KABANATA 55: SILENCE

2599 Words

Alciana WALA akong planong patayin si Francis Colmenares nang unang punta ko rito. Ang balak ko lang, takutin siya para naman tigilan niya ako. Ngunit nang may sabihin siya sa akin na hindi ko nagustuhan ay roon na ako napundi sa kanya. Ito nga ngayon at hinahanap ko siya. Tumakbo siya kanina at tumakas. Wala sa akin na sinabi niyang kriminal ang aking pamilya at kagaya lamang ako ng mga ito. Ang hindi ko nagustuhan ay ang sabihin niya na may ibang naging lalaki ang aking ina kahit wala naman. Hindi nila alam kung anong nangyari sa pamilya ko lalo na sa mommy ko, kaya wala siyang karapatang magsalita. Tinutukan ko ng baril ang isang pinto ng silid at pinaputukan iyon ng sunod-sunod. Nakarinig ako ng ingay mula roon kaya alam ko na may tao roon. Bukod sa kay Francis ay mga bodyguards n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD