PULANG LUPA:
“No! No! No!!!!! Ayaw ko na dito!” malakas na sigaw ni Jessica.
Habang sa tabi nito, nakangisi si Leo. Siya na ngayon ang namumuno sa buong isla. Ito ang pamana sa akin ni Donya Cecilia. Pero magmula ng pumirma ako sa kontrata ng kasal namin ni Dahlia, isa ito sa binitawan kong lugar na ‘to.
“What is your plan for Jessica?” Tanong ko sa aking kaibigan na doktor.
“She likes men, right? So, we'll give her what she wants. Also, my girlfriend has ovarian cancer and is no longer capable of getting pregnant. Luckily, we had her eggs reserved before she started chemotherapy. So, to give some purpose to Jessica's uterus, let's just make it a nursery,” nakangisi na sabi ni Leo habang humihithit ng sigarilyo.
Napangiti na lang ako at nailing. Bahala na siya sa babaeng baliw na ‘yon, total arbor na niya. Ang gusto ko lang, tahimik na buhay. Kaya naman iniwan ko na ito at nagpaalam na aalis na rin. Sumama lang ako sa paghatid sa babae, para masiguro na hindi na ako nito guguluhin pa.
Habang sakay ako ng yacht, napangiti ako ng madaanan ang bahagi ng isla kung saan mahalaga sa akin. Sa totoo lang, mahal ko si Donya Cecilia bilang isang ina. Saksi ang lugar na ito kung paano niya ako turuan sa mga negosyo at kung paano gumamit ng dahas sa mga bagay na gusto mo.
Hindi ko masabi na masama ang matanda, hindi ko rin masabi na mabuting tao siya. Ang sigurado lang ako, handa niyang gawin ang lahat, para sa mga taong mahal niya at kahit kapalit pa nito ay ang lahat ng meron siya.
Napapikit ako na dinama ang init ng araw at ang hangin na malamig. Halos dalawang oras lang kami naglayag sa dagat at nakarating na rin kami sa pangpang. Sumakay ako agad sa kotse at si Charles ang nag sundo sa akin.
“Si Dahlia?” tanong ko dito.
Pagdating ko kasi sa bahay noong araw na nakuha namin ang resulta ng paternity test, may kausap ang aking asawa. Kaya diretso na ako sa aking silid. Paggising ko, gabi na at wala na ang mga ito. Tumawag daw si Rose at kailangan si Dahlia para umalalay dito. Kaya doon ko muna hinayaang manatili.
“Sa mansion ng La Cuesta. I feel sorry for Dahlia. Because she's pregnant, but she's the one really taking care of Gideon. Also, there seems to be something different about your wife,” kwento ni Charles habang nagmamaneho.
Kunot-noo at may pagtataka ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito.
“Sige tol, I'll leave ahead. I have somewhere to go.” Sabay paharurot ni Charles ng kanyang sasakyan.
____
Hindi ako masyadong makatulog ng mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung paano patutunguhan si si mommy parang ibang tao na magmula ng aksidente. Lagi lang itong tahimik at nakatitig kay Daddy. Naging malungkutin na rin ito at nag-aalala ako.
“Is there a problem? You looked like you stayed up all night,” bulong sa akin ni Hero na dumating na pala. Hinalikan ako nito sa noo at niyakap mula sa likod ko.
“Hero, pwede ba yakapin mo ako? Namimiss ko na kasi ang yakap ni Gideon,” sabi ni mommy sa asawa ko.
“Sige na,” mahina na bulong ko kay Hero. Lumapit naman ang aking asawa sa aking ina at niyakap ito. Napakunot-noo ako dahil ang yakap ni mommy ay matagal at mukhang ayaw pa bumitaw.
“Silly,” nakangiti na sabi ni Hero, sabay pitik sa noo ni mommy.
Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib. Noong nasa mansion si Tita Jessica, ni hindi ako nakaramdam ng selos o kaba na baka maagaw sa akin si Uncle Hero. Pero kay mommy, lagi na lang parang may karayom na tumutusok sa dibdib ko pag magkatabi sila.
Para akong napapaso na lumabas ng silid ni Daddy at diretso ako sa kusina. Uminom ako ng tubig na malamig at parang gusto ko umalis ng bahay.
“Alam mo anak, noon pa ganyan na si Rose, malambing. Sana wag mo pagselosan ang mommy mo,” nakangiti na sabi ng matandang kasambahay namin.
Sa pagkakataon na ‘to, parang gusto ko magmaldita. Pero dahil matanda na ang kaharap ko, pipigilan ko muna. Ngumiti lang ako at diretso akyat ako sa taas, sa silid ko.
Hapon ako ng umakyat, nakaligo na ako inabot na ako ng gabi na nakatingin lang sa bintana. Ni hindi man lang humabol agad na umakyat si Uncle sa silid ko. Amg dasal ko, sana magising na agad si Daddy, dahil namimiss ko na siya at gusto ko mag sumbong.
“Why didn't you come back downstairs? Rose and I waited for you, we already had a merienda. Do you want me to send some food up here? Mukhang matamlay ka, are you okay?” Sabay kabig ni Uncle sa balakang ko.
“Ni hindi pa nga tayo nag-uusap kung ano ang plano natin sa bata. Kung ano ba talaga tayo. Tapos ngayon, imbis na unahin mo ako, nanatili ka pa sa baba at binantayan si mommy. May nurse naman siya at mga maids.” Napakagat ako ng aking labi at nakurot ko ang kabila kong braso. Mukhang aumobra na ako, pati ang mga salita na dapat sa isip ko lang, nasabi ko na. Parang tunong nagseselos tuloy.
“Wait, are you jealous?” Tanong ni Uncle Hero na kahit ano mangyari, hindi ako aamin na nagseselos ako kay mommy.
“Alam mo Uncle Hero—”
“Hero na lang. But if you're shy about calling me by my first name, you can just call me 'honey'. Alam mo na asawa kita at legal ang kasal na’tin, kaya itama na natin ang lahat. Sa bahay pag-usapan natin ang lahat pag-uwi,” malambing na sabi ng gurang kong asawa.
Hindi na ako umimik pa. Kumalas ako sa pagkakayakap nito at diretso ako sa pinto na nakabukas, nauna na akong lumabas at bumaba ng hagdan.
“Halika anak! Nagluto si Manang ng sweet and spicy baby back ribs.” Nakangiti at masaya si mommy na hinila pa ako sa tabi niya, kahit pa medyo hila nito ang paa niya maglakad. Pero mas pinili ko maupo sa katapat niyang upuan.
Hindi nagtagal, sumunod rin si Hero sa akin. Sa tabi ko ito naupo. Sinandukan na ako nito ng kanin at konting ulam. Pero isang subo pa lang ang nagagawa ko, napansin ko na marami itong hinihimay na hipon. Pati ang karne, hinihiwalay na nito agad ang buto at mas dinudurog pa ang laman.
“Here,” nakangiti na sabi nito, sabay lagay ng kalahati sa plato ko.
Akala ko sa kanya na ang natira na kalahati, pero nagulat ako ng tumayo ito at nilagyan ang plato ni mommy. “Thank you, Hero,” nakangiti na sabi ni mommy.
Parang gusto ko paikutin ang mga mata ko sa inis. Kaya naman nagpanggap ako na nasusuka. Takip ng palad ko ang aking bibig na tumakbo patungo sa lababo.
“Are you okay?” tanong ni Hero sabay abot ng baso na may tubig sa akin at hinaplos pa ang likod ko. Hindi ko inaasahan na susunod ito.
“Ayos lang ako, kumakin na kayo doon. Pakisabi kay Manang na mag akyat na lang ng crackers at mainit na gatas.” Sabay mumog ko ng tubig at inalalayan naman ako ng isang kasambahay paakyat sa silid ko.
Pagdating ko sa taas, naupo muna ako at hindi ko alam bakit nag-uunahan ang mga luha ko na pumatak. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko para sa aking ina, lalo pa't hindi pa rin siya tuluyang magaling. Ayaw ko din mag-isip ng masama. Pero anong gagawin ko? Magmula ng malaman ko na first love ni Hero si Mom, pinangungunahan na ako ng selos.