Alciana NANG magising ako, nakita ko ang hindi pamilyar na kapaligiran sa akin. Napabangon ako kaagad at pinag-aralan ang kinaroroonan ko. Esteban’s smell lingers inside the room. This must be his room. Bumangon ako at naglakad sa loob. Nakita ko ang iilang litrato na mayroon siya rito. Hindi nga ako nagkamali na nasa loob ako ng silid niya. Naalala ko kung anong ginawa niya. He kidnapped me, again. Alam niya siguro na hindi ako papayag sa plano niya kaya kinailangan niyang mawalan ako ng malay para madala rito. Kuwarto niya siguro ito rito sa bahay nila. This is the first time I entered it. Parati akong dinadala noon ni Esteban sa penthouse niya pero hindi niya pa ako naisasama rito sa kuwarto niya sa main house nila. Huminga ako nang malalim. Mas lalo niya lamang pinalala ang sitwa

