CHAPTER: 13

1102 Words
Nakapikit ako na nakahiga ng patagilid sa kama ng maramdaman na lumundo ang higaan at yumakap mula sa likod ko si Hero. Hinalikan ako nito sa noo at hinalikan maging ang tiyan ko. Nagpanggap lamang ako na tulog at nanatili akong walang kibo hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog. “Good morning, my beautiful flower!” masigla na pagbati sa akin ni Hero. Medyo napakunot ang noo ko, dahil bulaklak din ang name ni mommy. Hindi kaya ganito din ang kanyang tawag sa aking ina. “What kind of look is that?” tanong pa nito na hindi ko inimikan. “Papasok ako sa opisina. May mga kailangan akong pirmahan. Nagkausap kami ni Charles kahapon at marami akong kailangan aprobahan,” sabi ko sa aking asawa. Sabay tayo ko at diretso ako sa loob ng banyo. Habang naghihilamos ako ng mukha, para akong emosyonal na naiisip ang galaw nina Hero at mommy na sobrang komportable sa isa't-isa. May mga bulungan pa silang dalawa minsan at tinginan na sila lang ang nagkakaunawaan. Saglit ko winaglit sa isip ko ang dalawa at nagmamadali akong naligo. “Ihahatid na kita,” malambing na sabi ni Hero. Pero tiningnan ko lang ito gamit ang malamig ko na mga mata. “I already asked Manang to prepare a sandwich earlier. There's also chicken fillet and vegetable salad. I didn't know what you'd want to eat. Baka kasi tulad kagabi, medyo maselan ka pa ngayon, because you're pregnant,” medyo alanganin ang mukha ni Hero at halatang hindi sigurado sa sinabi. “Susunduin ako ni Austin, dadalhin ko na lang ang mga pagkain, para may makain kami habang papuntang office,” mahinahon at casual na sagot ko sa aking asawa sabay talikod. “Bakit si Austin pa ang maghahatid sayo anak? Nakakahiya naman na inaabala mo ang iba. Pwede naman na si Hero na lang,” sabad ni mommy mula sa likod ko. “Hello, Tita Rose!” masigla na pagbati ni Austin na dumating na pala. Kaya hindi ko nasagot si mommy. “Good morning, Sir,” pagbati din nito kay Hero. “Tita, kahit kailan hindi naging abala sa akin ang pinakamagandang babae na nakilala ko.” Sabay pisil ni Austin sa pisngi ko. “Tara na nga! Ikaw ang abogado na laging late,” natatawa na hinila ko si Austin palabas ng bahay. “Nakakatakot ang itsura ng asawa mo. Parang hindi pwedeng biruin,” pagbubukas ni Austin ng usapan habang nagmamaneho ito ng sasakyan. “Mas bagay sila ni Mommy ‘no?” Sagot ko kay Austin na kunot ang noo at hindi umimik. Katahimikan ang dumaan bago ito muling nagsalita, “Nagseselos ka ba kay Tita Rose?” tanong nito sa akin na tinitigan ko lang din sa mukha, sabay iwas ko. “Your mom is a good woman,” pahabol pa nito na sabi. Napangiti na lang ako ng mapait. Parang walang nakakaintindi sa akin. Parang invalidated ang feelings ko. Na para bang nagsisinungaling ako o malisyosa lang ako para sa kanilamg lahat. “Sunduin na lang kita mamaya?” tanong ni Austin matapos ako ibaba sa tapat ng building na pag-aari ko. Tumango lang ako dito at hinalikan ako nito sa noo. Sabay balik sa loob ng kanyang sasakyan at pinaharorot ito palayo. “Why do you let another man kiss you?” Nagulat ako ng magsalita si Hero sa tabi ko. Para itong kabute na bigla na lang sumusulpot. “Wala ka pa, ganyan na kami ni Austin. Tsaka anong masama sa halik sa noo? Kayo nga ni Mommy nagyayakapan pa,” gusto ko sana sabihin ang huling pangungusap, pero di ko na dinugtong pa. Ayaw ko rin pahabain ang usapan. Kaya inismiran ko lang ito na para bang hangin lang. “Hero ano ba?!” malakas na sigaw ko ng buhatin ako ng aking asawa na parang bagong kasal. Gusto ko man gumalaw at makababa, baka maaksidente pa kami at masaktan ang tiyan ko. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado at nahihiya na tinago ko na lang ang aking mukha sa dibdib ni Hero. Pumasok kami sa private na elevator at niluwa sa loob ng opisina ng aking asawa. “Anong nginingisi-ngisi mo? Para kang demonyo na nanalo sa lottery,” sabi ko, sabay hampas ng malakas sa braso nito. “Do we have a problem?” Tanong sa akin nito ng iwasan ko ang kanyang halik. Tumayo lang ako at nilibot ko ang aking paningin sa loob ng office. Malaki na ang pagbabago nito. Parang bigla na lang akong nalungkot. Ito kasi ang opisina ni lola noon na madalas ko puntahan. Pero may bahagi pa rin na hindi binago ni Hero. Tulad ng mga upuan ay ilang display, kasama na ang malaking portrait ni lola. “Please, I don't want to disappoint Donya Cecilia, so if we have a problem, I hope we can fix it. And don't even think about filling an annulment. Because that's more impossible than the word impossible itself.” Hindi ako nakasagot. Biglang sumeryoso ito at mukhang batas ang pagkakadiin ng mga salitang binitawan nito kanina. “May gusto ka pa rin ba kay Mom?” lakas loob na tanong ko dito. Lumakad ako palapit sa kinatatayuan nito at nakatingala ako mismo sa mukha nito na hinihintay ang kanyang sagot. “Rose will always have a special place in my heart. But you are my wife now. It's not right to involve your mother in this kind of conversation. Bukod doon, bahagi na lang siya ng nakaraan ko.” Sabay tungga nito ng alak. Hindi ako kumbinsido sa kanyang sagot. Kaya iniwan ko ito at malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pinto. “May gagawin pa ako,” sabi ko dito ng mabilis itong humakbang at hawakan ako sa braso. “I'll just call my secretary. Ipapaakayat ko dito ang mga papeles na kailangan mo.” “I'm young and desirable, if you don't give me value, I will leave you,” sabi ko dito sabay bawi ng aking braso ko. Pagdating ko sa aking lamesa, nakatingin ang ibang mga empleyado sa akin. Wala akong pakialam na naupo at binuksan ang aking computer. Tinawagan ko si Charles para ihatid ang mga papeles na kailangan ng pirma ko. Parang pakiramdam ko nasasakal ako kahit saan ako pumunta. Sa mansion ng mga magulang ko, maging dito sa trabaho. Kailangan ko na talaga siguro ng natures break. Kailangan ko ng sariwang hangin at mga taong hindi ako kilala maging ang pamilya ko. Mga tao na pag kinausap ko, alam ko na hindi bias at judgemental. Mga tao na baka mabigyan ng halaga ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD