Alciana “DON’T you think it’s weird?” “Weird? Not really,” sabi ni Esteban sa akin. Magkausap kami ngayon sa video call. It’s been a week since umalis siya ng Pilipinas. Nagkaroon kami ng oras na mag-usap ngayon at nabanggit ko nga sa kanya ang mga sinabi ni Frances sa akin noong nakaraan. Naalala ko pa na sinabi ko sa kanya na ayoko siyang maging kaibigan. “Ang mean mo naman!” sabi niya sa akin noong mag-usap kaming dalawa ni Frances at sinabi sa kanyang ayoko siyang maging kaibigan. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Pero basta at magkaibigan na tayo!” Napairap ako sa hangin nang maalala ‘yon. Nagtanong pa siya kung pwede kaming magkaibigan, siya rin pala ang magdedesisyon sa huli. “Bakit?” “Well, that’s Frances. Mabait naman talaga siya at mahilig makipagkaibigan kapag

