Alciana NAPANGUSO ako nang marinig ko mula kay Adela na umalis na si Esteban sa bahay. Nakatulog ako kanina at hindi ko namalayan ang pag-alis niya. Nag-iwan naman siya ng note, pero sana man lang ay nagpalipas na muna siya ng gabi rito. He’s injured. Ang sabi naman ng doktor ay walang dapat ipag-alala roon, pero mas maganda pa rin kung magpapahinga muna si Esteban para mabilis na gumaling ang mga sugat niya. I tried to call him, pero mukhang busy. Kaya si Steven na lamang ang tinawagan ko. “Steven?” “Ate Alciana? Napatawag ka? May problema ba?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. “Naandiyan ba ang Kuya mo?” Sandali siyang tumigil, halatang nag-iisip. “Ang alam ko ay umuwi si Kuya kanina pero umalis din kaagad matapos makapagbihis. Akala ko ay magkasama kayo.” “Kanina ay magkas

