SIMULA
IT WAS SO DARK.
Wala akong ibang makita kung hindi ang madilim na paligid. Hindi ko alam kung bakit ako naririto o kung paano ako nakarating sa lugar na ito.
Tila hindi ako makagalaw kahit na anong gawin ko. Para akong nakatali at kahit gusto kong ikilos ang aking katawan, hindi ito tumutugon.
Where am I?
I kept thinking about what kind of place I was in, until I could no longer breathe. Para namang may nakasakal sa akin ngayon at pinipigilan akong huminga.
My vision is becoming blurry, and my eyes are watering from the suffocation.
Help!
I tried to scream, but no voice escape my mouth.
Tinangka kong labanan but I was so hopeless. Until my vision was succumbed by darkness.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. It was all a dream.
Tulala ako sa puting kisame. Kagaya sa panaginip ko, hindi pa rin ako makagalaw at akala mo ay hindi ko maramdaman ang katawan ko.
Nasaan ako?
“Gising ka na!”
May isang babae ang dumungaw at nahagip ng paningin ko. Tinitigan ko lang siya but I didn’t respond.
“Doc, gising na po ang pasyente!”
For some reason, I can’t remember anything. By Doc, does she mean doctor? Nasaan ako?
Nakarinig ako ng ingay. Ang sunod kong napansin ay inoobserbahan na ako ng isang lalaki.
“Call her relatives,” sabi ng lalaki.
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Sumasakit ang aking ulo.
“Mrs. Zendejas, can you hear me?”
His voice is starting to drift away. Akala mo ay habang tumatagal, lumalayo ang boses niya. Hanggang sa tuluyan na naman akong lamunin ng kadiliman.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising ulit ako at nakita ko na naman ang puting kisame ng silid na kinaroroonan ko. Kagaya ng ginawa ko kanina, tinitigan ko lamang iyon.
“Your wife is still unresponsive, Mr. Zendejas.”
Narinig ko ang boses ng lalaking nag-obserba sa akin kanina. May kausap siya at tinawag niya ito sa parehong apelyidong itinawag niya sa akin kanina.
“But rest assured, she’s going to be okay. She’s stable now, but we need to carefully monitor her—”
Hindi ko sinasadyang mapadaing. Tinatangka ko kasing igalaw ang kamay ko at nang magawa ko iyon, nagpakawala ako nang mahinang pagdaing.
Nang marinig iyon ng dalawang nag-uusap ay pareho silang napatigil. Alam ko na may dalawang pares na ng matang nakatingin sa akin.
“Sianna…” May isang lalaki na naman ang lumapit sa akin at sinilip ako. This time, sa hindi malamang dahilan, nagawa kong kumilos.
Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko at tumingin sa kanya. My heart skipped a beat when I saw a handsome man. He looked familiar, but for some reason, I couldn't quite place him.
Do I know him?
“You’re awake, Lusianna.”
Lusianna, is that my name?
“Sino ka?” Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang ulo ko. I try to remember what happened o kung sino ang lalaki…at kung sino ako, but I can’t remember anything.
Why?
Tinangka kong tumayo. The beautiful man assisted me.
“Huwag ka munang kumilos. Baka makasama sa ‘yo.”
Marahan kong tinabig ang kamay ng lalaki. My senses awakened when he touched me, and I am not sure if I like the feeling.
“Who are you?” tanong ko sa kanya. “Kilala ba kita?”
Kumunot ang noo ng lalaki. Tinitigan niya ako bago tumingin sa doktor.
Even when he’s frowning, he looks gorgeous. How can someone be this good-looking?
Lumapit sa akin ang doktor. Tiningnan niya ulit ako.
“Looks like the patient is suffering from amnesia.” Tumingin ang doktor sa lalaki. “We need to examine her further.”
“Gawin ninyo po ang lahat para sa asawa ko.”
Asawa? Ako ba ang tinutukoy niya?
“Asawa kita?” Hindi ko na naiwasang itanong iyon. Tiningnan ako ng lalaki.
I can't remember having a husband, but then again, I can't remember anything at all.
“Oo,” sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. His hand is callous. Halatang babad sa trabaho.
Tila ba bumabaliktad ang sikmura ko. Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. And for reasons I can’t fathom, I unintentionally pulled it back.
Para akong napapaso sa hawak niya.
“I don’t remember you,” sabi ko sa kanya. “I don’t even know who I am. What happened to me?”
Habang pilit kong inaalala ang katauhan ko at ang lalaki sa harapan ko, sumakit ang ulo ko. Magkakahalong emosyon ang aking nararamdaman. Naririto ang takot na baka…hindi ko na maalala ang buhay ko bago ito mabura sa utak ko.
Unti-unti ay hindi ko na nakokontrol ang emosyon ko.
“Sianna, relax—”
When he tries to approach me again, umatras ako sa kama.
“Don’t come near me!” sigaw ko. “Hindi kita kilala.”
I feel so scared. Maging sa sarili ko ay natatakot ako. Everyone is a stranger to me, kahit pa ang sarili ko. Wala akong kilala at hindi ko rin kilala kung sino ako.
“Just calm down, Mrs. Zendejas—”
“No!” Itinulak ko sila papalayo sa akin. “Huwag ninyo akong lalapitan!”
Doon na ako nagsimulang magwala. Nang tila ba hindi magawa ng utak kong alalahanin ang buhay ko noon, para bang binalot ako ng takot at nagwala na lang.
Hinawakan ako ng nurse para hindi ko masaktan ang sarili ko. Nagmamakaawa ako sa kanila na pakawalan nila ako.
“Please, calm down. It’s okay.”
“No!”
May itinurok sila sa akin at dahan-dahan ay kumakalma na ako. Unti-unti rin ay bumibigay ang mga mata ko hanggang sa tila ba…nakakatulog na naman ako.
I passed out.
Nang mga oras na magkaroon ulit ako ng malay, umaasa ako na may maaalala na ako, pero wala pa rin. Ayoko na sanang magising dahil baka magwala na naman ako.
I feel so empty, like a hollow shell without my memories. Hindi ko man lang maalala kung anong klaseng buhay ang mayroon ako o kung totoong asawa ko ang magandang lalaki.
When I opened my eyes, I was expecting to be by myself—alone in the hospital room.
“Sianna…”
Napalagok ako nang marinig ko ang baritono niyang boses. He’s voice is good, too. Ngayon ko lang napagtanto dahil mas kalmado na ako kumpara kanina.
Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa kanya. He has this permanent cold and dark expression on his face, na nagbabago lang siguro depende sa mood niya o sa kausap.
“Are you feeling better now?” tanong niya.
Nagdadalawang-isip akong magsalita pero nagawa ko pa ring tumango sa kanya.
“Oo,” saad ko. “Sorry about earlier.”
“No need to apologize.” Tinangka niya akong hawakan pero may biglang pagdadalawang isip sa kanya. Sa huli, mas pinili niya na hindi ako hawakan.
Tinitigan ko ang lalaki. Hanggang nagyon ay hindi ako makapaniwala na sinabi niya sa akin na mag-asawa kaming dalawa.
Should I trust him? Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay walang kasinungalingan sa mga sinasabi niya. Hindi kagaya kanina na masyado akong overwhelm sa mga nangyayari, ngayon ay para bang kusa nang tinatanggap ng sarili ko ang mga sinabi niya.
Like it’s natural for me to accept everything he’s saying.
“Who are you again?” tanong ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim.
“My name is Baste Zendejas. I’m your husband.”
Tinitigan ko siya sandali. Hindi pa rin makapaniwala na asawa ko ang isang kagaya niya.
“And my name?” tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan niya akong mabuti na akala mo ay nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba sa akin ang sagot sa tanong ko. Siguro ay iniisip niyang magwawala na naman ako.
“Lusianna Zendejas.” Tiningnan niya ako and there’s something in his eyes that made my heart pounded so hard in its cavity. “My wife.”
I looked straight into his eyes, wanting to know if he was lying. I gasped when I realized that he was looking straight at me, too, as if he wanted to reach into my soul and carve his name into my heart.
That was the beginning of my life as the wife of a stranger, with nothing and no memories of my past.
Little did I know, behind this stranger was a prideful man who wanted me desperately and fed me lies—only to become the same man I would eventually fall for.