Esteban “YOUR plan was good, Esteban. Nagawa nga nating i-persuade ang mga Benavidez,” sabi ni Dad sa akin. Simple lang naman ang sinabi ko sa kanya na sabihin sa mga Benavidez kapag nagkausap na sila. In order to end the rivalry, mas maganda kung may magpapakasal sa pamilya nila at pamilya namin. Hindi lang naman kami ang makikinabang dito, makikinabang din sila. Hindi nila pinalagpas ang proposal na ipinadala ko sa kanila. I made it flawlessly. Kaya alam ko na kakagat ang mga Benavidez doon. Hindi nga ako nagkamali. Itinago ko ang ngiti ko matapos marinig ang sinabi ni Dad. Ayoko namang ipakita sa kanya na masyado akong masaya sa ibinalita niya. Ang tingin niya rito, sinabi ko lang ‘yon dahil ayaw ko na nalalamangan kami ng mga Benavidez, and it was purely business. Hindi niya alam

