit ang kumag na pervert na ‘to?’ Iniabot nito sa kanya ang tuwalya kaya nagpasalamat na lang siya. Idinampi niya ang tuwalya sa kanyang mukha bago iyon ibinalot sa kanyang katawan at pilit na huwag pansinin ang nakakalusaw na titig nito kahit nasa harap pa ito ng tiyahin. ‘Walang hiya talaga ‘to!’ dagdag ng isip niya na umupo sa hinila nitong upuan para sa kanya. “I don’t enjoy this pool as much as I do now,” sabi ni Estela na nakangiti sa kanya. “Wala kasi akong kasama.” Napangiti siya rito habang dinampot ang isang baso ng mango juice. “Buti na lang nandito si Derin, Tita Este. May kasama ka na sa pag-su-swim kung gusto mo,” sabat ng lalaki. “Oo nga naman,” sang-ayon ni Estela sa pamangkin. Inabot nito ang clubhouse sandwich. “Pero hindi ako makakatagal dahil sa napakainit na araw. Kahit ang sarap ng tubig, nakakasakit naman sa ulo ang matinding init ng araw.” “Hmm. Gusto n’yong palagyan ko ng bubong ang swimming pool?” Prenteng umupo ang lalaki at inagaw pa nito ang juice niyang kalalapag lang niya. “Cairon! Ang bastos mo talaga. Kay Derin iyan,” sabi ng tiyahin nito dahil sa nasaksihan. Pero tinawag nito ang mayordomang si Ate Lucinda at naghabilin na padalhan ng isa pang baso para sa binatang ngumisi lang at kinindatan pa siya. Feeling familiar talaga ito sa kanya kahit kailan. Ewan na lang niya kung paano ito iiwasan gayong parang wala itong planong lumayo sa kanya. “Ang bubong, Tita Este. What do you think?” paalala nito sa tiyahin. “You want it? Pasisimulan ko na mamaya.” ‘Wow! Mabilis talaga ang kumag kapag may gustong gawin.’ Ito ang napagtanto niya. Kumumpas ang tiyahin nito. “No, you don’t have to. Ayos na ito. Papangit ang pool kung may bubong. Lalamig rin ang tubig kapag ganoon. Gusto ko ‘yung maaligamgam ‘yung tubig. Don’t you think so, too, Derin?” Tumango naman siya pero hindi nagsalita. Kumuha na rin lang siya ng clubhouse sandwich at tahimik na kumakain. Dumating naman ang isang katulong na may dalang extra na baso at isa pang pitcher ng mango juice. Ipinagsalin siya nito ng juice at pinasalamatan niya ito bago ito umalis. “So, you’re not going somewhere today?” baling ng tiyahin sa pamangkin na mukhang kontento sa kinasasandalang bakal na upuan. “Where would I go, Tita?” “Kay Cammy,” mabilis na anito. Gustong mapatawa ang dalaga habang kumislot ang mukha ng binata. Umiling ito at napatingin ito sa kanya nang medyo may panunukso sa mga mata. “You know damn well we’re over, Tita. Kung binisita ko man noon si Cammy, it was just… for fun and for old times’ sake.” Napataas siya ng kilay sa sinabi nito. “Hmm.” Parang hindi makapaniwalang anang tiyahin nito. “So, how was the party last night?” baling nito sa dalaga. “Oh, it was… great.” “So, nakilala mo rin ang ex ng pamangkin. What do you think of her, Derin?” Bigla siyang hindi mapalagay sa tanong na ‘yon. Nakatingin kasi sa kanya ang lalaki nang may interesadong mga mata. Halatang gusto nitong marinig ang sasabihin niya. “Uh… I think she’s… friendly.” Napatawa si Estela habang ngumisi naman ang binatang napailing-iling bago dinampot ang baso ng juice at uminom na naman. Sinaid na ‘yon bago nagsalin mula sa pitcher. “Well, she’s quite a great lady at her less than thirty of years. Maaga siyang naulila at siya ang nag-aasikaso ng hacienda nang mag-asawa ang kanyang kapatid at naninirahan sa Manila.” “I see.” “Is it because of the long distance relationship that you broke up with her, Cairon? Hindi mo sinabi sa ‘kin ang dahilan, by the way,” baling nitong uli sa pamangkin. Napakiling naman ng ulo ang lalaki. “No, Tita. You should know better.” “Huh!” Estela huffed. “I don’t believe it.” Dinampot rin nito ang baso at sinimsim ang juice na parang wine. Elegante talaga itong si Estela sa bawat kilos. “Anyway, you should get used to the idea that I’m so single and will have a new girlfriend soon,” anitong makahulugang tumingin sa dalaga. Nakuha iyon kaagad ni Estela na medyo nasorpresa pero hindi makapagsalita. Tiningnan siya nito nang may interesadong mga mata, tulad ng pamangkin nito. Pero nagpatay-malisya na lang siyang uminom ng juice. Dapat hindi niya patulan ang lalaking ‘to. Siya lang kasi ang matatalo at the end of the day. At maiinis lang siya. “Madam, may tawag po para sa inyo,” ang sabi ng mayordoma. Tinulungan ito ng lalaki na hatakin ang upuan para hindi ito mahirapan. Nag-excuse ang may edad na babae at sumunod na sa mayordoma. Napamura sa isipan ang dalaga. Nasosolo na naman kasi siya ni Cairon ngayon. Tatayo na sana siya para sumunod. Yeah, she might be a coward but she doesn’t care! Ayaw niyang magkaroon sila uli ng eksena ng lalaki dahil baka hindi niya kayang kontrolin ang sarili sa susunod na yakapin at halikan siya nito. She won’t take that risk. “Aren’t we dodgy?” ngising puna nito na umupo nang naka-dekuwatro. “G-gusto ko nang makapagbihis,” palusot niyang itinaas ang nguso. Ayaw niyang pagsabihan nitong duwag kahit totoo pa ‘yon. Napatawa itong napahagod ng tingin sa kabuuan niya. “What’s wrong with what you have on? Tayo lang naman ang nandito.” Oo, pero kitang-kita lang naman ang mga hita, binti, balikat at cleavage niya. Inis niya itong tiningnan. Humigit siya ng hangin. “What do you want from me? Ipinakilala mo pa akong girlfriend mo sa ex mo kagabi. What’s the deal anyway?” Teka, bakit ba niya ito itinanong? Dapat wala siyang pakialam dahil tapos na ‘yon. Isa pa, hindi ba’t gusto niya itong iwasan? Ba’t siya nakipag-usap ngayon sa lalaki? Nababaliw na nga yata siya. Nawala na sa isip niya ang kanyang resolusyon na dedmahin ito. Sa dalawang hakbang lang ay nasa harapan na niya ang lalaki at napilitan siyang mag-angat ng mukha para tingnan ito. “I want you, Derin.” Nalaglag ang panga niya. Baka ngala-ngala na rin. Teka, ang laki yata ng pagkamaang niya. Naalala niyang itikom ang bibig habang tiningnan ang lalaking may pagkagiliw sa mga mata. Nakangisi na naman ito. Kinabig na naman siya nito na hinapit ang baywang at magkadikit ang ibabang parte ng katawan nila. ‘Good Lord! Ang tigas na naman niya!’ Agad na nag-iinit ang pisngi dahil dito at todo-todo ang kaba sa puso niya. Pinanunuyuan pa siya ng laway sa lalamunan kaya pilit siyang lumunok. Idinikit pa nito nang husto ang matigas na katawan sa kanya at napakagat-labi siya sa ginagawa nito. Ramdam na ramdam ng puson niya iyon. ‘Sh*t! Tumakbo ka na, Derin! Bilis!’ sulsol ng isip niya. Pero hindi siya makagalaw. Parang nanghihina ang mga tuhod niya. Napasinghap pa siya. Bakit hindi? Hinalikan ba naman nito ang punong-tainga niya at medyo kinagat-kagat iyon at dinilaan. ‘Sh*t. Sh*t. Sh*t!’ mura niya sa isipan. Hindi pa rin kasi siya makagalaw. “I promise, you’ll enjoy it. Dadalhin kita sa cloud nine… or wherever you want to go,” bulong nito. ‘Peste! Bakit hindi ako makagalaw kahit parang hinahalay na niya ako?’ Minura niya ang sarili. Sigurado siyang kapag ibang lalaki pa ito ay kanina pa niya ito tinuhod o binugbog. Pero hindi si Cairon. May kung anong pumipigil sa kanya para gawin iyon nang hindi niya mawari. Parang gusto na rin kasi niya ito. Hindi na siya normal! Tinitigan nito ang mga mata niya. May pagsusumamo, paglalambing at pang-e-engganyo doon. Para siyang tuod na nakatulos sa kinatatayuan niya at hindi niya namalayan ang paglaylay ng tuwalya sa harap niya at mas nakikita nito ang umbok ng kanyang dalawang dibdib. Ang pisngi niya ay talagang mainit. Siguro hanggang leeg at tainga na ‘yon. Inangat nito ang isang kamay at hinaplos nang banayada ang kanyang pisnging nag-iinit dahil sa hiya at galit na rin dahil hindi niya man lang ito kayang sapakin ngayon. “You’re so beautiful, Derin. You’re driving me crazy, you know that?” bulong na naman nito. Bago pa man siya makaimik o ano pa man ay yumuko ang ulo nito at naramdaman na naman niya ang halik nito. Napapikit siya ng mga mata. Wala siyang lakas na lumaban. Narinig niya ang pag-ungol nito nang bahagyang gumalaw ang kanyang labi para tumugon sa halik nito. Lalo nitong nilaliman ang paghalik sa kanya at ipinasok ang dila nito para hanapin ang dila niya at tikman din. ‘Sh*t!’ mura na naman niya sa isip. She liked how his sweet, warm and wet tongue coaxes hers, illiciting some response from her. Para siyang idinuduyan sa alapaap nang hindi niya maintindihan. Parang wala ng ibang nag-ma-matter kundi ito at ang halik nito sa kanya. Narinig niya ang mahina nitong ungol at lalong pagdiin ng matigas nitong hinaharap sa kanyang puson. Ang isang kamay nito ay naghimas sa isang balakang niya samantalang ang isa ay nakahawak sa kanyang likod para hindi siya makalayo mula sa katawan nito. Pero nanatili ang mga kamay niyang nakahawak sa dibdib nito. Sa matigas at malapad na dibdib. Gumalaw ang kanyang kamay nang hindi niya alintana na nagpaungol na naman rito. “Oh, hell! Yes, babe,” he cursed under his breath. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanyang labi na parang gusto na siyang lamukusin sa sobrang panggigigil. Ramdam niya rin ‘yon sa paghaplos nito sa kanyang pang-upo. Biglang may tumunog. Ang cell phone nito. Ilang ulit rin ‘yon bago ito natigil sa paghalik sa kanya nang nagmumura at hinihingal. Kapwa nila habol ang kanilang hininga. “Kaninong cell phone ba ‘yun?” inis na anito. Nag-aapoy ang mga mata. Kahit paano ay napatawa siya sa kabila ng pagkapahiya. “It’s your phone!” sabay tulak niya sa lalaki. Inayos na niya ang tuwalya. “The hell!” sabi nito ulit. Napaiwas siya ng tingin mula rito. Kung makapagmura kasi parang wala ng bukas at kaapu-apuhan yata ito ni Satanas. Well, guwapong kaapu-apuhan ni Satanas. Marahas nitong dinukot iyon mula sa bulsa at tiningnan ang LCD bago sinagot. Pero napatingin ito ulit sa kanya. “What the hell is it?” inis nitong bungad sa sinumang tumatawag rito. Naisip niyang iwanan na ito. Oras na para makatakas. Kumbaga, dapat nang mag-regroup na. Bakit kasi naakit at nagpadala siya sa halik na ‘yon ng lalaki? Napasunod ng tingin sa kanya ang binata na walang nagawa nang umalis siya. Hanggang ngayon ay abot-abot ang kaba niya. Hindi iyon dahil sa pagtakbo niya mula sa swimming pool papunta sa kanyang silid. Napasandal siya sa dahon ng pintuan ng silid niya. Nasapo niya ang kanyang dibdib. “Gaga ka talaga, Derin!” pinagalitan niya ang sarili. “Ano na ngayon ang iisipin ng kumag na ‘yon? Wala ka ng kawala. Wala ka ng puwedeng sisihin. Hindi ka uminom ng alcohol katulad noong kagabi! Leche talaga ang pervert na ‘yon. Bakit ba kasi ako may kakaibang nararamdaman sa kanya?” Pinukpok niya ang sariling ulo at napabuga siya ng hangin. Tumakbo siya papunta sa banyo at mabilis na nag-shower. Binalik-balikan ng isip niya ang nangyari sa kanila ni Cairon. Paano kung may nakakita sa eksenang ‘yon? Paano kung si Estela ang nakakita pero hindi nakialam? Para siyang manliit at gusto na niyang kainin ng lupa sa kahihiyan. Nang makapagbihis ay paikot-ikot naman siyang naglalakad sa loob ng silid niya. Natatakot siyang lumabas at baka makaharap na naman niya si Cairon. Isa pa, parang hindi niya kayang lumabas rin dahil baka nga nakita ‘yon ni Estela at nahihiya pa siyang harapin ang may edad na babae. Hindi niya kasi alam kung ano ang maipapaliwanag kung sakaling banggitin iyon ng retired actress. Habang naglalakad ng paroo’t parito ay hindi mapakali ang mga kamay niyang naglilikot at pinipisil ang mga iyon. Nabigla siya nang may kumatok sa kanyang silid. Muntik na siyang mapalundag dahil sa tunog na yaon. “Derin?” tawag ni Ate Lucinda. “Lunch na daw kayo ni Madam Este at Sir Cairon,” dagdag nito. Napapikit siya ng mga mata. “Sh*t,” mahinang sabi niya sa sarili. “Um… n-nandiyan na po!” Wala siyang choice. Wala nang silbi ang pagtatago niya doon sa kuwarto. Kailangan niyang humarap sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD