Alciana “BY NOW, it’s started.” Umiinom ang dalawang kapatid ko ng whiskey. Naandito sila sa bahay ng mga magulang ko. Bigla na lang silang pumunta rito. Wala naman iyon sa akin. Masaya ako na dinadalaw nila kami, pero kanina ko pa napapansin na para bang may pinag-uusapan sila na hindi ko maintindihan. “The commotion in a certain household, huh?” sabi naman ni Azriel matapos ang unang sinabi ni Kuya Yago. “We should task Amari or someone to cover what was happening there, para naman may mapanood tayo. Just for entertainment.” “Ano bang pinag-uusapan ninyo?” Tinaasan ko sila ng kilay dahil hindi ko talaga maintindihan kung anong pinag-uusapan nila o kung sino mang tinutukoy nila. Hindi na nga ako matahimik dahil para bang iba ang kilos ni Esteban kagabi ay dadagdag pa itong mga kapa

