Kiley's Point of View
Sa sobrang antok ko ay kamuntik pa akong sumubsob nang huminto ang taxi sa tapat ng isang napakatayog na building. Hindi na kasi ako nakapag-seatbelt dahil sa labis na pagkalutang.
“Salamat, kuya,” sabi ko sa driver nang makapagbayad ako. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa entrance ng building.
Pansin ko pa ang tingin sa akin ng guwardiya mula ulo hanggang paa, pero nagtagal sa dibdib ko ang mga mata niya. “Saan ang punta natin, ma’am?”
“Kay Mr. Plonder,” sagot ko.
“Anong floor po and ano pong pangalan?”
“Hindi ko alam kung saang floor. Artem Plonder ang pangalan ng pupuntahan ko.” Ipinakita ko sa kanya ang text ng boss ko.
“Tara po sa front desk,” aniya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi tuloy ako komportable dahil parang nahumaling siya sa beauty ko. Hay, isa talaga ‘to sa disadvantage ng pagiging maganda—hindi mo mapili kung sino ang mahuhumaling sa ‘yo.
Pero okay na rin. Blessing din ako kay kuya, dahil mukhang nagising ang diwa niya nang makita ako. Nakakaantok pa naman kapag night shift.
“Good morning po. Guest po ba? Ano pong room number,” magalang na bungad sa akin ng babae, pero pansin ko agad ang tingin niya sa akin. Siguro first time niyang makakita ng guest na naka-pajama.
“Hindi ko po alam kung anong room. Pero Artem Plonder po ang pangalan,” sagot ko. Kita ko kung paano namilog ang mga mata niya. “He’s my boss, at nandito po ako para ibigay sa kanya ang flash drive na ‘to,” dagdag ko pa at baka kung ano pa ang isipin niya.
“Let me confirm lang po, ha? Miss...”
“Kiley. Kiley Pearson.”
Tumango siya at tumawag. “Good morning, sir. I would like to confirm if you are expecting a guest named Kileyn Pearson?”
Kita ko kung paano napangiwi ang babae habang bahagyang inilalayo ang telepono sa tainga niya. Hilaw siyang ngumiti sa akin. “Pwede na po kayong tumuloy. Paki-pindot lang po ang ‘PH’ button.”
“Thank you.” Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang button na sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ‘PH’, pero dahil iyon ang instruction ay sinunod ko lang.
Nang sumara ang elevator ay doon ko nakita nang buo ang ayos ko. Medyo magulo ang aking buhok dahil basta ko na lang itong pinusod sa pagmamadali. Pero kung may napansin man ako na labis kong ikinagulat, ‘yon ay nang mapagtanto kong wala akong suot na bra!
Bakat na bakat ang utonginabels ng babae!
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking pisngi kasabay ng realisasyon ko. Kaya pala titig na titig sa akin si kuya mo guard at ate mong receptionist sa akin!
Agad kong nayakap ang sarili ko.
Kay init ng pisngi ko. Parang ayoko na lang tumuloy. Gusto ko na lang umuwi.
Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay tumatawag na sa akin ang masungit kong boss.
Nakagat ko na lang ang labi ko saka siya sinagot. “Sir?”
“Where the hell are you? Kanina pa ako naghihintay!”
“Nasa elevator, sir,” sagot ko. “Paano po ba ito papabilisin?”
“Pinipilosopo mo ba ako?”
“Hindi po.”
Minura niya lang ako saka niya ibinaba ang tawag.
Napairap na lang ako sa hangin saka ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko. Sakto namang tumunog na ang elevator kaya dali-dali akong lumabas.
Bumungad sa akin ang isang malawak na hallway. Kaliwa’t kanan ang ilaw na nakadikit sa pader na gawa sa bricks. Sa dulo ng hallway ay isang malaking double door na gawa sa kahoy.
Agad akong nag-doorbell dahil hindi ako makapasok gawa ng finger print at pin code ang security lock ng pinto.
Habang hindi pa bumubukas ang pinto ay niyakap ko muna ang sarili ko para takpan ang dibdib ko. Kahit gusto kong akitin siya, hindi ko naman gusto sa ganitong paraan. Baka masabihan niya pa akong pokp*k, ‘no.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang boss kong nakasuot lang ng itim na sando at gray sweatpants. May suot din siyang tingin ko’y reading eyeglasses na tila bumagay sa magulo niyang buhok.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Put*nginamerls, ang gwapo!
“Where is it?” aniya saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. “What the f*ck are you wearing?” puna niya sa suot ko.
“Hindi na ako nagbihis kasi pinagmadali mo ako,” sagot ko saka dinukot sa bulsa ko ang flash drive. “Heto na po ang hinahanap n’yo,” inabot ko sa kanya ang flash drive. Pero pansin kong wala roon ang atensyon niya.
Nang sundan ko ang mga mata niya ay pansin kong sa dibdib ko siya nakatingin.
Mabilis na nag-init ang aking pisngi. Agad kong tinakpan ang dibdib ko. “S-Sir, heto na po ang flashdrive,” pagtawag ko sa atensyon niya.
Kita ko kung paano siya natigilan saka nag-iwas ng tingin sabay hablot ng flash drive sa kamay ko.
Akmang isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko siya.
“What?” masungit niyang tanong.
Hilaw akong ngumiti. “P-Pwede po ba akong makahiram ng jacket, sir?”
“No.”
Isasara na sana niyang muli ang pinto nang iharang ko ang paa ko. “Sir, please! Kailangan ko lang talaga,” pagsusumamo ko. “Ayokong umuwi na bakat ang...” Hindi ko maituloy ang sinasabi ko.
Muli siyang napatingin sa dibdib ko. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang tumalikod. “Wait here.”
“Sir, baka naman pwede n’yo akong papasukin?” pagbabakasakali ko.
Rinig ko ang mahina niyang mura saka siya nagkamot ng ulo. “Fine.” Nilawakan niya ang pinto saka siya naunang bumalik sa loob.
Pumasok na ako at halos malula ako sa laki ng bahay niya. Halos gawa sa salamin. May second floor pa. Kulay itim at puti ang dominanteng kulay ng bahay. Pero hindi ‘yon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang mga nagkalat na papel sa living room, ang laptop niya sa maliit na roundtable, at ang kumot at unan niya sa sofa.
Dito ba siya natutulog at nagtatrabaho?
“Don’t even think of reading those papers. They’re confidential,” matigas niyang sabi habang pababa siya sa hagdan. May dala na siyang itim na jacket, ngunit hindi pa man siya nakakababa ay bigla siyang napaupo habang hawak-hawak ang ulo niya.
Mabilis akong napatayo at lumapit sa kanya. “Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong ko habang inaalalayan siyang makatayo. “Sir?” tanong ko nang marinig ko ang mahinang pagdaing niya. “Sir, are you okay?”
“Y-Yes,” aniya at pilit akong itinulak. “Don’t touch me. Leave,” pagsusungit niya.
Kung baliw lang ako ay itinulak ko na siya sa hagdan at nang matuluyan. Siya na nga ang tinutulungan siya pa ang galit?
Bibitawan ko na sana siya pero muli siyang na-out balance. Mabilis ko siyang hinawakan, pero dahil sa bigat niya ay pati ako ay nawalan na rin ng balanse. Napatili na lang ako kasabay ng pagbagsak ko...
...sa ibabaw niya.
Damang-dama ko ang mukha niya na bumaon sa dibdib ko. Bukod doon ay ramdam ko rin ang matigas na bagay na tila kumakalabit sa hita ko. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kinapa ko ‘yon, dahilan para mas lalo pa itong tumigas.
“W-What are you doing?!” Malakas niya akong itinulak dahilan para bumagsak ako sa sahig.
Pulang-pula ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Pero wala roon ang mga mata ko kundi nasa sweat pants niya kung saan hulmang-hulma ang naghuhumindig niyang alaga.
Agad niya itong tinakpan. “Leave!” sigaw niya sa akin habang hindi makatingin.
Nag-init ang aking pisngi. Wala sa sarili akong tumayo at akmang lalabas na sana nang tawagin niya ako, “Hey!”
Paglingon ko ay sumalubong sa mukha ko ang itim niyang jacket. “Wear that before you leave,” mahinang sabi niyan habang tinatakpan ng kamay niya ang kanyang sentro.
“S-Salamat,” sagot ko at wala sa sariling isinuot ang jacket niya at lumabas.
Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang nakapa at nakita ko kanina. Hindi ako makapaniwala. Sobrang laki. Sobrang taba.
S-Sa kanya lahat nang ‘yon?